Reign's PoV
Maghahating gabi na ngunit hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari.Paano humantong sa ganito?
Akmang babangon na ako nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman agad iyon.
Batang Kumag
12:10 amG1Sin6 p4 ba u?? :/
Tulog na ako ZzzZz.
N4giSinG b k1T4?? ux4p san4 Tyu.
Just kidding. Can't sleep tho.
Batang Kumag Calling...
[Good Morning..] saad ni charles sa kabilang linya.
[Morning.]
[Hindi ka din ba makatulog?]
[Hindi eh, iniisip ko pa din yung nangyari kahapon...] Napabuntong hininga ako dahil naalala ko na naman iyon.
[...]
[...natatakot ako na dumating sa puntong madamay pati mga mahal ko sa buhay.] dugtong ko.
[Madadamay siguro ako noh? Syempre mahal mo ako HAHAHA as a friend.] saad niya.
[Huwag mo na lang hilingin na may susunod pa na mabibiktima.]
[Sino namang hihiling na maulit muli iyon?] tanong niya.
May punto naman siya. Ngunit hindi namin hawak ang isip ng psychopath. Hindi lang iisa ang araw.
Ilang minuto din ang lumipas ng muli siyang magsalita.
[Minsan mo na din bang naisip na umalis dito?] hindi ko inaasahan ang tanong niya.
[Oo, dahil namimiss ko na din ang pamilya ko.] saad ko naman.
[Hindi sumagi sa isip ko na umalis...naging parte na kayo ng buhay ko. Ang lungkot lang ngayon kasi hindi na tayo kumpleto.] hindi ko na naman inaasahan na sasabihin niya iyon. Nalungkot ako bigla. Paano ba maibabalik yung mga araw na kumpleto at masaya kami? Hayss.
[Sobra talaga ang pasasalamat ko dahil nakilala ko kayo. Mali nga lang yung pagkakataon. Kaliwa't kanan yung krimen na nagaganap. Nakakatakot. Pinipilit ko namang iwaksi yon sa isip ko pero nangunguna pa din talaga yung takot at pangamba ko.]
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Mystery / ThrillerSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...