Chapter 27

57 8 0
                                    

Serenity's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Serenity's PoV

Matapos ang nangyari kanina ay heto na naman kami at tinutuloy ang dare. Ako na pala ang susunod.

"Ready ka na ba sa dare mo?" tanong sa akin ni reign.

Tumango naman ako. "Yep."

Kumuha ka ng baso tapos punuin mo ito ng tubig dagat. Inumin mo at sumigaw ka ng 'Ang alat naman ng tubig dito! Makabili nga ng asukal!

Hawak ko na ngayon ang baso na may lamang tubig mula sa dagat. Hinihintay ko na lang na dumami ang mga tao doon para masaksihan nila ang nakakahiyang gagawin ko.

Ilang minuto din ang lumipas at may mga tao na din na pumunta doon para lumangoy. Kaya lumapit na ako doon.

Hingang malalim.

Nilagok ko ng tuloy tuloy ang tubig. Napaubo pa ako dahil sa sobrang alat nito!

"Ang alat naman ng tubig dito!" nilakasan ko ang sigaw ko para makuha ang atensyon nila. Hindi naman ako nabigo nang mapatingin ang iba sa akin. "Ang alat talaga! Makabili nga ng asukal!" sigaw ko at dali daling tumakbo palayo doon.

"HAHAHAHA laughtrip! Nagtataka pa rin sila sa ginawa mo!"

"Here, drink this." inabot sa akin ni riley ang tubig at dali daling ininom yon.

"Sorry serenity hehe." saad ni reign na siyang may ari nang dare.

"Don't be sorry."

"And last but not the least, zylyn." saad ni pyro.

"At ang dare mo ay?"

Bumili ka ng isda tapos kapag nakabili ka na ilapag mo siya sa may buhangin. Tapos, sumigaw ka ng 'May isda! Wahhhh may isda! Hindi marunong lumangoy tsk halika turuan kita!'

Sa akin galing ang dare na iyon HAHAHA!

"HAHAHA tara na at bumili." saad ni charles.

Matapos naming makabili ng isang pirasong isda sa wet market ay sinimulan na ni zylyn ang dare.

Inilapag niya ang isda at tumalon talon pa ito. "May isda! Wahhh may isda!" saad niya at tumalon talon ulit habang turo turo ang isda sa may buhangin. Napatingin sa kanya ang mga tao.

"Kanina may babaeng uminom ng tubig galing sa dagat tapos ngayon naman may isang baliw ulit."

"Baliw nga HAHAHA."

Dinig pa namin ang mga bulungan nila.

"Wahhh yung isda hindi marunong lumangoy!" kinuha niya ang isda at itinapat sa mukha niya. "Halika turuan kita!" saad pa nito.

"WAHAHAHA laughtrip ka zylyn!"

Lumapit na sa amin si zylyn na hawak hawak pa rin ang isdang gumagalaw pa.

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon