Chapter 26

60 8 1
                                    

Serenity's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Serenity's PoV

Nagulat na lang kami nang sinampal nang babae si pyro.

"Aray!" sigaw ni pyro.

Dali dali kaming lumapit doon. Nagpupuyos sa galit ang babaeng sumampal sakanya.

"Miss...sorry!" saad ni pyro.

"Sorry?! You jerk! Tatawag ako ng pulis!" bulyaw ng babae pero lumapit doon sila mark. "Miss huwag kang tatawag ng pulis, may trauma kasi siya sa dagat kaya niya nasabi yon." pamamalusot ni mark.

"Oo, tama! May pating kasi noon na umatake sakanya noong bata siya!" saad naman ni charles.

"Really? Okay then. Pasalamat ka at may trauma ka pala tse!" pagtataray ng babae at umalis na.

Nakahinga naman kami ng maluwag.

"HAHAHAH g*go buti na lang uto uto." sabi ni charles.

"Sadista! Nakita niyo yun diba? Sinampal ako!" bulyaw ni pyro.

"Hayaan mo na pre, babae yan." sabi naman ni mark.

"Bukas na ulit yung apat, tara na." sabi ni riley.

Bumalik na kami sa cottage.
"Let's call it a night!" saad ni reign at natulog na.

Kinabukasan, matapos naming mag almusal ay nagtampisaw muna kami sa dagat.

"Ikaw na pala mamaya reign." saad ko.

"Oo nga, grabe nakakahiya din nung pina dare sa akin."

"Ano ba?" pagsisingit naman ni charles sa usapan.

"You'll see later." saad nito at lumangoy palayo.

"Later later pang nalalaman!" pagmamaktol ni charles at lumangoy na din.

Matapos ang isang oras na paglangoy namin ay heto kami at pinapanood si reign, gagawin na niya ang dare sakanya.

Maghanap ng babaeng naka two piece at lapitan. Sabihin mo ito 'Hi sexy witwiwww! Pahingi naman ako ng panty mo please'

Yan ang dare sakanya. Kaya ngayon ay naghahanap siya ng babaeng naka two piece.

"Miss!" tawag niya sa babaeng naka two piece. Huminto naman ang babae. "Ako ba ang tinatawag mo?" tanong nito.

"Oo, hi sexyyy! witwiwww!" sabi ni reign at nilapitan ang babae.

Natawa naman ang babae sakanya. "Are you a lesbi?" tanong nito.

"Uh no...I'm reign magunthe!"

"Ayan na naman siya sa linya niyang yan." pagrereklamo ni charles.

"Manahimik ka na lang charles." si mark.

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon