Chapter 12

75 9 0
                                    

Third Person PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Third Person PoV

Dalawang linggo na ang lumipas buhat nung pumunta sila serenity sa mall, pero ang daming nangyari. Namatay na yung isang alipores ni aya na si stella. Ang sabi sabi nila ay nagpakamatay daw ito pero may nagsasabing pinatay daw siya. 

Kahit naman naka away ko sila. Nalulungkot pa rin ako sa nangyari sakanya dahil hindi niya naman deserve iyon. sabi ni serenity sa isip niya.

Malapit na siya sa school nang makita niya si alice. Hindi siya pinapasok ng guard dahil wala siyang ID.

Biglang naalala ni serenity na nasa bag niya ang ID ni alice.

Hindi ko din alam kung bakit nandito. Siguro nagkamali lang siya ng pinaglagyan. sabi niya sa kanyang isipan.

Dali dali siyang lumapit kay alice at ibinigay ang ID nito sa kanya. Nagulat si alice dahil na kay serenity ang ID nito.

Sa gulat nito ay dali dali niyang hinablot ang ID niya at naglakad ng mabilis papasok sa school.

Nakakapagtakang nasa kanya ang ID ko dahil nakita ng dalawang mata ko na hawak iyon ng salarin matapos niyang putulin ang dila ko. sabi ni alice sa kanyang isipan habang naglalakad ito sa hallway.

Napatigil siya sa paglalakad ng may mapagtanto.

Hindi kaya...si serenity ang killer? Dahil napaka imposible namang nasa kanya ang ID ko at napaka misteryosa niya....Simula ngayon iiwas na ako sakanya. sabi ni alice sa isip niya at pinagpatuloy ang paglalakad.

------------

Serenity's PoV

Nagulat ako sa iniasal ni alice. Alam kong may sira siya sa pag iisip pero nagulat pa rin ako dahil sa ginawa niya kanina.
Juskoo! sumasakit na talaga ang ulo ko sakanya.

Naglalakad pa lang ako dito sa hallway at nakikita ko dito si- sino na nga ba yon? ah si alice! na parang may humahabol sakanya dahil sa bilis ng kanyang paglalakad.

Sakto namang nakasalubong ko ang class president namin. "Serenity, sa may library ka daw ngayon...aayusin mo lang yung mga librong iniwan ng mga studyante doon." sabi niya sa akin at tumango na lang ako.

Itinuloy kasi nila aya ang pagsusumbong sa akin matapos nilang makalabas sa ospital.

Pero sinabi ko namang wala akong guardian kaya ang nangyari...

May punishment ako ng isang buwan at iyon ay ang maglinis ng restroom, magwalis at kung ano ano pa.

Pumasok muna ako sa room bago pupunta sa library mamaya. Sinalubong ako ng lima at nakipag high five sa akin. Sa mga nakaraang linggo ay sila lang ang kasama ko palagi.

"Saan ka ngayon?" tanong ni reign sa akin. Kinuha niya ang bag ko at ipinasa kay mark at inilagay ni mark ang bag sa upuan ko.

"Sa library sabi ni pres." wika ko naman.

Lumapit naman sa akin si charles at ngumiti. "Halika ka na, ako na ang maghahatid sayo." prisinta niya ngunit nagulat ako nang itulak siya ni reign.

"Ako ang maghahatid sayo serenity." sabi niya at hinila naman siya ni zylyn. "No...hindi kayo guys, dahil ako ang maghahatid sakanya."

Nagulat naman ako nang lumapit din sa akin si mark. "Guys, ako na." pero hinila din siya ni pyro at humarap sa akin. "Wala sainyo ang maghahatid sakanya, dahil ako yon." nakangiti niyang wika.

Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa kabaliwan nila. Magtatalo pa sila dahil lang sa paghahatid sa akin.

Nagulat ako nang may humigit sa braso ko.

"Aishh..ako na ang maghahatid sakanya at maiwan na kayo dito." saad ni riley at dali dali akong hinila palabas ng room.

"Hoy riley!" narinig ko pang sigaw nila pero nagpatuloy lang sa paghihila sa akin si riley palayo doon.

"Aray! Bitiwan mo nga ako o masusuntok kita!" sigaw ko sakanya dahil ansakit na ng kamay ko dahil sa higpit ng hawak niya.

Binitiwan niya naman ako at natawa. "Geez, hindi ka pa din nagbabago." saad niya habang nakapamulsa at diretsyo ang tingin sa daan.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Should I thank you?" sarkastiko kong sambit sakanya.

Napatigil naman ito sa paglalakad at tumingin siya sa akin. "You should be." maikling wika niya at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

"Thank you."

"Okay." tipid niyang sabi.

This guy here...is really getting into my nerves!

I just rolled my eyes at nagpatuloy sa paglalakad nang makarating na kami sa library ay nakita kong nagkalat ang mga papel at libro sa mga mesa.

Nagsimula na akong magpulot ng mga papel nang makita ko ang dalawang pares ng kamay na pumupulot din ng papel.

Akala ko ba umalis na toh?

Humarap ako sakanya. "Hey, 'wag ka ng tumulong. This is just a piece of cake. Now leave." sabi ko sakanya pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagpupulot ng kalat.

"I said leave. Bingi ka-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang humarap siya sa akin.

"Manahimik ka na lang pwede? Meron ako sa mood ngayon para tumulong and you...can't do anything about it." saad niya at pumunta sa ibang mesa para kunin ang kalat.

Argh! Curse him to the darkest pits of hell!






Thank you for reading!♡︎

VOTE and COMMENT!♡︎

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon