Chapter 14

62 11 0
                                    

Third Person PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person PoV

Next Victim: Room 13

Miss Kath (Volleyball coach)
Denzel (Miss kath's brother)

Akala niyo tapos na. HAHAHA well, guess what? You are all wrong.

-----------

Nagsiuwian na ang lahat ng studyante. Nasa loob pa lang ng faculty room ang mga guro. Naghihintay lang siya ng tiyempo para tapusin ang buhay ng target niya ngayon.

Nakaraan ang ilang minuto ay nagsilabasan na ang lahat ng guro. Sakto namang nasa loob pa lang si miss kath at nag aayos pa ito ng gamit sa kanyang mesa.

Suot ng mascot niya, dali dali siyang naglakad papunta sa faculty.

Nagulat si miss kath nang biglang namatay ang ilaw sa faculty, ang iniisip nito ay baka hindi nila alam na naiwan siya kaya pinatay nila ang ilaw. Pero lingid sa kanyang kaalaman ay hindi lang siya ang tao sa silid na iyon.

Papalabas na sana ito nang bigla siyang sunggaban ng salarin. Napatili ang guro sa gulat at dahil sa inis ng salarin ay inuntog niya ng napakalakas ang ulo ng guro sa mesa dahilan para mawalan ito ng malay.

Binubuhat ng salarin ang guro papunta sa storage room nang maramdaman niyang may nakasunod sakanya. Hindi niya na lang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ahhh! Papatayin kita!" sigaw ng tao sa likuran niya. Basta basta na lang itong sumugod. Ang hindi niya alam ay may patalim pala ang salarin.

Bago niya pa masuntok ito ay inundayan na siya ng saksak. Paulit ulit ito at sa puntong iyon ay malamig na bangkay na lang si denzel.

"Mas madali na lang ang trabaho ko, salamat denzel HAHAHA!" wika ng salarin.

Nang makarating na siya sa storage room ay dali dali niyang ibinagsak ang katawan ng dalawa.

"Sayang, napakaganda mo pa naman pero kailangan mo ng matulog." bulong ng salarin.

Dahil kulang pa ang ginawa nito kanina ay pinagtataga niya pa ito at nilisan ang lugar.

---------------

Serenity's PoV

Kung hindi pa nahospital si alice kahapon, hindi ko pa malalaman ang nangyari sakanya. Buti na lang at huminto na ang pagdurugo ng dila niya kung hindi, malamang mauubusan siya ng dugo.

Sinabi ng doktor na hindi pa siya pwedeng lumabas dahil sa mga tinamo niya. Wala siyang parents o any guardian man lang para dalawin siya. Hindi ko din alam kung bakit. Bibisitahin ko na lang mamaya.

P.E time namin ngayon habang hinihintay si coach, napagpasiyahan naming tumambay muna dito sa bleachers. Ang tagal.

"Kamusta na daw si alice?" tanong sa akin ni reign habang nakatingala sa kalangitan.

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon