Chapter 2

18.7K 304 8
                                        

"Shocks! The way he stared at me kanina made me want to open my legs for him agad." isang impit na tili ang sumunod.

Gusto ko biglang batuhin ng tabo ang babaeng nasa kabilang cubicle.

"That's how he stares at every woman he laid his eyes on." ani pa ng isa.

Malakas kong hinila pabukas ang pinto at tumama ito sa pader sa pagitan ng cubicle naming dalawa.

"Hey!" reklamo ng isa.

"You might break the door. Be careful!"

Inaamin ko, malandi ako. Pero hindi ako katulad nila na uhaw na uhaw sa lalaki. And really? They really have to talk it out loud? Damn. Save some dignity for yourselves.

I was biting my lower lip while I was retying my long hair in a high and tight ponytail. When I get satisfied with my ponytail, I went on rummaging through my bag for my lipstick. I faced the mirror and concealed the real color of my lips into a dark red shade of lipstick.

Bumukas ang pinto ng dalawang cubicle at mula sa salamin ay nahuli ko ang masamang tingin sa akin ng dalawang babae. Their faces are familiar but I don't know their names.

Ibinalik ko ang atensyon sa paglalagay ng lipstick sa aking labi pagkatapos ko silang bendisyunan ng sulyap. Umirap ako nang pagitnaan pa nila akong dalawa.

"Ang suwerte ni Ria."

"Suwerte niya at siya ang ipinares kay Kai."

Of course, there's this Kai. Ano pa nga ba ang nakakapanibago roon? Halos lahat ng babae ay siya ang bukambibig. Everyone knows him. And who wouldn't anyway? He's the type of guy you will notice even when you try not to. There's no place in St. Joseph I will never hear his name. Gago kasi.

"I think he likes me."

My lips curved as I noticed the confidence she has.

"No, I mean he's interested in me." pilit pa ng una.

Hindi ko na napigilan ang matawa kaya bumaling sa akin ang dalawa. Mabilis kong pinunasan ang ngipin ng tissue nang malagyan ko ng lipstick dahil sa pagtawa. Puta.

"Sorry." I said laughing.

"Are you mocking us?"

I glanced at her in the mirror.

"Of course," I paused then smirked. "Of course, he definitely likes you." I continued.

"You have a hole, there's no way he wouldn't be interested in you." I murmured to myself as I rummaged my Chloe perfume in my bag. Nang mahanap ay mabilis kong winisikan ang sarili. Hindi ko inaasahan ang paghila sa balikat ko sa isa sa mga babae.

"What did you say?!"

Natutop ko ang sariling labi, natatawa na sa reaksyon ng nasa harap.

"I'm sorry. I mean," I looked down then to her face. Ilang beses ko pa iyong ginawa saka nakuha ang gustong marinig sa babae.

"Of course, I'm a real woman. Do you want a fight with me?"

Hindi ko mapigilan ang matawa sa kausap.

"Oh darling, if I want a fight, I'd stoop down to your level so thanks but no thanks. We're not on the same level." I smirked and swiped her hand off my shoulder.

Pagbalik ko sa court ay eksaktong bumabalik na sa kanya-kanyang puwesto ang lahat. Pagkalapag ko ng bag sa upuan ay dumiretso kaagad ako kay Jairus.

A side of my lips crooked when he glanced at me. Magsasalita sana ito para kausapin ako nang tawagin ang pangalan ko ng choreographer.

"I have to switch pairs." ani nito at tumingin sa clipboard na dala. He called my name so I raised my hand. His eyes lasted on me for five seconds before he continued.

"You'll take Ria's place."

Ria? My eyes roamed around and stopped at Ria. She looked defeated. Saka ko nalaman ang dahilan nang magsalitang muli ang choreographer.

"Kai and Step, kayo ang partner then Ria and Jairus."

What?!

The choreographer explained why. Ria almost has the same height with Kai at kapag magsuot na kami ng heels ay baka mas maging mataas pa siya kay Kai. Ria's inches taller than me. I'm not short. Sadyang matangkad lang talaga si Ria.

"Step, puntahan mo na si Kai." untag sa'kin ng katabing babae na parang malaking kasalanan na paghintayin ang lalaking tinutukoy.

I let out an audible gasp and gritted my teeth to show my disapproval but no one seems to care.

Why do I have to go to him anyway? Bakit hindi siya ang pumunta sa'kin? I don't walk in on guys, they walk in on me. Excuse me. Kaya kahit anong pamimilit nila sa'kin ay hindi ko pinagbigyan.

Mula sa malayo ay natanaw ko ang dalawang babae sa comfort room. Seeing their defeated faces brought me comfort. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng galak na pinares sa akin si Kai pero hanggang doon na lang 'yon.

I wrinkled my nose when a smell of a playboy reigned in my nose. Kaagad na nag-iba ang pakiramdam ko nang maramdaman ang kanyang presensya sa aking tabi.

I side-eye him. Una kong nahagip ang tatlong white gold earcuff sa kanyang kaliwang tenga nang umihip ang hangin at tumulak palikod ang buhok na siyang tumatago sa earcuff niya sa tenga.

He tilted his head to face me. "Hi, Step." bati nito.

I grazed the back of my teeth with my tongue.

Hindi ko ito pinansin at nakinig na lamang sa instruction ng choreographer.

Dancing isn't my line but I am good at following instructions so I guess, I will survive. We started counting 1, 2, 3 in 3/4 time. Mukhang sinasanay kami sa beat or what you call that.

"Step Snob."

My forehead creased. Can't he just shut up? He's disturbing my concentration. Marahil ay ganito rin siya sa loob ng klase. Demonyong seatmeat. When you're trying to focus on the discussion but there's a devil beside you, whispering. Ito 'yon e.

Pero sige lang, Step. Panindigan mo ang sinabi niya.

Until the choreographer instructed, "Face your partner."

Sadly, I have to face him. I was taken aback when I caught his interested eyes bore into mine. Hindi ko mapigilang mai-atras ang ulo upang malayo sa kanya kahit ilang sentimetro lang.

His brow shot up when he noticed my reaction.

Damn it.

"Do you have a crush on me?"

I rolled my eyes and he chuckled.

We were instructed the proper posture and position of our body. I have to shut my eyes tight when a pair demonstrated it to us. Lahat ng pares ay ginaya ang partner sa gitna.

I shouldn't make this a big deal. Tumingin ako sa kanya at nahuli ang kanyang mga matang nakatingin din sa'kin.

"If you do something stupid," I warned him when he placed his hand at the small of my back. It pushed me to get closer to him. I didn't mind though. I rested my forearm on his and my hand on his shoulder.

"What?" Natatawa niyang tanong nang mapansin ang matalim kong paninitig sa kanya. "It's not like I can take advantage of you out of waltzing." ani niya na parang imposible ang banta ko at kung posible man ay talagang gagawin niya.

I raised my fist and he just laughed. He then covered my fist with his hand.

"What the hell?!" gulat kong saad at mabilis na inalis ang kamao sa kamay niyang kumukulong dito.

"Ba't ka gulat?" he laughed and shook his head in pure amazement.

He caught my hand and intertwined our fucking fingers together.

"It's not like it's the first time I get a hold of your hand."

There, that fucking smile again.

For some reason, I stepped onto his shoes. I intended it. It must be the irritation I was feeling. When I see his crumpled face, I pressed my heels harder to his shoes. Saka ko lang inalis nang tapikin niya ng tatlong beses ang braso ko.

"Aww." he winced as he lifted his feet from the ground and circled it into the air. "I dislocated some of my bones." wika nito.

He irritates me. At hindi ko alam kung bakit. It's not my first time to meet an asshole like him. Damn, I'd met different kind of assholes, even worse than him but I'd never stepped on their shoes in a fit of temper.

Habang abala ang lahat sa pag eensayo ay lumapit ako kay France para sabihin ang gustong mangyari. It's either I'll have a new partner or I'll quit. Mamili lang siya sa dalawa!

Ayaw ko pa sanang sirain ang pag-uusap nila ni Kelly Malavega pero hindi ko na kayang patagalin pa ang gusto kong mangyari. I called France and he politely excused himself to Kelly.

"Bakit? Anong problema kay Kai? Did he harass you?" sunod-sunod nitong tanong nang sabihin ko ang problema. He knitted his brows and looked at him over my shoulder.

"No. I just don't like him."

"You're just going to be partners, Step. There's no need to like him." saad ng kaibigan habang umiinom ng tubig sa kanyang bottled water.

Bumuga ako ng hangin, pagod at inis.

"I didn't mean it that way, France. Hindi ko matagalan ang kayabangan niya. Baka kung ano ang magawa ko sa kanya."

Bumuntong-hininga si France saka kinamot ang kilay ng kanyang hintuturo.

"And he's wearing earcuffs." pahabol ko.

Alam kong walang koneksyon ang huli kong sinabi pero gusto ko lang sabihin lahat ng puwedeng makatulong sa'kin para hindi ko na kailangang kausapin at pakisamahan pa ang Almendarez na iyon.

"Hindi ba puwedeng tayo na lang ang partner?" tanong ko at sinilip si Kelly sa kanyang likuran. Kelly is taller than me. Kung ipapares siya kay Kai ay magiging alangan na naman ang kanyang height kapag magsuot siya ng heels. Masisira na naman ang pairing at tiyak na magagalit ang choreographer kung iuudyok ko ang gustong mangyari.

"Kakausapin ko." Ani ni France at sinara ang bottled water.

My face lifted up. "Ang choreographer?" Kung si France ang kumausap ay puwede pa akong pagbigyan. Mabilis din akong nadismaya nang umiling ito.

"Si Kai." sagot niya saka ako iniwan.

Damn it. Mabigat ang mga paa kong sumunod sa kanya. Mas lalo lamang akong nairita nang makita siyang tumatawa kasama ang mga katabi naming partners kanina. From where I was standing, I captured how his eyes get narrowed as he smiled and laughed with them.

Parang hindi ko inapakan ang paa niya kung makatawa at parang hindi ko iniwan kung makangiti. Sa mga nakikita ko sa kanya ngayon ay napatunayan ko na wala nga talaga itong pakealam sa mga nangyari, nangyayari at mangyayari.

Is he really like that?

Tumigil lang sila sa kuwentuhan nang makalapit si France sa kumpulan nila. Pinili ko na lamang na tingnan silang mag-usap mula sa kinatatayuan ko sa halip na lumapit pa sa kanila.

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng kaibigan ko sa kanya at kung bakit palagian ang pagsulyap niya sa akin habang nag-uusap sila. At mukhang ang naging labas ay parang nagsumbong ako nang makitang tinanggal nga nito ang earcuffs at isinuko kay France. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano.

The situation is petty alright. I know that France really hates earcuffs but I didn't expect that he would really confiscate earcuffs right now. Damn. I can't even imagine him wearing one.

I stood straight when they're done talking. I unfolded my arms when France neared me.

"Bumalik ka na sa kanya. He won't pester you anymore." he said and walked past me.

Fucking great. Ngayon ay parang mas lalong ayaw ko nang lumapit sa kanya. Ipinilig ko ang ulo kasabay ng pagbura sa nararamdaman at naglakad patungo sa dating puwesto. Hindi nga nagtagal ang nararamdaman kong guilt nang makita ang ngiti niyang naka-plaster sa kanyang mukha.

"What?" asik ko nang makalapit sa kanya. He kept on playing his lower lip with his fingers.

Inalis niya ang mga daliri sa labi at isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng kanyang slacks. Tumayo siya ng tuwid nang tuluyan na akong makalapit sa kanya.

"Sa susunod, huwag kang aalis kung babalik ka rin lang pala."

My brows furrowed.

"What–"

"Saka ano 'yang nakasulat sa noo mo?" tanong nito at dinuro ang noo ko.

Subconsciously, I placed my palm on my forehead. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"'Yan o, nakasulat sa noo mo. Step Sumbungera. Capslock." he said and let out a small laugh.

How dare he. Luminga-linga ako sa paligid at nahuli ko ang iilang pagtawa ng mga nakarinig sa kanyang sinabi. Bumaling ako sa kanya at mas lalo lang nainis nang makita ang ngiti niya.

I raised my hand and ready my palm to slap him when the bell from the bell tower rang. I froze when everyone stopped from moving and looked up at the tower.

"The Angel of the Lord declared unto Mary..."

I saw a side of his lips rose. He pointed my hand.

"Ano 'yan? Panatang Makabayan?" natatawa niyang tanong.

"Panatang Makabayan, iniibig ko ang Pilipinas..." he then recited.

Mabilis kong ibinaba ang kamay at yumuko saka nakisabay sa mga nagdadasal. Hindi kagaya ng katabi ko na kahit nakikisabay na rin sa panalangin ay nakakatakas pa rin ang mahina nitong pagtawa. Maging ako ay hindi na rin makapag-concentrate sa dasal dahil sa kanya. Forgive me Lord.

Nang matapos ang Angelus ay mabilis ko siyang sinamaan ng tingin. Ang pinipigilan niyang tawa kanina ay saka lang niya pinakawalan.

"Tarantado." I said and he laughed even more.

Watch my Step (Friend Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon