Epilogue

48 1 0
                                    

Third Person's PoV

Paika ikang naglalakad ang tatlo habang binabagtas ang madilim na daan.

Sakto namang nakasalubong nila si zylyn at umakto na nasasaktan sa kanyang sugat.

"Z-zylyn...napaano ka?" bulong ni reign at tumigil muna sila saglit sa paglalakad.

Dahan dahang umupo si zylyn habang pinipigilan ang luhang tumatakas sa kanyang mata.

"C-charles...is dead." saad nito. Umiling iling si reign at tila ayaw paniwalaan ang nalaman.

"Kasama mo siya...bakit?" bumuhos na nang tuluyan ang luha ni reign.

"Sinabi niya sa'kin na tumakbo ako at hanapin kayo. He did his best reign...but it's all over now. Mark is dead too."

Hindi nila magawang magsaya dahil sa pangyayari. Habang nag iiyakan sila ay hindi nila napansin na malapit na lang pala sa kanila ang isang pigura at may hawak itong patalim.

Pero bago siya makarating sa kinaroroonan nila ay ibinuhos niya ang gas sa iba't-ibang parte ng dormitoryo. Parte na rin ng plano niya.

"Kailangan na nating tumakas dito." saad ni reign.

"Ma..naa armoy a-awo n ga-gas." (May naaamoy ako na gas.) napatingin sila kay alice nang pilit nitong magsalita para lang masabi iyon.

"Don't force yourself alice." saad ni reign. "We need to go."

Lumapit si zylyn kay alice at inalalayan niya ito. Pinauna niya muna ang dalawa. Inilabas nito ang maliit na patalim sa bulsa niya at sinaksak si alice. Idiniin niya ito hanggang sa magsilabasan ang dugo niya. Napadaing siya at nagkunwaring nag aalala si zylyn.

"Reign...si alice!" sigaw nito kila reign na hindi pa nakakalayo sa kanila.

"A-anong nangyari?"

"Nagsisimula na namang sumirit ang dugo sa tagiliran niya."

"Nagamot na kanina yan—omygod." napatakip si reign sa bibig niya nang makitang natumba si alice.

"Alice!"

Iniwan niyang muli si serenity sa tabi at paika ikang lumapit kila alice.

"No..no."

"S-she's dead." saad ni zylyn nang kapain nito ang pulsuan niyang hindi na tumitibok. "Let's go reign! Patay na siya wala na tayong magagawa." sigaw ni zylyn at hinila si reign.

"Bitawan mo ako!"

Dahil sa inis ni zylyn ay hindi na siya nag dalawang isip na ilabas ang kanyang patalim. "Pinipilit mo talaga akong gawin 'to." bigla siyang nagseryoso bagay na ikinatakot ni reign.

"Z-zylyn...stop being so serious. You're s-scaring me."

"Sorry not sorry but I need to kill you now."

Nanlaki ang mata ni reign sa takot.

"W-why? Magkaibigan tayo zylyn! Huwag mong sabihing kinakampihan mo ang mamamatay tao na iyon?!"

"B*tch please...why not. He's my boyfriend after all."

Itinulak niyang malakas si reign dahilan para mapasalampak ito sa sahig at inupuan nito ang kanyang tiyan.

"Ahhh! Get off me!"

"Hindi kita tinuring na kaibigan. Aaminin ko ngayon din na naiinggit ako sa'yo. Puro na lang ikaw! Nagkagusto pa sa'yo si mark! I really really hate you. But now here you are helpless. Sa oras na mapatay kita magsasama na kami ni mark at mamahalin niya ako ng sobra." saad nito at itinaas ang kutsilyo.

Nagulat si reign sa sinabi ni zylyn. Buong akala niya ay patay na talaga si mark. Natakot siya sa naisip niyang kung mamamatay na siya ay maiiwan na namang mag isa si serenity sa kamay ng dimonyo.

"I'm sorry serenity." bulong nito at napapikit. Hinihintay niya ang patalim na dadampi sa kanyang balat ngunit wala siyang naramdamang sakit. Hindi niya na rin maramdaman ang katawan ni zylyn na nakaupo kanina sa kanyang tiyan. Iminulat nito ang kanyang mata at nakitang nakahandusay sa tabi niya si zylyn. Tirik ang mata nito at naliligo sa sarili niyang dugo.

Nakita niya ang isang pigura na nakatayo malapit sa kanya habang hinahabol nito ang kaniyang hininga.

"My hands are dirty now because of that b*tch's blood arghhh." inis na sambit ni serenity at nang makita niyang nakatingin sa kanya si reign ay tinulungan niya itong tumayo.

Muling umiyak si reign dahil hindi pa rin siya makapaniwalang gising na si serenity at tila wala itong iniindang sakit. Nagyakapan sila dahil sa tagal nilang nawalay sa isa't-isa.

"I miss you so much!" sigaw ni reign habang umiiyak.

"I miss you too! Gosh I'm so happy we survived."

But deep inside they are both broken. Just the two of them survived. While the psycopath is still watching them from the dark.

Lumabas ito mula sa dilim at pumapalakpak na lumapit sa dalawa.

"Aww what a lovely scene."

Biglang dumilim ang ekspresyon ni serenity at itinago niya si reign sa kanyang likuran.

"Dahil sa nasaksihan ko. Wala na akong balak na saksakin kayo gamit ang patalim ko. saad nito. "Akala ko patay ka na serenity HAHAHA kidding aside both of you have survived the game of mine. I'm amazed, really."

"Why are you doing this sh*t." galit na sambit ni serenity sakanya.

"Well actually, hindi lang ito ang unang pagkakataon na ginawa ko ito. Bata pa lang ako ay nagagawa ko ng pumatay ng tao dahil sa lalaking nagpalaki sa'kin na palagi akong pinapahirapan and that triggers me to kill him and yes crazy to think pero patagal ng patagal ay nagugustuhan ko na ang ginagawa kong ito. Kung alam niyo man o hindi ang history tungkol sa massacre na nangyari din sa dormitoryong ito ay aaminin kong ako ang likod sa karumal dumal na krimeng iyon. Hindi ko na rin matandaan kung pang ilang beses nang inabandona ang dorm na ito at paiba iba din ang bumibili which is fun actually dahil sa dami ko nang nabiktima, oh and by the way. Kambal ko ang kasabwat ko maliban kay zylyn na uto uto." huminto ito at dahan dahang lumapit sa dalawa habang nilalaro ang lighter sa kanyang kamay. "Maybe this will end my era. Say goodbye to the three of us HAHAHA." saad nito. Idiniin niya ang kanyang daliri sa pindutan ng lighter at lumabas dito ang apoy. Inihagis niya ito sa sahig na may gas na siyang kinalat niya kanina sa buong building.

Agad na sumiklab ang apoy at tinupok nito ang dormitoryo. Napaubo ubo silang dalawa habang si mark ay nakapikit at tila hinihintay na maging abo ang katawan nito.

Hindi na sila makakaalis doon dahil natrap na sila ng apoy at nahihirapan na rin silang huminga.

Humiga sila sa sahig. Magkatabi at hawak kamay. Nakatingin lang si serenity at reign sa isa't-isa. Naluluha man nagawa pa rin nilang ngumiti. Hanggang sa may apoy na bumulusok sa patungo kanila.


1 Month later.

Bali balita ang massacre na naganap maging ang nasunog na establismento ng Dormitory 365. Wala silang naisalbang bangkay dahil sa laki ng apoy noon.

Nalaman ng kani kanilang pamilya ang nangyari doon at hindi na sila nagbalak pa na magpatayo ng panibagong dormitoryo doon dahil sa trahediya.

Niresolbahan nila ang kaso na hindi man lang nalalaman kung sinong puno't dulo sa trahediyang ito.

Ang Dormitory 365 ay tila isang bangungot para sa mga naninirahan sa Leighton City.

The End.

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon