Serenity's PoV
Nagkulong ako dito sa panghuling cubicle at umiyak.
Pinangako ko sa sarili kong hindi na ako iiyak pero ano itong ginagawa ko ngayon. Sinong niloko mo?
Kung inawat sana nila kami ng mas maaga. Hindi ko sana sila nasaktan pa
Pakiramdam ko tuloy wala akong kakampi. Lagi na lang akong minamalas.
Basang basa pa pala ang uniform ko. bwisit talaga.
Nakarinig ako ng takbuhan sa labas. "Serenity nandiyan ka ba?" wika ni reign habang kinakatok ang pintuan sa harapan ko.
"Just leave me alone." malamig kong saad para umalis na pero nabigo ako ng marinig ko ulit siyang magsalita.
"Uhm....gusto kong magpasalamat sayo...kasi...nung naitakbo ako sa hospital dahil sa suntok mo....sobrang nag alala si daddy at ayun hindi na siya nawalan ng oras sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na...binibigyan niya na ako ng oras at hindi lang puro trabaho. Salamat serenity."
Hindi ako umimik nang sinabi niya yon.
"May extra shirt at pants ako, iwan ko na lang dito kung gusto mo ngang mapag isa....magpalit ka ha!" sabi niya at narinig kong tumakbo na siya palabas.
Lumabas ako para kunin ang paper bag na iniwan niya at muling pumasok. White shirt at p.e pants. Nayss.
Pinahiraman niya lang ba ako kasi may utang na loob siya sakin? Saka ko na lang iisipin yon tutal basang basa naman ako.
Pareho lang kami ng size dahil sakto lang iyon sa akin. Inilagay ko sa paper bag ang uniform ko at napatingin ako sa salamin.
Halatang kakaiyak ko dahil namumula pati ilong ko. Naghilamos na lang ako at dali daling lumabas.
Nang pumasok ako sa room ay napatingin silang lahat sakin. Ano bang problema ng mga toh? Sobrang ganda ko ba talaga? hayss.
"Buti na lang sakto sayo yan." nakangiting salubong sakin ni reign. Kasama niya ang kaibigan niyang nakatingin din pala sa akin.
"Salamat dito." asik ko na lang.
"Teka...may masakit ba sayo? Gusto mo samahan kita sa clinic?" nag-aalalang wika ni reign.
Napailing iling na lang ako.
"Vaccant pala natin dahil may meeting ang mga teachers."
Tumango lang ulit ako. Bakit ba ang daldal niya.
"Oo nga pala serenity, Ipapakilala ko nga pala sayo ang mga kaibigan ko." sabi niya ulit. Kaya tumango ulit ako.
"Siya nga pala si pyro." turo niya sa lalaking pinaka matangkad sakanila. ngumiti lang ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Mystery / ThrillerSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...