Serenity's PoV
Naglalakad ako at inililibot ang paningin ko, nagbabaka sakaling makita ko si reign. Napadako ang tingin ko sa isang establismento malapit sa kinaroroonan ko. Dinig na dinig ang tugtugin doon at nangingibabaw ang party lights.
L's Bar.
"May pinatay na naman daw sa leighton noong gabi ng sabado. Grabe nakakatakot na talagang gumala kung saan saan."
"Saan daw nakatira yung biktima?"
"Sa Dormitory 365 daw, dalaga daw iyon, tapos natagpuan ang bangkay niya sa masikip na eskinita. Ang sabi sabi wakwak daw ang dibdib nito."
"Ay naku! Kahindik hindik ang nangyari, kawawa naman ang batang iyon."
Napahinto ako nang marinig ko iyon mula sa nag uusap na dalawang babae malapit sa akin. May pinatay na naman. Nakalimutan ko na ang tungkol doon.
Magpapatuloy na sana ulit ako sa paglalakad nang may mapagtanto ako....si tara.
No hindi, hindi si tara yon. Nakauwi siya ng maayos.Oh god sana mali ang teoryang nabuo sa isip ko. Binilisan ko na lang ang lakad ko papunta sa bar, baka nandoon nga sila reign.
Pagpasok ko pa lang ay bumungad na sa akin ang mga nagsasayawang tao. Maglalakad na sana ako nang may bumangga sa akin, buti na lang nahawakan nito ang kamay ko kundi babagsak ako sa sahig.
"Oh mark, ikaw pala yan." saad ko. Binitiwan niya agad ang kamay ko at umayos ng tayo.
"Sorry, nandoon sila reign." turo niya sa dulong bahagi. "Tawagin ko lang sina zylyn at alice." saad pa nito kaya tumango lang ako.
Pagkarating ko sa spot nila ay gulat ako nang andami ng bote ng alak sa mesa na walang laman. Namumula pa ang mukha ng dalawa. Nandito din pala si riley at pyro.
"You're drunk, balik na tayo sa cottage." sigaw ko dahil sa lakas ng tugtog.
"Uh kinda hahaha, pshhh dito ka muna serenity. Let's enjoy the night dahil bukas na tayo uuwi." saad ni pyro at tumungga ng alak.
"Bukas? diba dapat sa isang araw pa?" tanong ko ulit. Umupo ako sa tabi ni reign at kumuha ng chips.
"Bukas na daw eh." sagot niya at humilig.
Lumalakas pa lalo ang tugtugin at lalo pang umingay. Ah nakakairita.
"Uh guys, what if sa tabing dagat na lang tayo? I mean mas maganda doon at presko pa." suhestyon ko.
"Agree." saad naman ni riley na nasa tapat ko. Nagtama ang tingin namin ngunit umiwas din siya agad.
Tumayo naman si pyro at binitbit ang limang bote ng alak. "Okay let's go then." saad nito at siya ang naunang lumabas. May lima pang bote doon at si riley naman ang kumuha.
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Mystery / ThrillerSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...