Chapter 20

53 9 0
                                    

Third Person PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person PoV

Pinagsisipa nila ang pinto ng selda para bumukas ito ngunit sadyang matibay ito.

"Huwag kayong tumigil sa pagsira niyan." saad ni freya na nakaupo lang sa sulok at hindi tumutulong.

Napataas naman ng kilay si yaella at hinarap ito. "Ang kapal naman ng mukha mo, tumulong ka kaya?" pagtataray nito sakanya.

"Why would I? Ang dami niyo na diyan at ayaw kong nagpapagod bitch." saad naman ni freya sakanya.

Tila nagpanting ang tenga ni yaella sa narinig kaya sinugod niya si freya at hinila ang buhok nito.

"Ahhh! How dare you!" sigaw ni freya at sinabunutan din ito.

Inawat nila sydney at abe ang dalawa pero sadyang hindi sila tumitigil.

Lingid sa kanilang kaalaman ay pinapanood pala sila ng salarin mula sa screen. Hindi nila alam na napapalibutan sila ng installed cameras kaya kitang kita lahat ng salarin ang ginagawa nila.

"Sige magpatayan kayo para mas mapapadali na lang ang trabaho ko." bulong ng salarin.

"Hoy! Kayong dalawa tumigil na nga kayo!" sigaw ni drake sakanila pero patuloy pa rin sila sa pagsasabunutan.

Nagulat sila sa ginawa ni freya. Itinulak niya ng pagkalakas lakas ang nanghihina nang si yaella sa mismong pinto ng selda at tuluyan itong nasira.

Hindi sila halos makapaniwala sa nangyari dahil sa lakas ng impact nito ay nagkalasog lasog ang katawan ni yaella.

Dali daling dinaluhan nila drake si yaella at pinakiramdaman ang pulso nito.

"Patay na siya."

Napahagulgol na lang si abe dahil sa narinig. Matalik na kaibigan niya ito kaya naman hindi niya matanggap ang nangyari dito.

Nagpupuyos pa rin sa galit si freya. Wala man lang bahid ng konsensya at pagsisisi ang mukha nito. Napangiti pa ito dahil makakalabas na sila.

"You should thank me." saad niya sa kasama.

"Thank you?! You bitch!" sigaw ni abe at akmang susugudin niya si freya nang awatin siya nila sydney.

"Will you please stop fighting!" bulyaw naman ni ely.

"Kailangan na nating umalis! Baka maabutan niya pa tayo dito." saad naman ni drake akmang lalabas na ito sa selda nang may dumapo na kamao sa kanyang mukha dahilan para mapasalampak ito sa sahig.

"Paano si yaella?!" bulyaw sakanya ni gerry na siyang sumuntok dito.

Napahawak si drake sa gilid ng labi niyang dumudugo dahil sa suntok na tinamo niya.

"Patay na nga diba?! Ano pang gagawin mo diyan?!" sigaw ni drake sakanya.

"Damn you!" sigaw ni gerry sakanya at sinuntok ulit ito.

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon