Kai and I engaged in this marriage in hurry. Kaya sa simula't sapul, alam kong mabilis din matatapos ang lahat ng 'to.
After the sleepover at Harvey's penthouse, I became distant from him. I mean, yeah we're literally miles apart but I restored myself to my old self. So, I became this reserved and cold wife of him again.
Ilang buwan na rin ang nakalipas at kung babalikan ang dati, masasabi kong mas lalo lamang lumala ang relasyon namin ngayon.
"You've been partying throughout the night, Step. Umuwi ka na." mahinahon niyang sabi mula sa kabilang linya.
Umirap ako. Nandito ako ngayon sa second floor ng isang high-end bar kung saan madalas kaming pumunta ng mga co-worker ko. Lumayo ako sa mesa namin at piniling dito sa may railing sagutin ang video call niya dahil kaunti ang tao rito.
"Bakit ba? I'm exhausted from work and I'm having fun here. Ganyan na ba kasakit sa mata mo ang makitang nagsasaya ako?!"
He's already in his white shirt. Hindi katulad ko ay nasa bahay siya.
"It's already one in the morning. That's enough fun for you. Umuwi ka na't magpahinga."
"Wala akong pasok bukas kaya okay lang kung late nang umuwi."
I almost laughed at my own words. Really, Step? Late?
He averted his gaze and from there, I saw how he clenched his jaw. Bumuntong-hininga siya at muling hinarap ang screen. Bakas sa mukha niya matinding kontrol at pagtitimpi.
"Anong oras ka matatapos kung ganoon?" banayad at may ingat ang kanyang boses. Taliwas sa ipinapakitang talim ng kanyang tingin sa akin at rahas ng galaw.
Umangat ang kilay ko.
"Hindi ko alam sa kanila. Bakit?"
"Tatawagan ko si Arthie–"
I shook my head and cut him off immediately when I grasped what he's planning about.
"'Wag na. Abala pa sa kaibigan mo. I'm sober, I can drive."
"Step–"
May sasabihin pa sana ito nang biglang sumulpot sa aking tabi si Gio Saavedra, isa sa mga katrabaho ko. Sa namumungay nitong mata at pilyong galaw, nakumpirma kong lasing na ang isang 'to.
"Tep!" he shouted and raised his middle finger at someone who bumped him. Naibaba ko ang cellphone para sana alalayan siya.
"Ano? Lasing ka na!" natatawa kong sabi. Hindi ko natantiya ang pagkakawala niya ng balanse sa harap ko kaya napasubsob siya sa'kin dahilan kung bakit napasandal ako sa railing.
Inilayo ko ang mukha sa kanya nang umambang hahalikan na ako nito. Kasabay noon ang paglayo ng kamay ko kaya hindi ko na alam kung ano na ang nahahagip ng camera.
"Teka, teka." I tried to push him away. I called my other colleagues para tulungan ako sa isang 'to. Nang mailayo si Gio sa'kin ay saka ko lang ibinalik ang tingin sa cellphone. I quickly turned the video on when I accidentally turned it off.
Ang galit na mukha ni Kai ang bumungad sa akin. Kung kanina ay nagtitimpi pa, ngayon ay wala nang bahid nang pagtitimpi. At hindi katulad kanina na nakaupo sa kama, ngayon ay nakatayo na siya at naglalakad-lakad na parang balisang-balisa.
"Sino 'yon? Why did you turn your fucking video off?! Hinalikan ka, Estefania?!"
I startled with the thunder of his voice. Sure, the crowd was noise, the music was in full volume but those didn't affect me the way his growl made me tremble. Sumandal ako sa railing para makakuha ng suporta.
"Gio's drunk–"
"Did you kiss him?!"
"Hindi!"
"Bakit mo pinatay ang camera kung ganoon?"
"Aksidente kong napatay ang camera–"
"Tss."
Umiwas siya ng tingin sa'kin at bumulong ng kung anong hindi ko marinig ng lubos.
Is he swearing me?
His jaw clenched and unclenched. A certificate of his wrath he's trying to suppress. Nang bumaling siya sa screen ay mas lalong dumoble ang talim ng tingin niya sa'kin. He licked his lips and closed it tightly.
Kahit nasa ibang bansa siya ay ramdam ko ang galit niya hanggang dito sa kinatatayuan ko at ang epekto nito na sumasalakay sa buong sistema ko.
With trembling knees, my voice remained certain and fixed. Parang hindi takot na takot sa kausap.
"Look, if you're trying to start a fight with me, I'm not into it tonight. I don't have time to babysit." I spat the last word before I ended his call.
I clutched the railing for support, hindi kinaya na ang katawan lang ang nakasuporta rito. I need to hold on to something. I might stumble if I won't do that.
Sa takot na nararamdaman ay luminga-linga ako sa paligid. I tried to find at least one of my distant guards he's hired to watch my every damn move. Sa ilang minutong paghahanap sa paligid ay wala akong mahanap na kahina-hinalang mga tao na maaring nagmamatyag sa'kin. Nonetheless, it didn't make me feel at ease. I was still scared. Scared that he might tell my father my doings, I resorted to texting him.
Step: Uuwi na ako.
My Architect: Answer my call once you're home.
Napairap ako at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga saka tumuloy sa mga kasama ko para magpaalam na. Pagkauwi ay kaagad kong sinagot ang tawag niya.
We spent hours fighting over ridiculous things. He's mad that I'm associating myself with guys who are clearly interested in me, he said. Si Gio, Jairus at marami pang iba ang kanyang binanggit. Hindi ko makuha-kuha kung bakit ganoon na lamang ang galit niya sa'kin dahil sa ginagawa ko gayong ganoon din naman ang ginagawa niya! Parehas lang kami. Ayaw ko lang banggitin ang nakita ko sa cellphone ng kapatid niya kaya ang binabato niya sa'kin ay puro bintang lang ako.
Kaya ko lang naman sinasagot ang mga tawag niya, nagpapaalam sa mga lakad ko at pilit na pinapanatag siya tuwing nagkakaganito kami ay dahil sa natatakot ako. I am scared. I am scared of doing the things that make him mad because it will only lead me to Dad's beatings. That's the only thing that keeps on pushing me to assure him that I'm not committing infidelity.
On the other hand, I like to make him think that I'm committing one. Hindi dahil sa gusto kong gawin kundi dahil sa iyon din ang ginagawa niya at gusto kong malaman niya na kaya ko rin ang ginagawa niyang pagtataksil.
Sa loob ng limang taon, karamihan ng aming pag-uusap ay nauuwi sa away at bangayan. But he's never, ever, laid a hand on me. He didn't hurt me physically. Not even an attempt. Kaya ganito na lang ang kompiyansa ko na galitin at sagarin ang pasensya niya dahil hindi niya ako masasaktan. Mapapisikal o emosyonal man. Hindi niya kaya.
"Saan ka na naman pupunta?"
It's another night out with my colleagues. Usually, kapag mga kaibigan ko ang mga kasama ko ay wala siyang mga bumabahang tanong katulad ngayon.
"My colleagues are throwing a yacht party at Gio's."
Abala ako sa pagpili ng susuutin na damit habang ang cellphone ko ay nakapatong lang sa vanity table. Sa mga nakalipas na araw ay madalas ang video call niya. Sinasagot ko ang lahat ng tawag niya sa takot na magsusumbong na naman siya sa ama ko kung hindi ko siya pinapakitunguhan ng maayos.
Rinig ko ang marahas niyang buntong-hininga kaya nilingon ko ang cellphone at nakita ang busangot niyang mukha sa screen. Sa suot nitong white long sleeve ay mukhang kakauwi lang niya galing sa trabaho.
Kumuha ako ng dalawang dress na nakakalat sa kama at pinakita iyon sa kanya. I picked the most revealing ones to annoy him more. Alam kong ang pagsabi sa kanya na pupunta ako sa isang party ay ikakainis na niya kaya mas gusto ko lang siyang inisin.
As you can see, we're treating each other normally. Well, ganito naman talaga ang normal sa amin.
"Just pick what you like." suplado niyang sabi na ikinaangat ng kilay ko.
"Uh, why? Ayaw mong ikaw ang pumili ng susuutin ng asawa mo?" tudyo ko sa kausap.
"Mas gugustuhin ko na ako ang kasama mo habang suot-suot mo ang mga damit na 'yan."
Nawala ang ngisi sa aking labi. Basta ko na lang itinapon ang isang dress sa kamay at kinuha sa hanger ang naiwan sa kamay para iyon na lang ang suutin.
Hinubad ko ang robang suot at hinayaang makita niya ang hubad kong katawan. I smirked when I caught him gulp. Trying to annoy him even more, I took my damn time wearing my underwear. I chuckled when he muttered curses and looked away.
I let out a moan as I clasped my brassiere kaya bumaling siyang muli sa'kin. He arched his brow. Hindi katulad kanina ay hindi na niya nilubayan ang tingin sa'kin habang nagbibihis ako. Ngayon ay ako na naman ang hindi komportable sa paninitig niya.
"Tatlong buwan na rin mahigit..." I said after I zipped my skimpy nude bodycon dress.
"What?"
"Tell me, my husband. Anong ibang ginagawa mo riyan para mairaos iyang..." I paused and looked down as if I can see his thing down there.
He's shirtless. Kanina pa. Hindi makahanap-hanap ng damit pamalit dahil hindi mailubay ang atensyon sa akin. Ngayon ay mas dumoble ang atensyon na inilaan niya sa'kin dahil sa aking paksa.
I am doing my makeup in my vanity table while he's intently watching me do that. I stopped applying mascara and glanced at my phone on my right.
"If you're fucking girls there–"
"Hindi ako nangangaliwa kung iyan ang iniisip mo." he said it well-rehearsed. Sa ilang beses ko na siyang pinaparatangan ng ganoon ay hindi man lang natinag ang pagsisinungaling niya.
Umirap ako at bumaling sa salamin sa harap.
"You don't believe me?"
I turned to him, a bit shock. Bakit parang nahimigan ko ng pait at sakit ang boses niya sa kabibitaw lang na tanong?
"Well, you're a man–"
"And that makes you think that I'm doing it with another woman here?!"
I was surprised by the sudden change of the tone of his voice. I masked my surprise with a shrug.
"Ikaw lang ang babae ko, Step. I'm married to you kaya hindi ko magagawa ang iniisip mo."
"Why not? We're both trapped in this loveless marriage, Kai. Kaya huwag kang umasta na hindi mo magagawang mangaliwa na para bang pinakasalan mo talaga ako dahil mahal mo ako." I said laughing with no humor in it.
Inabala ko ang sarili sa pagpili ng shade ng lipstick na gagamitin habang nagsasalita,
"If you're doing that, that's fine with me. Ang akin lang Kai, sabihan mo ako para magawa ko rin ang mga ginagawa mo. Besides, I wanna explore like–"
Tumigil ako sa pagsasalita nang mawala siya sa screen at nakita ko na lang ang kisame sunod ay ang pader ng tinutuluyan niyang condo. Then, I heard somewhat like scattered sound before the video call ended.
Saglit akong natigilan. Ilang segundo pa ang lumipas saka ko lang napagtanto na maaaring binato niya sa pader ang cellphone kaya namatay ang tawag.
![](https://img.wattpad.com/cover/252497834-288-k869574.jpg)
BINABASA MO ANG
Watch my Step (Friend Series #4)
Storie d'amoreStatus: Completed Step, a stone-cold playgirl, had finally met her match when she intended to stomp her feet on the notorious playboy of St. Joseph. Never in her wildest dream had she ever dreamt that a match she started to play with will only burn...