Serenity's Pov
[PRESENT]
8:30pm
Sa wakas nakalabas na din ako nang village. Binuksan ko na ang gps ng kotse ko. As I was searching kasi kagabi naagaw ng atensyon ko ang isang lugar dahil malayo nga talaga iyon dito. Ang Leighton City.
Mahaba habang biyahe ito.
Pero kung iyon lang ang natatanging paraan para makaalis ako dito then I guess I have no choice.
Apat na oras na din akong nagbabiyahe kaya napagpasyahan kong mag stop over muna sa isang convenient store.
Bumaba ako sa kotse ko suot ang kulay purple kong jacket. Malamig kasi at madaling araw na din pala.
Nang makarating ako sa loob ay bumili na ako ng mga pagkain dahil gutom na din ako. Napansin kong ako lang ata ang customer nila. Napako ang tingin ko sa lalaking natutulog sa may tabi. Okay kaming dalawa lang ang customer.
Kumuha na lang ako ng mga instant noodles at chips samahan na din ng mga soda at tubig. Marami rami pa naman ang laman ng credit card ko dahil tinitipid ko ito kung sakaling kakailanganin ko.
May mga luto din pala silang pagkain kaya pumunta ako doon para bumili. brrrr gutom na talaga ako.
Hinihigop ko pa lang ang sabaw ng noodles ko nang may biglang lalaki na umupo sa harapan ko. Dahil sa gulat ay naidura ko ang sabaw sa harap niya. sayangg...sino ba kasi tong tao na toh? Tumawa naman ang epal na nasa harapan ko. bwisit nakakatawa yon? napahiya ako sa nangyari dahil sakanya.
"You! Did I crack a joke? Quit laughing or I'll punch you in your so ugly face." sigaw ko sakanya pero ang mokong tumatawa pa rin.
"Oh like I'm scared" sarkastiko niyang saad ang sarap na tahiin nang bunganga niya bwisit.
Minuto din ang lumipas nang tumigil siya kakatawa.
"Would you mind if I ask you something?" tanong ng mokong sa akin.
"Apologize who ever you are but I don't talk to strangers." pagtataray ko sakanya baka mamaya may sira pala siya sa utak at saksakin ako bigla.
"But we're talking now." this guy is really getting into my nerves! Dahil sa inis ko ay tumayo na lang ako sa kinauupuan ko at nagpasyang lumabas.
Nang makalabas na ako ay akmang bubuksan ko na ang kotse ko nang may humawak sa braso ko. Sa gulat ko ay nasuntok ko siya sa mukha at mas nagulat na naman ako na ito pala yung epal kanina sa store. Hayss ano bang kailangan nito sa akin? By the way he deserves that punch.
Napangiwi ito sa sakit dahil tumama ata ang kamao ko sa bibig niya.
"Hey mister it's not my fault, you scared the shit out of me!" sabi ko na lang dahil hindi ko naman sinasadya iyon.
"Geez I've just punched by a little girl here. I'm so embarassed o..uchh" napaupo na siya sa sahig dahil sa sakit.
Naawa naman ako sa lagay niya kaya mamaya na lang ulit ako magtataray.
"Okay fine! Pwede ka nang mag tanong sa akin pero bibili lang ako ng yelo and will you stop calling me a little girl! Stay there." asik ko at dali daling tumakbo sa convenient store.
Thank you for reading!♡︎
VOTE AND COMMENT♡︎
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Mystery / ThrillerSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...