Chapter 6

5.8K 145 2
                                    

I parked my car behind Ry's. Pangatlo na ang kotse kong pumarada sa tapat ng bahay nila Alric. The two in front were Jo and Ry's. Saka ko lang nakita na nakaparada na rin ang motorsiklo ni France malapit sa gate nang makababa ako ng sasakyan. Mukhang nandito na silang lahat.

I stood straight in front of the red gate and prepared my knuckles for knocking since the doorbell was broken.

Marami ang tao ngayon sa labas. Kung sa bagay, wala rin nga namang pagkakataon na naging basyo ang kalye tuwing pumupunta ako rito. Kagaya na lang ngayon, puno ang kalye ng mga tao. May mga nag-iinuman sa isang tabi, may nag-iihaw ng barbecue sa kabila at may nagtsisismisan sa tindahan malapit.

Mula sa kinatatayuan ay tanaw ko rin ang mga kabataang naglalaro ng basketball sa lumang court at hindi mapigil ang mga nagtatakbuhang bata sa kalsada. The place was crowded and noisy. Maliit lang ang tsansang maririnig ng mga nasa loob ang pagkatok ko dahil sa ingay ng buong paligid.

Tatawagan ko na sana si Alric kahit pa pinagbawalan niya akong gumamit ng cellphone dito sa labas nang makita ko ang kapatid niyang may kagat-kagat na barbecue at mukhang pauwi pa lang galing eskuwela dahil naka-uniporme pa ito.

"Ate Step?" She unsurely uttered my name. Ibinaba niya ang barbecue saka inilapit ang mukha sa'kin at pinasingkit ang mga mata para makumpirma kung ako nga ang tinutukoy niya. Hindi ko alam kung nakakatulong ba ang posteng may punding ilaw sa tabi ko para makilala niya 'ko o ano.

"Gabi na, sa'n ka galing?" kopya ko sa linya ng kapatid ko sa tuwing ginagabi ako ng uwi.

She laughed. "Para kang si Kuya."

"Oh?" Ngumisi ako at umatras para mabuksan niya ang gate. She only slid her across the fence, reached for the lock inside and voila! The gate clattered open!

I stared at her arm. Aabot pala sa lock 'yon?

"Ang haba pala ng braso mo." I said by surprise.

"Abilidad ang kailangan d'yan Ate." She smirked and led the way.

Nagtatanggal pa lang ako ng sapatos sa balkonahe ay rinig na rinig ko na ang ingay nila sa loob. I wore my slippers and followed Alaine inside.

Hindi na 'ko nagulat nang madatnan ang magulong salas. Harvey was carrying Aesthrielle while Alric was trying to snatch her from him. Poor Ace.

"Tapos na ang sampung minuto mo de Silva!" pikon na sabi ni Alric habang hinahabol ng tsinesal si Harvey.

My jaw dropped when he really threw it at him. Buti na lang at 'di tumama kay Aesthrielle. She was cackling. Tuwang-tuwa pa na itinatakbo ni Jo at hinahabol ni Alric.

"Extend ako ng five minutes bro." natatawang saad ni Harvey na nasa second floor na ng bahay, hinihingal.

"Ano akala niyo sa anak ko? Compshop?" Rain intruded.

Tumigil lang sila sa paghabol si Alric nang mapansin ako.

"Nandito ka na pala." bati niya. I know his greeting was a bit different but that's how he welcome his friend in his house.

"Hindi. Aparisyon ko lang 'to." I sarcastically said.

"Ahh." walang pakialam niyang sabi at tinalikuran lamang ako.

Alric caught his sister who is now trying to sneak into her room upstairs. "Hoy, ginabi ka ah?"

Lumingon si Alaine at tiningnan ng masama ang kapatid. Nagsimula na silang mag-diskusyon.

Binagsak ko ang bag sa sahig at lumapit kay Rain na nagpapaputol ng kuko sa paa kay Ry.

"Step!" Rain grinned evilly and gestured me to come to her. Kahit hindi naman niya 'yon gawin ay talagang tatabi ako sa kanya. Nang makalapit ako sa kanya ay kaagad niya akong kinurot sa singit.

"Tang ina."

"Tang ina mo rin."

Tiningnan ko siya ng masama pero mas masama pa ang tingin na ipinupukol niya sa'kin. She gritted her teeth and narrowed her eyes on me.

"Ano na namang nahithit mo?" tanong ko at tiningnan ang balat sa tagiliran na ngayon ay namumula na. Damn. Ang sakit.

She opened her mouth and ready to fire when she glanced at Raven. Itiniklop din nito ang bibig at tiningnan na lamang ako ng masama. Nilingon ko si Raven na walang pakealam sa amin. Kaagad ding bumalik ang tingin ko kay Rain at malalim na napaisip.

Sometimes, I really don't understand Rain. Kahit matalik ko siyang kaibigan ay aminado akong may mga ugali talaga siyang hindi ko pa rin makuha-kuha.

Muli ko siyang nilingon nang makalayo na ako sa kanya. Natabunan na ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha nang yumuko siya para tulungan si Raven sa paglinis ng kuko niya sa paa.

"Si France?" I asked and helped Eve folding Ace's clothes. Eve, being the baby in our group looked so innocent with her cute dress tonight.

"Sa kitchen."

Now, that caught me. Mas mabuting doon na lamang muna ako. I already planned on going there after helping Eve with this.

"Foundation na ng St. Joseph next week. Anong ganap doon?"

"Ask France." I dismissively said. Naiinis pa rin ako tuwing naaalala ko iyong waltz.

"Ang cold mo naman. I'm just trying to start a conversation with you."

"I really don't know, Gabi. Maliban sa magkakaroon ng bar ang College of Engineering."

Sa mahigit kalahating araw na pagpupulong ng College of Engineering para sa mga aktibidades na gagawin para sa celebration ng Foundation Anniversary ng unibersidad, ang pagtayo lang ng bar ang alam ko.

"Whoah! Masaya 'yon."

I snorted. Hindi na nagsabi ng komento pa. Masaya 'yon para sa mga magliliwaliw pero para sa amin na siyang host ng bar ay hindi iyon masaya.

Tumigil lang kami sa ginagawa nang dumating si Tita Audrina. Tumayo kaming apat para magmano sa ginang. She knows that we'll be doing an overnight stay at their house. Palagi naman namin itong ginagawa kaya nasanay na rin sila ni Alaine sa presensya naming lahat dito sa bahay nila.

"Ma, ginabi ka ah?" si Alric na inulit din lang ang sinabi sa kapatid sa Mama niya.

Iniwan ko silang nag-uusap sa living room. Tumuloy ako sa kusina para tulungan si France sa pagluluto ng hapunan namin. It was already past eight when we took our dinner.

Hindi ko maiwasang tingnan si Rain na abala sa pagpapakain kay Aesthrielle. One year old and six months na siya ngayon. I smiled when Rain was about to feed herself when Aesthrielle grabbed her wrist. Wala siyang nagawa kung hindi pakainin muna ang anak.

Ganyan lang si Rain pero napakataas ng tingin ko sa kanya. Immature pa rin pero hindi ko maipagkakailang may side siya na masasabi kong katulad na siya ni Mommy mag-isip. Mad respect to her.

Mabilis akong kumain at ako na ang nag-pakain kay Aesthrielle para makakain na si Rain nang tuloy-tuloy. Doon din lang ako nagkaroon ng time makahawak sa anak niya dahil kinuha rin ni France sa'kin pagkatapos.

I helped Eve washing the dishes habang nagpupunas naman si Raven ng mga nabanlawan ko nang wares. Harvey and Alric are moving the sofa and coffee table to the side habang hinahanda naman ni Rain ang tutulugan namin. Since malawak ang living room, madalas ay roon kaming pito natutulog.

"Friends!" Rain rushed to the kitchen.

"Ano'ng gusto niyong panoorin?"

"Ikaw..." si Harvey na sumusunod din sa kanya para kumuha ng tubig sa ref.

Ngumisi si Rain. "Ako talaga?" turo niya sa sarili. Nang mapagtanto ni Harvey ang iniisip namin dahil sa kanyang sinabi ay kaagad din itong nagsalita para klaruhin.

"Ikaw, kung ano'ng gusto mo!" pagkaklaro niya na mukhang ayaw tanggapin ni Rain.

"Yuck, Raniyah . May girlfriend na 'ko!"

Eve and I coughed while Raven made a sound of stopping himself from laughing. 'Tamo pati si Raven natatawa na rin.

"Parang 'di umiyak kung maka-yuck." I murmured.

"May sinasabi ka Tep?"

"Wala." sabi ko na lamang.

We spent the night watching movies. Hindi ko alam kung anong oras na sila natulog dahil nakatulugan ko ang panonood.

Kinaumagahan ay tumuloy na kami ni France sa mall para maghanap ng susuutin kagaya ng napagplanuhan namin. Harvey had his own plan since he had a girlfriend now. Fucking good to him.

Mama sent me portfolios of some well-known designers she had contact with. Ang sabi ay puntahan ko lang ang shop nila kung may nagustuhan ako sa mga desinyo nila at sabihin lang ang pangalan niya pero labis na iyon para kay France. I don't want him to feel uncomfortable and I also don't want to be insensitive. Alam ko naman na nag-iipon siya at ayaw ko ring gumastos siya para lang sa damit na susuutin ng ilang oras lang. Hindi pa naman ito 'yong tipo na tumatanggi kahit labag sa loob niya.

Tumigil kami sa paglalakad, parehong nakatayo sa gitna ng mall, pinapalibutan ng maliliwanag na store, bawat isa ay nang-aakit na pasukin namin.

"So, sa'n tayo?" tanong ko sa kaibigan, hawak-hawak ang strap ng hobo bag na nakasukbit sa kanang balikat.

"You choose."

Umismid ako sa tinuran ng kaibigan. Sa huli ay itinuro ko na lang ang isang mediocre store na malapit sa kinatatayuan namin.

"Sigurado ka? We can still go to your first-class-"

Hinila ko na siya papasok sa store bago pa man humaba ang usapan.

A black and glittery high neck gown captured my attention. Iyon kaagad ang kinuha ko at unang sinukat sa fitting room. The gown has a slit on one side. It showcases more than half of my back and that's what I like about it. It also conforms to my size and shape, I think. Or was I just getting blinded by its beauty at gustong-gusto ko kaya wala akong makitang kamalian?

Bago pa 'ko makakita ng ikakaayaw ko sa damit ay hinubad ko na ito. Sa katapusan nang paghuhubad ko ay biglang may humawi ng kurtina.

I muttered a curse and turned around. I am stripped naked! Though I still have my panties yet my bra. I have to take off my bra because I will not need wearing one in that gown!

This is just fine!

Relax, Step! This isn't the first time someone has seen you naked. But this is the first time someone has seen you naked without your consent! This is a big deal!

I looked at the mirror and made an audible gasp when I saw who it was!

Oh my, my fucking ass! Mabilis akong yumuko at nagsumiksik sa sarili, sinusubukang paliitin ang sarili kung maaari.

"I'm sorry Miss."

Sa kabang makilala niya 'ko, kahit pa gustong-gusto ko siyang murahin ay pinili ko na lamang na huwag magsalita.

"Hindi ko intensyon na pumasok pero oh fuck."

Hindi nito natapos ang sasabihin nang may marinig kaming nag-aaway sa labas. Mga babae. Away babae.

Oh, yeah right. He's Kai Almendarez. The infamous playboy of St. Joseph.

"This is all your fault. You know that I'm with Kai and your mere presence upsets him. Now that he's gone, he must've really got worried." tunog nag-aalalang wika ng isang babae.

"Shut up. He's with me the other day. I just want to talk to him and you just can't give it to us! It's all your fault why he's upset."

Sa halip magalit ang mga ito sa kanya ay nag-aalala pa ang mga ito kung na-upset ba ang lalaking pinagtataguan sila. Tsk.

Kinuha ko ang mga damit na hinubad at mabilis itong isinuot habang ang dalawang tenga ay nakikinig sa nag-aaway sa labas at ang mga mata naman ay nasa salamin, binabantayan ang bawat galaw ni Kai. Nakatalikod ito sa'kin ngayon. Ang mga kamay ay nasa bibig, takot na takot mahuli.

Isang ligaw lang ng tingin, mabubulag ka talaga, hayop ka.

Nang matapos maisuot ang mga damit ay hinawi ko lang ang kurtina, sapat lang para makalabas ako. Wala na ang mga babae.

Kaagad kong nakita si France na mukhang naghihintay na lang sa'kin. Tumakbo ako palapit sa kanya. Inilahad ko sa kanya ang damit na sinukat at inabot ang pera ko.

"CR lang ako. Maghihintay na lang ako sa kotse." pagdadahilan ko at muling nilingon ang fitting room.

Napamura ako nang makitang lumabas na siya sa fitting room at hawak-hawak iyong–

I turned to France. His brows are furrowed.

"You're not wearing your bra?" he asked and covered my chest with the tux he's holding. I looked down at my chest and cursed when I realized that I was wearing a full lace cami top!

Oh my, my boobs were fucking exposed!

Kaagad kong itinapat ang bag sa dibdib, yumuko at patakbong nilabas ang store.

This is embarrassing.

Watch my Step (Friend Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon