Chapter 38

15.2K 283 0
                                        

The wedding is fast approaching. Tuwing uuwi ako sa bahay ay iyon ang pinagkakaabalahan nilang lahat. At kung bakante ako sa trabaho ay sa fitting at food tasting naman napupunta dahil hinahatak ako ng dalawa para samahan si Hope.

I looked at myself in the mirror, particularly the ember colored halter gown I'm wearing. This is my third time participating in a wedding and I'm a hundred percent sure that this isn't gonna be the last. Alam kong marami pa ang susunod dahil marami pa sa mga kaibigan ko ang hindi naikakasal kaya siguradong-sigurado ako. I smiled with that thought.

"Wew. Tumataba na yata ako." Rain pouting face appeared in front of us when she pulled the curtain of the fitting room. Suot niya ngayon ang isang sweetheart gown sa kulay na ember. While Eve does the one shoulder gown.

Umangat ang kilay ko habang sinisiyasat ang katawan niya. Hindi kaya buntis ang isang 'to?

"Saan pa ba pagkatapos nito? Babalik pa ako sa site." sabi ko nang makalabas kami sa opisina ng designer na siyang gumawa ng mga gown namin.

"Oo nga naman at nandoon si Kai." patuyang sabi ni Eve na ikinaangat ng kilay ko.

My pace slowed down. "Ano naman ngayon?"

"Siyempre, nandoon ang babalikan mo." si Rain na ang tumapos sa nais ipahiwatig ni Eve.

Umirap ako at hinayaan silang tuksuhin ako hanggang makarating kami sa parking area saka kami nagpaalam sa isa't isa. Rain has to go back to St. Joseph while Eve is planning to go to the mall to buy new set of makeups for the wedding dahil siya ang mag-aayos sa amin. Mamayang alas singko ay magkikita-kita rin kami sa cathedral para sa final rehearsal.

Kahapon ay bumisita ako sa ospital at ang sabi sa'kin ni Luke ay ngayon ang labas ni Dad sa ospital. As much as I wanted to go there, mas lalong hindi puwede gayong bumubuti na ang kalagayan niya. Naka-wheelchair pa rin ngunit nakakapagsalita na nang maayos. I cannot just risk it by appearing in front of him.

Nakarating ako sa site, unang napansin ang makulimlim na kalangitan at ang malakas na ihip ng hangin. Nagtagal ang tingin ko sa malawak na karagatan saka tumuloy sa site.

Habang sinusuot ang hardhat ay nakasalubong ko si Kai na abala sa pag-inspeksyon sa gusali. Nandito nga talaga siya. Nakakapanibago nga lang ngayon dahil wala siyang kasamang babae. Sa suot niyang puting t-shirt at faded jeans, sigurado akong hindi siya galing sa kompanya nila.

Bumagal ang paghakbang ko at pinagmasdan siya. Every time I delve into the days when we are still married, my mind opted to disbelieve it. He's one of my impossible's now kaya ang hirap lang paniwalaan na minsan sa buhay ko ay naging asawa ko siya, at sinayang ko lang.

Humugot ako nang malalim na hininga at kinuyom ang kamao nang lagpasan niya lang ako. Inaasahan ko na 'to pero ang sakit pa rin.

"Kai."

Hindi ako sanay mamalimos ng atensyon kaya malaking parte sa'kin ang pagtawag ko sa pangalan niya nang walang inihandang rason kung bakit. Dahil sa aming dalawa, siya itong may lakas ng loob na kausapin ako lagi kahit ang madalas niyang matanggap sa'kin ay pang-iisnab at pag-irap. Now, I am getting to taste my own medicine if he's going to ignore me.

"What?" masungit niyang tanong na siyang sumipa pabalik sa kakarampot kong lakas ng loob.

"Pupunta ka sa rehearsal mamaya?" There, I asked the most nonsense question.

Ngumisi siya. Malamang ay nahuli agad ang walang kabuluhan kong tanong. Makes me regret why I said that!

"The next time you call my name, make sure you have something important to tell."

"Puwede mo namang sagutin ang tanong ko ng oo o hindi." natatawa kong tanong pero ang totoo niyan ay nanginginig na ang mga tuhod ko.

"Why would I? Okay ba tayo para sagutin ko ang personal mong tanong? Saka, okay ba tayo para tanungin mo ako nang mga ganyang tanong?" Mayabang niya akong pinasidahan ng tingin.

"Hindi dahil okay tayo sa mata nang nakakarami ay magiging okay na tayo sa isa't isa."

"Well, I'm sor-"

Bago pa ako makahingi ng paumanhin ay iniwan na niya ako. Mahina akong natawa sa pagkapahiya.

Yumuko ako at sinipa ang maliliit na bato sa sahig. Pinilig ko ang ulo, pilit itinatakwil ang nagbabadyang luha. It must be my broken expectation. Umasa ka na naman kasi nang sobra-sobra.

I groaned and looked up. Nang mapagtanto na walang makakapagpatigil sa akin sa pag-iyak ay mabilis kong tinanggal ang hardhat at bumalik sa sasakyan.

I turned my car in the driveway and drove away. Lumalabo ang paningin ko dahil sa hindi maawat-awat na pagluha. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Siguro ay sa simbahan na lang ako tutuloy. Maghihintay na lang ako roon hanggang mag-alas singko.

Nang makapagpasya ako ay siyang paghinto ng sasakyan. Suminghot ako at sinubukang buhayin ang ignisyon pero namatay din agad. Limang subok pa ang aking ginawa saka ako tumigil at tuluyang lumabas ng sasakyan. Wala akong alam sa sasakyan kaya wala ring silbi kung susubukan kong hanapin ang sira.

I contacted the insurance company and sought for a tow service. Ang sabi ay kailangan ko pang maghintay nang dalawang oras bago makakarating ang tow service.

Nasa malayog na parte ako ng kalsada kaya mula rito sa taas ay sumisilip ang baybayin at ang resort na itinatayo roon sa tuwing gumagalaw ang mga dahon ng puno. Doon din ako nanggaling at sa distansya ko sa pinanggalingan ay hindi pa ako nakakalayo ng lubos. Kung lalakarin ay mga sampung minuto rin ang kailangan kong ilaan sa paglalakad.

Isang malakas na hangin ang sumabog sa harapan ko. I had to take a step back with its strength. Napansin ko rin ang pag-ikot ng mga dahon na parang ipu-ipo 'di kalayuan, ang paglipad ng mga ibon galing sa mga punong nanginginig ang mga sanga dahil sa lakas ng hangin at ang mabilis na pagdilim ng kalangitan. Walang anu-ano ay bumagsak ang napakalakas na ulan.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at balak na sanang tumawag sa site kung may puwedeng kumuha sa'kin dito nang bumungad sa'kin ang pangalan ng foreman sa screen ng aking cellphone.

Nagtataka man sa biglaan nitong pagtawag ay sinagot ko agad ito. Maingay ang naririnig ko mula sa kabilang linya. Maliban sa malakas na buhos ng ulan ay may mga sigawan akong naririnig at kaluskos ng kung anong bagay.

"Hello?"

"Engineer? Engineer?!"

The urgent in his voice made my heart beat irregularly. May pumuporma nang ideya sa utak ko pero ayokong tanggapin. Iniisip ko pa lang ay nanginginig na ang mga kamay ko.

"Engineer, 'yong gusali gumuho!"

Maraming imahe ang pumasok sa utak ko habang iniisip ang nangyari sa gusali. Thinking of the workers made my heart explode.

"Damn! The workers!"

Lumabas ako nang sasakyan at tinakbo ang daan pabalik sa baybayin. Limang minuto ang ginawa kong pagtakbo, 'di alintana ang masakit na butil ng ulan na tumatama sa katawan. My body was shaking out of cold and fear.

Hindi ko alam ang gagawin kung may mangyaring masama sa mga trabahador. I will probably kill myself if that happens!

Nang makarating sa site ay nasa labas na ang lahat, tinitingnan ang gumuhong gusali. My eyes lingered at the building.

Unang nakapansin sa aking pagdating ang foreman kaya kaagad na napunta sa akin ang kanilang atensyon nang tawagin niya ako.

"Engineer!"

"Step, this is a huge trouble! Kapag nalaman nila na sa I-beams ang problema, masisira tayo! Mawawalan tayo ng trabaho. Mr. Zafra and the company, fuck! I can't lose my job!"

"May tao pa ba sa loob?" I asked the foreman, ignoring Engineer Llavan.

"Si Mang Fernan at Henry, Engineer. Nasa ikalawang palapag sila nang gumuho ang gusali. Maaaring na-stuck sila sa mga gumuhong haligi't pader."

I gritted my teeth as I stared at the collapsed building in front of us.

"Step, you approved it! You're the head engineer. You'll be held responsible for this!"

Sumunod siya sa'kin nang hindi ko pinansin ang mga sinisigaw niya. Wala akong panahon pansinin ang mga paninisi niya. Nangyari na ang nangyari. Ang magagawa ko na lang ay iligtas ang maaaring mailigtas ngayon.

"May naghahanap na ba sa kanila?"

"Wala po. Sinubukan namin ni Jud pero nasa bukana pa lang kami ng gusali kanina nang yumanig ulit ang lupa."

I muttered curses and snatched the hardhat with headlight from him.

"Engineer–"

"Papasok ako sa loob, pakitawagan agad ang rescuers."

"Pero Engineer, delikado."

Umakto akong hindi narinig ang kanyang sinabi habang sinusuot ang hardhat. Saka lang siya nilingon nang may maalala.

He's not here, is he? I swallowed hard when I thought that he must've inside the building.

"Si Architect Almendarez?"

Mabilis na umiling ang kausap. "Wala po rito, Engineer. Umalis din po kaagad noong umalis kayo."

Huminga ako nang malalim sa kanyang sinabi. Mas mabuti nang wala siya rito. Hindi ko rin alam na sumunod pala siya sa'kin. He's probably taken the main route kaya hindi ko nakita ang pagdaan ng kanyang sasakyan sa dinaanan kong ruta.

Bumaling ako kay Engineer Llavan. "Call Architect Almendarez. Tell him our situation here." utos ko at tinalikuran na siya bago pa siya makaangal.

I heard some of the workers stopping me from going inside but it's only a skin-deep caution. My determination to save the workers are stronger than their far fetched concerns. Dahil kung totoo man at malakas ang ipinapakita nilang pag-aalala ngayon, may pumasok na sana sa loob para iligtas ang dalawa.

Isang hakbang ang ginawa ko at sumuot sa maliit na daanan. Sa bawat pagtapak ng paa ko sa bitak-bitak na sahig ay nahuhulog ang mga debris. Kung tumalon-talon ako ay baka isang buong pader na ang mahulog sa'kin.

I stopped when I heard grunts. Mabilis ngunit may ingat ang paghakbang ko palapit sa umiigik. I called their names and they responded immediately. Gaya ng hula ng foreman ay nakulong sila sa nagbagsakang mga pader at haligi.

I analyzed the collapsed walls and identify which one I must remove without compromising the safety of the workers inside. Una kong sinubukan ang nasa itaas na bahagi. I pulled it out. Pumikit ako nang may nagbagsakang bato sa itaas, hindi na mga debris.

Hinintay kong matapos ang mga bumabagsak na bato saka ako muling gumalaw. Sinunod kong hilain ang sementong nasa ibaba ng unang kinuha para makalikha ng guwang na malalabasan nila. Mabilis akong tumayo nang mawalan nang balanse sa panghuling hinila na bato.

I looked at the two workers in the hollow of collapsed walls. May katandaan na ang mga ito kaya mas lalo lamang akong naging determinado na ilabas sila. Pumasok ako sa loob at tinulungan silang ilabas.

"Okay lang po kayo, Tay?"

"Okay lang ako Engineer. Itong si Henry, nabagsakan nang semento ang kanang paa kaya hindi makalakad nang maayos."

"Sige Tay. Mauna na po kayong lumabas tapos tulungan niyo akong ilabas si Mang Henry." I instructed. Mabilis siyang lumabas at tinulungan akong mailabas si Mang Henry. Nang makalabas kami pareho ay siyang paggalaw muli nang lupa.

"Ma'am!" they called when another column collapsed nearby. I gasped when I heard steels squeaked followed by another loud thud of collapsed walls.

"Tara na po!" I said and helped him carry Mang Henry. Nakikita ko na ang siwang ng liwanag sa bukana ng gusali nang yumanig ulit ang lupa. I stumbled on the fissures in the floor. Debris rained down and that's when I strongly felt the shaking of the earth. My vision became unsteady as well as my balance.

"Mauna na kayo." I grunted and stood up.

"Go!" I shouted at them when they're still waiting for me. I was about to take a step forward when a powerful arm pulled me away from my standing. Sa lakas ng pagkakahila niya sa'kin, maging siya ay nawalan ng balanse at pareho kaming bumagsak sa sahig, siya ay nakadagan sa akin. Ang isang kamay ay nasa likod ng aking ulo ko habang ang isa ay nasa aking likod.

Isang segundo lang ang iginawad sa'kin para mapagsino ang humila sa'kin. Just a glance at his frustrated and angry face made me weak even more.

Anong... anong ginagawa niya rito?

I couldn't find time to contemplate his sudden appearance when a column fell on the ground with a heavy thud. Sa sobrang lapit ng bumagsak na haligi sa aming kinaroroonan ay tumama sa amin ang mumunting bato at binalot kami ng alikabok.

Pumikit ako nang mariin at ramdam ko rin ang napakahigpit niyang yakap sa akin at ang mararahas niyang bulong sa aking tenga.

He muttered curses so loud and scooped me. Wala siyang sinayang na segundo at tinakbo ang posibleng lagusan na makakapagpalaya sa amin sa gumuguhong gusali. Nang makalabas kami nang tuluyan ay saka ko lang pinakawalan ang pinipigilan kong paghinga.

The rain and the shaking has finally stopped.

"Ang mga workers-"

"They're fucking alright." galit niyang sagot na nakapagpatahimik sa'kin.

Ibinaba niya ako sa stretcher na nakahanda at tumawag nang doktor na mukhang kanina pa nakaantabay. Mas marami ang tao ngayon at may malalaking sasakyan na ang nakaparada.

Habang abala ako sa pagmamasid sa paligid, nalulula sa dami ng tao ay abala rin si Kai sa pagsuri sa katawan ko. Sometimes, I'd hear him uttered harsh curses.

"Where did you fucking get this? tukoy niya sa kamay kong may sugat.

"Natamaan ang ulo mo?" tanong niyang muli kasabay nang paglapat ng kanyamg kamay sa likod ng ulo ko.

Bumabaha ang mga tanong niya na hindi ko masagot dahil wala pa ako sa sarili, nakakulong pa rin sa mga nangyari kanina. Wala rin akong matandaan kung saan ko mismo nakuha ang iilang sugat at gasgas sa katawan.

Sa katabing stretcher ay nakita ko ang dalawang tinulungan ko at si Ace na nakapamaywang, kunot ang noo habang may kausap sa cellphone. Madumi at puno rin ng alikabok ang damit.

Bumalik ang tingin ko sa harap at bahagyang napaatras ang balikat sa talim ng tingin na ibinibigay niya sa'kin.

"Kai–"

Hindi ko natuloy ang sasabihin nang lumapit sa amin ang doktor at isang lalaki na may suot na salamin at naka-itim na suit. Sa tingin ko ay nanggaling pa ito sa kanilang kompanya.

"Sir, Engineer Llavan wants to ask-"

"File a case against him, tanggalan mo nang lisensya at sisantehin mo." mariin niyang utos, ang mga mata ay nasa akin, galit na galit na parang ako ang tinutukoy. O maaaring para sa akin din ang mga iyon.

Umiwas ako nang tingin sa kanya at tiningnan ang kanyang lalaking kausap niya. "And about the workers-"

"Fire them all." he ruthlessly ordered. He covered my vision with his body. I lifted my head and watched his brown eyes pierced into mine.

"You are fired too. You're not working anymore." Unyieldingly, he said.

Watch my Step (Friend Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon