Chapter 7

14.8K 262 1
                                        

I stayed and waited France in my car. Nang makarating siya, sa halip na pumasok siya ay kinatok niya ang bintana sa tabi ko. I rolled the window down and he handed me two things. My bra and a paper bag carrying my gown.

Kunot-noo ko siyang tiningnan saka hinablot sa kamay niya ang bra ko.

"Nakita kong hawak ni Kai, kinuha ko lang." He lamely explained.

I rolled my eyes and rolled the window up. Isn't it enough that my body was exposed? Kailangan pati bra ko ay mayroon ding exposure?

I was grunting while skillfully wearing my bra. Soon as I'm done, I called him to get in. He swiftly climbed in.

After that incident, we didn't talk about it again. Wala rin siyang pinagsabihan. That's what I like about France. If he knows that this thing will embarrass you, he will never dare going down that road. At malaki ang pasasalamat ko na siya ang kasama ko ngayon. Dahil kung si Harvey at Alric man ay hindi ko na alam.

We almost spent our weekend babysitting baby Ace. Tumulong din kami kay Tita Audrina sa paglinis ng bahay at paghanda ng pagkain. Dumating ang araw ng Linggo at napagplanuhan naming mag-simba sa kalapit na kapilya. Eve suggested na sa cathedral na lang but Rain refused. Even the guys. They wouldn't take the chance of getting Rain caught by the Alvarez.

Mali man ang ginagawa niyang pagtatago kay Ace pero suportado namin siya. Kung ano ang gusto niya. Alam naman naming lahat, maging siya, na darating at darating ang araw na malalaman din ito ni Ace. That's inevitable. Sa ngayon ay naiintindihan ko kung hindi pa siya handa.

The first day of commemoration started off with a bang. Sinalubong namin ang panibagong linggo na puno ng ingay ang buong unibersidad. Maingay dahil sa samu't-saring musika't salita na nanggagaling sa iba't ibang speaker at mikropono.

Habang dumadaan ako sa malawak na field ng St. Joseph ay wala akong mapansin na iba kung hindi mga Josephites na abala sa pag-aayos ng tent at pag-kabit ng banner.

"Hi, Step." isang lalaki ang bumati sa'kin. I smirked and his friends behind cheered. Lalapit pa sana nang biglang may umakbay sa'kin.

Nang nilingon ko kung sino, ang aroganteng mukha ni Fifth ang bumungad sa'kin. He was looking at the group of guys in front of us, insinuating them to back off. At iyon nga ang nangyari.

Nang makaalis ang grupo ay mabilis akong ginawaran ng halik. He gently rubbed my cheek with his hand.
"I miss you." he whispered.

I smirked. "Yeah."

He cursed, looked around then dragged me to the nearest building. Tumatawa akong nagpahila sa kanya. Fifth became my friend first before this thing we had happened. I like his company and character. Marahil ay nakatulong ang pagiging magkaibigan namin. And now, he is more calmed and relaxed as a boyfriend. Hindi nakakasakal. Sana nga lang ay huwag magbago sa mga susunod pang araw.

Mahigit kalahating araw kong kasama si Fifth. It's already midday when we decided to take our lunch together. Hindi na ako tumanggi pa dahil ayaw ko rin namang mag-isa sa mga oras na 'to lalo pa't wala rin naman akong pagpipilian. France and Harvey are both busy, and being alone is the least thing I'd want right now as it will only make me look like a pathetic loner.

"Let's meet later." ani ni Fifth matapos makatanggap ng tawag, pinapatawag yata sa booth nila.

I sighed, a bit problematic. Ano na naman ang gagawin ko ngayon buong hapon? Hindi naman ako takot mag-isa. I'm just worried of people who will see me alone. I feel like I'm allowing them to see my vulnerable side and I don't want it.

Fifth chuckled. "C'mon. You're clinging to me too much. It's not like you."

"Just go." sabi ko na lang, walang balak itama ang kung ano mang iniisip niya. Mukhang natuwa pa ito sa tunog nagtatampo kong boses kaya niyakap niya 'ko.

"Don't worry, I'll text you often from now."

Tumango na lamang ako, nawalan na ng interes sa hapon. Mukhang ayaw pa nga nitong umalis kung hindi lang nakatanggap ulit ng tawag. If it's not for the goddamn attendance, I would have gone home early. Damn, I would never showed up here.

Attendance, what an effective blackmail you are.

I was walking with no destination when I heard a female voice shouting my name. Nang nilingon ko ay ang block president ng klase na tumatakbo palapit sa'kin ang nakita ko.

"Been searching for you all over the campus." she said while catching her own breath, both hands were on her knees. I gave her time to normalize her breath before I ask. Nang makatayo siya ng tuwid ay saka ko lang tinanong.

"Bakit?"

Bago pa man niya sagutin ang tanong ko ay hinawakan niya ng mahigpit ang palapulsuhan ko. Animo ay alam na niya kaagad na tatakbo ako sa oras na sabihin niya ang kanyang pakay.

"Kailangan mong tumao sa bar."

Kumunot ang noo ko saka nilingon ang booth ng department namin na punong-puno ng tao. Mukhang hindi naman ako kailangan.

"Dali na. Most wanted ka. Ang daming naghahanap sa'yo." sabi nito nang mapansin ang pagdadalawang isip ko.

May dumating pa na isang babae at mabilis na isinuot sa'kin ang isang hairband na may malaking tenga ng kung anong hayop.

"You will just wait tables, Step." sabi nito saka nila ako hinila papunta sa tent.

The tent was jam packed. Maraming customer. Karamihan ay mga babae dahil halos mga lalaki rin ang tumatao. I even saw Harvey, wearing a bunny hairband while waiting tables.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko nang makalapit sa kanya. We are all wearing our university shirt kaya puro blue ang nakikita ko.

He smirked. "Mandatory raw sa mga guwapo ang maging waiter."

I sneered. "Talaga? Ba't ka nandito kung gano'n?" pambabasag trip ko sa kanya. Ambang ihahambalos niya na sa'kin ang hawak na tray nang tumakbo na ako palayo sa kanya kahit pa alam ko naman na hindi niya iyon itutuloy.

If he has plans of hurting me, matagal na sana niya iyong ginawa. Hanggang amba at pananakot lang ang isang 'yon e.

I was instructed of what will I do kahit obvious naman na serbidora ako ngayon.

Mas mabuti na ito kaysa sa mag-isa ka, Step. I reminded myself when I was already forming complaints in my head.

Marami ang customer pero bearable naman dahil 'di naman kami kapos sa manpower. Mas dumami nga lang ang tao nang mag-alas singko na ng hapon. Marami ang taga-labas since bukas ang unibersidad buong linggo para sa outsiders.

Nag-extend pa kami ng isang tent dahil may mga naghihintay na sa labas. Gusto ko na lang tumulong sa mga nagluluto kaso 'di ko naman alam kung paano mag-prito ng chicken at fries. Wala rin akong alam sa paggawa ng mga milktea. Bumuntong-hininga ako at saka dinala ang tray na naglalaman ng order ng nasa table 12.

Inilapag ko sa mesa nila ang tray saka maingat na inilapag isa-isa sa mesa ang order nila.

"Hi Miss."

I looked at them. They're from the other university I noticed. Their uniforms are from Ivy, I guess.

"Ano'ng Facebook mo?"

Someone slid a paper on the table. "Number mo na lang ganda."

I really do not want to start a fight pero kotang-kota na 'ko sa ganito. Kanina pa.

"Gustavo, ano'ng trip mo?"

I arched my brow when Arthie stood beside me, hands in his pockets.

"Huwag kang epal, Bellenza."

"Pa'no ako hindi eepal? E kursunada ng tropa ko itong pinopormahan mo."

Kumunot ang noo ko. Kursunada ako? Nino? Parang gusto ko ring kuwestiyunin si Arthie kung hindi lang tumayo si Gustavo. He smirked and took a step forward.

"Sino? Si Kai? E halos lahat ng babae kursunada niya."

Hindi ko alam kung nagbibiruan lang ba silang dalawa o talagang mag-aaway na sa harapan ko. Nakakakuha na rin kami ng atensyon dahil sa pagtayo nilang lahat sa mesa at ang tatangkad pa nila. May isa sa mga kasama niya ang bumulong sa kanya ng kung ano pagkatapos ay umatras na rin. They're looking behind us.

"Ang bagal mo." A deep voice tickled my ear and a hand clasped my wrist. Before I could react to protest, someone already dragged me out the tent.

Awang ang labi kong pinagmamasdan ang likod niya habang siya ay patuloy lang sa pagkaladkad sa'kin patungo sa kung saan.

I gasped. The audacity of this man to hold me without my permission. Kung sa bagay, pumasok nga sa fitting room ng gano'n gano'n na lang.

Mas lalo lamang akong nainis sa kanya nang maalala ko iyon. I struggled to get free from his hold. Tumigil din siya nang mapansin ang pagpupumiglas ko. Sa tapat pa talaga ng rebulto ng Santo. Humingi na ako ng tawad agad sa kung anong masamang masasabi ko.

"What was that?" ako nang humarap siya sa'kin.

He pursed his lips like he is trying to hold his laugh. He's looking at something over my head. Nang mapagtanto kung ano ang ikinatatawa niya ay marahas kong inalis ang hairband sa ulo. Mas ikinainis ko lalo ang makita ang mukha niyang napakaaliwalas.

"I'm saving your ass there." paliwanag niya, pilit na nagseseryoso.

"I don't need the saving." I said and knitted my brows. "And it's not you who is trying to save me."

"I ordered him to."

Umismid ako, mas lalo pang nainis sa kanyang sinagot. "I don't know what is your intention, why you're dragging me like this, like my free will doesn't matter to you." galit kong sabi.

"Teka sandali. Bakit parang ang seryoso mo naman masyado." natatawa niyang saad. Kung nakukuha niya ang iba sa pagtawa niyang ganyan, hindi ako.

I scoffed. "If you're seeing this lightly, well I don't. We're not close for you to drag me like this so stop acting like we have this intimacy just because we've known each other since then."

Direkta kong sabi, ang mga mata ay tutok na tutok sa kanya. I saw how the glow in his eyes changed. He finally let go of my hand. That didn't bother me though. Mas gusto kong makita siyang seryoso kaysa sa nakangiti. Damn. I really hate his smile.

"Okay, I'm sorry." hingi niya ng paumanhin, wala na ang mga ngiti.

"I meant no disrespect to you when I dragged you. I didn't think it thorough." He sounded so serious. Hindi ko alam kung totoo ba itong pinapakita niya dahil ang bilis niyang mag-shift ng mode. From being playful to serious.

And now, that made me uncomfortable. I just nodded my head, indirectly ending the discussion.

"What is it that you want to talk about?" pag-iiba ko sa usapan. Seeing his serious face was a bit strange. Siguro ay dahil ngayon ko lang siya nakitang seryoso.

Umangat ang kilay ko nang mapansing parang nangangapa pa siya ng sasabihin. Pagkatapos niyang utusan si Arthie na mukhang manghahamon na ng away kanina madala lang ako sa kanya at siya na hinila ako hanggang dito sa rebulto ni St. Joseph ay wala rin pala siyang malinaw na dahilan.

Ano bang trip ng lalaking 'to?

"What?" ulit ko, hinuhuli ang mga mata niyang 'di na makatingin sa'kin ng direkta ngayon.

"I was only thinking that you do not want to talk to Stav so I resorted doing this."

"And that concerned you because?" I demand but got nothing which led me to another question.

"Are you hitting on me?"

"I don't." mabilis niyang tanggi.

"E ano'ng pakealam mo kung 'di ako komportable sa lalaking 'yon?" I asked and shifted my weight to my other leg.

"I thought that we have this intimacy because we've known each other since then."

I crossed my arms. I could feel the dominance I have in this conversation. Mas lalo lamang iyong nag-udyok sa akin na ituloy ang mga gustong sabihin.

"Ngayong alam mong wala, ano'ng gagawin mo?"

"Leave you be." Mahinang sambit nito.

I puckered my lips, satisfied with his answer. Iminuwestra ko sa kanya ang daan, tumalikod naman siya sa'kin agad. Hindi pa nga lang umiisang hakbang palayo sa'kin ay humarap siya sa'kin muli.

"I just wanna ask if you know every girl friend France has?"

I uncrossed my arms and became alert all of a sudden. "Why?"

He shrugged. "Just realized something pagkatapos mo 'kong pagalitan."

Pinagalitan ko siya? Bakit parang ang sama naman ng labas ko sa binitawan niyang mga salita? Pinagalitan talaga?

"So?" siya na nag-aabang ng sagot ko.

I blinked. "Marami siyang kaibigang babae." sabi ko na lamang.

Tumango siya saka ako tinalikuran.

Watch my Step (Friend Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon