Serenity's PoV
Nagising ako dahil may kumakatok sa may pinto. Mahimbing pa lang ang tulog ni tara kaya bumangon ako para tignan kung sino iyon.
Napatingin ako sa phone ko at alas-tres pa lang ng umaga. Kinilabutan ako dahil lalong lumalakas ang katok nito.
Paano kung kriminal pala yan tapos bigla akong sunggabin ng saksak? OMG!
Habang humahakbang ako palapit sa may pinto ay lalong lumalakas ang katok ganon din ang tibok ng puso ko.
"Who's there?" tanong ko pero katok at tanging ungol lang ang naririnig ko.
SHIT.
Natutunugan kong babae iyon dahil sa ungol nito. Ang kapal! What if someone is making out infront of the door? Just what the hell!
Kalma, serenity. Dahan dahan kong pinaikot ang door knob at nang mabuksan ko na ang pinto ay sakto namang natumba ang taong iyon sa akin at sabay kaming napasalampak sa sahig. Aray!
Agad itong bumangon at tinulungan ako. Nang buksan ko ang ilaw ay gulat ako ng makitang si alice pala ito.
Dali dali kong sinara ang pinto at pinaupo siya. Nakita ko na namamaga ang pisngi nito, madami siyang gasgas sa paa at kamay niya.
Napahagulgol ito kaya kumuha ako ng tubig para pakalmahin siya.
"Akala ko ba umalis na kayo?" tanong ko pero hindi siya umimik.
"What happened to you? Did someone raped you?" tanong ko pero umiling iling lang siya.
"Where's kuya donie?" tanong ko ulit pero umiling lang siya. "Stay there." saad ko at nagtungo sa kwarto para kunin ang papel at pen ko.
"Here." saad ko at kinuha niya iyon. Nanginginig ang kamay niya habang nagsusulat.
Binigay niya iyon sa akin at binasa ko.
Killer.
"Killer?" pagbabasa ko sa sinulat niya, tumango naman siya at nagsulat ulit.
Killer. Killed them.
"Sino?"
People. Who lived here. Third floor
Bigla kong naalala yung mga nawawala pa na sa pangatlong palapag sila nanunuluyan. Tama nga ang hinala ko na siya ang may gawa non.
"Siya ang may gawa nito sayo?" tanong ko at tumango siya.
Kuya died.
Saad niya sa sulat. Nakakalungkot isipin na maging si alice ay mag isa na lang. Dali dali ko siyang niyakap at inalo.
Sigurado akong hahanapin siya ng killer. Naalala ko na pupunta pala kami sa may beach. Mas maigi sigurong isama ko na lang siya doon para mabantayan ko siya.
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Mystery / ThrillerSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...