Reign's PoV
Sabado na ngayon at isang araw na lang ay luluwas na kami. Naeexcite ako and at the same time natatakot. Natatakot na baka wala kaming serenity na madadatnan doon pero sa ngayon ay hindi dapat ako nag iisip ng ganito.
Alam kong nasa mabuti siyang kalagayan habang sinusuntok ang mga taong nakikita niya sa daan. Pero syempre biro lang mabait kaya ang kaibigan ko na yon.
Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Dad calling....
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba yon o hihintayin na lang na mapatay ang tawag. Ilang buwan na din ang nakalipas at ngayon niya lang naisipang tumawag. Pero namiss ko naman si dad kaya sinagot ko na lang ito. Baka miss niya ako hehe.
[Dad]
[Kamusta ang grades mo?]
Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang litanya niya. Grades ko pa talaga ang una niyang kinamusta kaysa sakin na anak niya. Akala ko talaga nagbago na siya magmula nung mahospital ako.
Marahil ay concern lang siya noon dahil baka maapektuhan ang grado ko. Ano pa bang bago. Nagdadalawang isip man, sinagot ko na lang ang tanong niya.
[A-ayos naman po.] saad ko na lang.
[Great then, make me proud.]
Sana ay putulin na niya ang linya dahil hindi ko na kaya, mamaya lang ay babagsak na ang luha ko, baka marinig niya ang pagsinghot ko.
[Y-yes dad. Alwa-] Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang pinatay na niya ang linya. Hinagis ko ang cellphone ko sa sahig at nagtalukbong.
Hindi niya alam kung paano ako dinurog ng mga sinabi niya. Ang sakit lang dahil parang may halaga lang ako sakanya dahil sa grades ko. Kung hindi siguro ako matalino, wala siyang pakialam sakin.
Third Person PoV
Next Victim
Room 28Alas onse na ng gabi ngunit nasa bar palang si chelsea at patuloy pa rin sa paglagok ng alak.
Ang dahilan kung bakit siya naglalasing ay dahil sa pagpanaw ng matalik niyang kaibigan na nanunuluyan lang katabi ng room niya.
Yayayain niya sana itong pumunta sa mall ngunit sa pagpasok niya palang sa room ng kanyang kaibigan ay tila nanlumo ito sa nasaksihan. Nakahandusay ang kaibigan nito sa sahig habang hawak ang kutsilyong nakatarak sa kanyang sikmura, tirik ang mata nito senyales na nalagutan na siya ng hininga.
Hanggang ngayon ay sinisisi niya ang kanyang sarili dahil parang may kasalanan siya sa nangyari. Kung sana ay maaga siyang nakarating sa room ng kaibigan niya ay baka nailigtas niya pa ito.
Sinubukan niya namang humingi ng tulong ngunit malalim na ang gabi sa mga oras na yon at maging ang hotline number ng hospital hindi niya matawagan.
"Kasalanan ko...kasalanan ko...kasalanan ko." tila sirang plakang paulit ulit na sinasambit ni chelsea iyon habang nakadukdok ang ulo nito sa mesa.
"Hi beautiful, mag isa ka lang ba?" saad ng salarin sakanya. Umupo ito sa harapan ni chelsea habang pinagmamasdan ang mga bote ng alak na nakakalat sa mesa.
"Kung wsla ks dito...mag isa lsng akw bobo ka ba.?" tila siya lang ang naka intindi sa sinabi niya dahil sa sobrang kalasingan.
Natawa naman ang salarin sakanya. "Hatid na kita, delikado na sa labas." pagpiprisinta niya.
Ngumiti naman sakanya si chelsea. "Ssge lang pogi...basya wals kang...gagawin sakin ahh? Hahahah...baka magalit sakjn ang kaibgan ko." saad niya na napapatawa pa.
Hindi umimik ang salarin at nilapitan niya lang si chelsea para alalayan.
Nang makarating na sila sa park ay inaalalayan niya pa rin ito hanggang sa makarating sila sa kanyang kotse.
"Alsm mo ba kung....saan ako? Sa dorm 365 hahaha kung saan ko nasaksihan ang ksibigan kong malagutan ng hininga...prro baka some sort or pranks lng un." sa haba ng sinabi niyang iyon ay siya lang ang nakaintindi.
Pinaandar na nito ang kanyang kotse. Marahan lang ang pagmamaneho nito. Ilang minuto lang ang lumipas ay mahimbing na ang tulog ni chelsea sa kanyang tabi. Napatingin ito kay chelsea.
Nang makarating na sila sa destinasyon ay lumabas ang salarin para buhatin si chelsea. Pabagsak niya itong ibinaba sa sahig kung kaya't napadaing si chelsea sa sakit.
"Arghhh...dahan dahan naman." saad ni chelsea na napapahikab pa habang hinihimas ang likuran. "bobo ka ba talaga? mukha bang kwarto ko toh hahhaa siraulo ka ata eh." saad nito, hindi pa rin nawawala ang kalasingan.
"Uh maybe?" saad ng salarin at hinugot ang patalim sa kanyang bulsa. Nilapitan niya ang biktima at walang anu ano'y inundayan niya ito ng saksak. Napadaing si chelsea sa sakit.
"Ahhhh....tulonggggg!" sigaw nito habang iniinda ang sakit.
"Walang makakarinig sayo dito, kundi ako lang." saad ng salarin at inundayan pa ito ng isang beses. Parang gripong bumulwak ang dugo nito mula sa kanyang bibig at sikmura.
Hinayaan niya munang nakahandusay si chelsea doon dahil malabo namang makatakas pa ito dahil sa tinamo niyang saksak.
Agad niyang kinuha ang posporo at gas mula sa kanyang kotse at nilapitan muli si chelsea na naghihingalo.
"H-huwag." nahihirapang saad ni chelsea.
"You'll gonna thank me for this dahil paraan na din ito para magkasama na kayo ng kaibigan mo." saad ng salarin. Napailing iling pa si chelsea dahil hindi niya nagugustuhan ang nangyayari. Ibinuhos ng salarin ang gas sa buong katawan ni chelsea. Sinindihan niya ang posporo at inihagis ito sa katawan ng biktima.
Agad na nagliyab ang apoy sa katawan nito at wala siyang ibang magawa kundi sumigaw ng sumigaw. Tanging palahaw niya lang ang maririnig sa apat na sulok ng abandonang bodega.
Napahalakhak ang salarin dahil sa nakikita niya. Ilang minuto din ang nakalipas nang hindi na muling sumigaw si chelsea. Senyales na nalagutan na ito ng hininga.
"Thank me later HAHAHAHA!" saad niya
Nilinis niya muna ang pinangyarihan ng karumal dumal na krimen bago nilisan ang lugar.
Thank you for reading!
VOTE and COMMENT!
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Mystery / ThrillerSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...