Chapter 10

82 13 1
                                    

Third Person PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person PoV

Next Victim: Room 12

Stella (Aya's alipores)

---------------

Stella's PoV

"Okay..see you later aya." wika ko and I ended the call.

Isang linggo na ang lumipas buhat nang bangasan ni serenity ang pagmumukha naming tatlo. Buti na lang at binayaran ni alice ang hospital bills namin kung hindi ay mapapagalitan talaga kami sa parents namin.

Humanda talaga ang babaeng iyon dahil magbabayad siya. Hindi niya alam kung sinong binabangga niya.

Alas-sais na ng gabi nang makalabas ako sa dorm.

Usapan kasi naming tatlo na magkikita-kita kami sa mall. Nauna na sila doon kasama ng wallet namin at hindi man lang ako hinintay ng mga bruha.

Naglalakad ako sa may gilid ng daan ng maramdaman ko na may sumusunod sa akin. Binilisan ko na lang ang lakad ko at nataranta ako ng binilisan niya din. Oh god help me.

Takbo lang ako ng takbo at impit akong napasigaw nang hinigit niya ng marahas ang buhok ko. OH MY HAIR! Bagong rebond lang ito! "AHHHHHH! HELP!" hindi na ako nakapanlaban ng inihampas niya ng paulit ulit ang martilyo sa mismong mukha ko. OH MY BEAUTIFUL FACE!

Everything went black.



--------------
Third Person PoV

Mag-iisang oras na sila sa restaurant pero wala pa din si stella. Ang hindi nila alam ay lumisan na pala ito.

"Uhh antagal naman ng babaeng iyon!" wika ni aya na kanina pa naiinis dahil hindi pa ito dumarating.

"We can still buy clothes naman kahit wala siya, we have our wallet anyways." saad naman ni thalia habang umiinom ng shake.

Napairap na lang si aya sa inis.

"You know what...you are too selfish. Pero sabagay may point ka naman. Let's just go girls and have some fun!" masayang wika ni aya at lumabas na nga silang tatlo sa restaurant.

Habang nasa department store sila para bumili ng damit. Biglang nakaramdam ng tawag ng kalikasan si alice kaya napagpasiyahan niyang magbanyo muna. Hindi alam ng dalawa na nagtungo pala ito sa restroom.

Biglang nakaramdam ng takot at kaba si alice nang namatay ang ilaw sa restroom. Dali dali niyang itinaas ang kanyang pantalon at pinakiramdaman ang paligid.

"Aya....thalia...kayo ba yan? This is not a good joke guys." kinakabahan nitong sambit. Dali dali siyang lumabas ng cubicle dahil sa sobrang dilim ay hindi niya mahanap ang pintuan palabas.

Dahan dahan siya sa paglalakad nang biglang may humataw ng tubo sa ulo niya at dahil malakas ang pagkakahampas nito ay nawalan siya ng malay.

Nagising si alice dahil sa lamig ng tubig na ibinuhos sakanya. Napaubo ito dahil nakasinghap siya ng tubig.

Napalinga linga siya. Hindi pamilyar sakanya ang lugar na toh. Napagtanto niyang nakatali ang kamay at paa nito sa kinauupuan niya.

"Tulong! Somebody.....help me!" wika niya kahit nahihirapan. Nagpumiglas siya pero sadyang mahigpit talaga ang pagkakatali sa kanya kaya napahagulgol na lang siya dahil alam niyang katapusan na niya.

"Walang makakarinig sayo dito, alice." sabi nang taong nasa harapan niya.

Hindi niya alam kung sino ito dahil may maskara ito na nagtatakip sa kung sino siya.

Inihahanda nito ang mga kagamitan sa mesa. Napalunok na lang siya dahil alam niyang gagamitin ito ng salarin upang wakasan ang buhay niya.

"Pakawalan....mo..ako..di...dito." pagmamakaawa ni alice sakanya.

"Kung hindi mo sana ako nakita nung gabing iyon...payapa pa sana ang buhay mo ngayon."

Paano niya nalaman na ako yung nakakita? sabi ni alice sa isip niya.

"At dahil bobo ka! Nahulog mo ang ID mo....at dahil matalino ako. Nahanap kita." sabi ng salarin sakanya habang iwinawagayway ang ID niya at tumawa ito ng nakakakilabot.

Napahagulgol na lang ulit si alice dahil natatakot siyang dito na magtatapos ang buhay niya.

"Manahimik ka!" sigaw ng salarin sakanya at inihampas nito ang hawak niyang ID sa pisngi ni alice. "Alam mo...magpasalamat ka na lang dahil puputulan lang kita ng karapatang magsalita."

At sa puntong iyon. Nanlamig si alice sa kanyang narinig. Alam niya na ang magiging kahihinatnan niya.

"Open your mouth...wide. Alice."

"No....no..you..can't do..this to me!" sigaw ng sigaw si alice.

"Oh yes! I can! Now open your mouth. Kung ayaw mong hindi lang ito ang aabutin mo." tila nasindak naman si alice sa sinabi ng salarin. Kaya't sa puntong iyon ay wala na siyang nagawa kundi ibuka ang kanyang bunganga.

"Good girl. Now, stay still."

Gamit ang napakatalim na gunting ay hinila ng salarin ang dila ni alice at walang ano anu'y ginunting niya ito. Sumirit ang dugo nito at nagtalsikan sa mascot ng salarin ngunit isinawalang bahala niya lang ito at nagpatuloy sa paghiwa.

Puro palahaw ni alice ang maririnig sa buong silid.

Matapos ang ginawang pag gunting ng salarin sa dila nito ay nawalan ng malay si alice.

"Magiging pipi ka na habang buhay." sabi ng salarin na may malawak na ngisi.


Dinala niya ito sa may dormitoryo at gumawa siya ng alibi sa landlady na nawalan ng malay si alice para payagan siya nitong idala sa room niya.

Naniwala naman ang landlady sa kanya kaya binuhat niya na ito papunta sa taas.

Room 30.

Hindi naka-lock ang pinto kaya madali na lang para sa salarin na makapasok sa loob.
Ibinagsak niya ang katawan ni alice na wala pang malay sa higaan.

Naalala niya pala ang ID nito kaya ipinasok niya ito sa isang bag. Lingid sa kanyang kaalaman ay hindi kay alice ang bag na iyon kundi kay serenity.

Nilisan niya na agad ang kwartong iyon bago pa may makakita sakanya.



Thanks for reading!♡︎

VOTE and COMMENT!♡︎

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon