Riley's PoV
Umaga na pero mahimbing pa rin ang tulog nang katabi ko. Siguro napagod talaga siyang magmaneho.
Nakasaad dito sa gps na malapit na kami sa Leighton. Napatingin ako kay serenity. Nakakapagtakang mag isa lang siyang bumyahe papunta dito.
Iniisip ko kanina na baka naglayas siya sakanila at naisipan niyang bumyahe papunta dito.
Nakaraan ang ilang oras ay nandito na nga kami sa leighton.
Tinapik ko nang mahina ang pisngi ni serenity para magising. Hindi naman ako nabigo dahil nakita kong dumidilat na ang mata niya.
"Rise and Shine!" masigla kong bati sakanya.
Tumango naman siya bilang pagtugon.
"Saan na tayo?" tanong niya na napapahikab pa. Sana pala hindi ko muna siya ginising.
"Welcome to Leighton City!" asik ko. Tumango lang ulit siya.
"Saan ka pala bababa?" wika niya
Napansin niya atang nakangiwi lang ako kaya dali dali siyang nagsalita. "What?"
"Kakarating pa lang natin, yan na agad itatanong mo. Ayaw mo bang makita pagmumukha ko?" asik ko sakanya."Actually, hindi ko alam kung saan ako pupunta." dugtong ko pa pero nang magtama ang paningin namin ay napairap siya sakin so I gave her mukha-ba-akong-nagbibiro-look?
She just rolled her eyes again.
Natawa na lang ako. Sungit.
---------------
Serenity's PoV
Ano bang trip ng lalaking toh at hindi alam kung saan pupunta? Siraulo.
Napatigil ako sa pag iisip nang may mapagtanto ako.
Hindi ko din pala alam kung saan ako pupunta. Siraulo din ako hayyy layff.
"Matanong ko lang serenity. Ano nga palang gagawin mo dito?" tanong niya saakin matapos ang nakakabinging katahimikan.
"It's none of your business." sabi ko na lang nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig siya sakin. erkeyy this is so freaking awkward.
"Okay chill hahaha, uhm...thank you for the ride. Dito na lang ako bababa." sabi niya habang nakangiti sa akin. Tumango na lang ako bilang pagtugon.
Bumaba na siya sa kotse ko at kinuha ang bagahe niya sa may compartment.
Kumaway muna ito sa akin bago pumara ng taxi.
-----------
Mag isa na lang ulit ako. Pero ito naman ang gusto ko diba.
Ilang minuto lang ang lumipas nang makita ko ang paaralan dito. Medyo mas malaki ito kumpara sa paaralan ko sa amin.
Madami din sigurong magpaparegister dahil may mga pakalat kalat ding estudyante.
Ipinarada ko ang kotse sa parking lot. Akmang bababa na sana ako nang mapagtanto kong...
Hindi pa pala ako naliligo.
"What a life. Kalma serenity ginusto mo ito okay." pang aalo ko sa sarili ko.
Siguro maghahanap na lang ako ng matutuluyang malapit lang sa eskwelahan.
Napahinto ako sa tapat ng isang dormitoryo.
DORMITORY 365
Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Ewan ko ba pero parang nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy ba ako dito.
Walking distance lang ito papunta sa school! Wag ka nang mag inarte! Sabi ng isip ko. hayy I have no freaking choice.
Pansin ko namang may mga taong pumapasok kaya bumaba na lang ako.
Nang makapasok ako, naagaw ng atensiyon ko ang mga kasing edad ko lang na kumakain sa may food court. Siguro nag aaral din sila dito. May mga magpapamilya din akong nakikita. brrrr nagutom ako bigla.
Kailangan ko nga pala munang kumuha ng room ko.
Dumeretsyo na ako sa lobby dito upang magpalista.
Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon siguro mga late 30's siya.
"Welcome to dormitory 365...Ako nga pala ang landlady dito, I'm Corine Santos...handa ka na ba?" asik niya na may ngiting nakakakilabot. Ano bang pinagsasabi netong handa na ako? Rated K lang ang peg?
Napataas na lang ako ng kilay dahil baka kung patulan ko pa toh...wala akong matutuluyan ngayon.
"If you don't mind, ilan ang room sa bawat floor?" tanong ko sa kanya, mukhang malawak kasi ito sa labas pa lang.
Napatikhim naman ito bago nagsalita. "Sa limang palapag, except this floor, has ten rooms.
"Ahh." wika ko na lang sabay tango. Malawak nga ito.
"Here's your key, sa room 30, fourth floor." sabi niya at dali dali akong tumango.
Nagpasalamat naman ako sakanya at nagsimulang umakyat sa hagdan.
Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin nang maglakad na ako sa may pasilyo.
Biglang may nakasalubong akong siguro mas matanda kaysa sa akin. Nagulat ako ng kumaway ito, napatingin ako sa likuran ko pero wala namang tao doon. Para naman akong baliw na itinuturo ang sarili kung ako ba ang kinakawayan niya.
Natawa naman ito at tumango. "Hi newbie of the dorm." wika niya at ngumiti."I'm donie, and you are?" tanong niya sa akin.
"Uh serenity." tipid kong saad at ngumiti din pabalik.
"So, serenity saan ang room mo?"
"Room 30."
Napakamot naman ito sa ulo. May kuto ka ba? "Sakto papunta ako doon eh, samahan na kita."
"Wait, saan ka ba?" tanong ko sakanya at napakamot ulit ng ulo. Hindi siguro naliligo 'toh -_- #turnoff.
"Room 25, tapat ng room mo." saad niya at ngumiti ulit.
Hindi ko na siya pinigilan pa nang buhatin niya ang ibang gamit ko at nauna sa paglalakad.
ayos din pala dito may libreng karkador hehehe.
Room 30.
Ito na nga siguro. Ibinaba ni donie ang gamit ko sa harap ng pintuan at humarap sa akin. "There you go, have fun staying here." wika niya ngumiti ulit ito.
"Salamat, kuya donie. Nice to meet you." saad ko. Kumaway ulit ito bago pumasok sa kanyang silid.
Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang dirty white kisame na may mga sapot sapot pa ng gagamba. ang sabi nang landlady ay may karoom mate ako....hindi ba siya naglilinis? -_-
Napadako ang tingin ko sa dalawang sofa sa gilid at maduming kusina sa kabila. May dalawang pintuan na magkatapat sa dulo, iyon siguro ang kwarto at banyo.
Masasabi kong maluwang naman ito pero... seriously tamad lang maglinis ang ka room mate ko.
But I guess this is it. Magiging Independent na ako. Kakalimutan ko na ang mapait na nakaraan na sisira lang sa akin.
Thanks for reading!♡︎
VOTE AND COMMENT!♡︎
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Mystery / ThrillerSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...