Nasisiguro ko na hindi lang dahil sa malamig na ihip ng hangin kaya ako nangangatal. May mas malaking dahilan pa kaysa sa malamig na klima. Marahil ay sa sitwasyong kinasasadlakan ko. Even the bonfire in front failed to send warmth in me.
The girl she's with tonight was different from the girl he's with at the coliseum. It's not Gwen either. But one thing is for sure. She isn't the kind of girl that could give me threats. I don't know if this is insecurity kicking in but I despise everything about her already.
Bumabagal ang pagnguya ko sa kinakain sa tuwing dumadapo ang tingin ko sa kanya. Sa bawat ipit niya ng buhok sa tenga ay gumagalaw ang magkabilang kilay ko at sa bawat tawa niya ay napapairap ako. I didn't bother to conceal my disdain for her kaya madalas ay naririnig ko ang pagtikhim ng mga kaibigan kong nakakahuli sa panghahamak ko sa estranghero.
"Step." this time, Raven can't take my behavior that he's to call me.
"What?" I spat.
"What do you think you're doing?" he silently asked. Ultimo si France na katabi niya sa kanan ay hindi maririnig ang sinabi. I just understand his sentence as I followed the movement of his mouth.
Bumalik ang tingin ko sa dalawa na nasa harapan ko. "I can detect bitch when I see one," sabi ko habang mariin ang ginawang paghiwa sa karne.
"And you're gonna bark?"
I looked at him, stupefied with his question. Samantalang siya ay patuloy lang sa paghiwa ng karne. Saka lang tumigil nang matapos siya, ang mga mata ay nanatili sa harapan, sa babae mismo.
"You know, the moment she agreed to eat with us make her come off as a low-class bitch," ani niya saka ako nilingon. "Don't stoop to barking cuz you're way superior than her. Show her some class."
I was lost for seconds before I let out a chuckle and made an eye-roll at him. I forgot that Raven has different ways to elevate one's mood. Sa huli ay inangat ko ang kamao para makipag-fist bump sa kanya. Hindi naman ako nabigo roon. We both smirked at each other as we bumped our fists.
My eyes accidentally drifted at Kai. He was taking a sip from his flute. I caught him watching my every move. He never wavered in defiance upon catching him. I got the will to lift my brow at him when he never left his eyes off me for a while now. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha nang kapangasahan na gawin iyon. Maybe bringing his new dog encouraged me to.
"You want this?" I heard Kai politely asked her company. Then, he began filling her plate with foods.
Bumagsak ang tingin ko sa basyong pinggan at bumuntong-hininga. Samu't-saring usapan ang naririnig ng magkabilang tenga ko pero mas nangingibabaw ang usapan ng mga nasa harapan ko ngayon.
Hindi ko na ikinagulat ang paglagay ni Raven ng mga paborito kong pagkain sa pinggan ko. I mouthed my "Thank you". Binalewala niya ang pagpapasalamat ko saka nagsimula nang kumain. This cold friend of mine is really something.
Maingay ang hapag dahil kay Rain, Aesthrielle, Alric at Harvey. They themselves serve as icebreakers for lighting up the atmosphere. Kung hindi sa kanila ay baka nagyelo na nang tuluyan ang buong hapag sa katahimikan ng karamihan. Tumatawa ako sa biro ni Alric nang mapunta ang atensyon ko sa katabi kong si Harvey na abala sa pakikipaglaro kay Joss.
"Oh, oh!"
He was cutely bouncing on his lap while laughing shrilly. Nang tumulo ang laway niya ay mabilis akong kumuha ng napkin sa mesa para ipunas sa labi at baba niya. The child giggled and gripped my finger with his cute hand kaya tumigil ako sa pagpunas. I stared at Joss and my chest flickered upon staring deeply into his brown eyes. Kai eyes resembled to his nephew's.
"Hala, Tep. May crush si Joss sa'yo." Harvey said when Joss winked at me.
"Gago." I said and threw the napkin at his face. Humalakhak siya at biniro pa ako sa anak.
"Ay pucha!"
Tumayo si Harvey nang maihian ng anak.
"Kuya, hindi mo pinalitan ng diaper?" I heard Hope asked his brother. Ngayong umalis si Hope para kumuha ng diaper ay wala pang tumatayo para tulungan si Harvey. Ako ang pinakamalapit sa kanya kaya ako na ang kusang tumayo at inihanda na ang kamay sa pagkuha kay Joss.
"Ako na ang magpapalit." presenta ko para makapagpalit siya dahil maging ang damit niya ay nabasa. Nang maibigay sa'kin ng kaibigan ang anak niya ay siyang pagtakbo niya pauwi sa bahay niya para magpalit.
"Marunong ka?"
Umangat ang tingin ko nang marinig ang boses niya sa gilid ko. Napagitla ako nang matagpuan ko ang mga mata niyang matalim na nakatingin sa akin.
"O-oo." kinakabahan kong tugon at umiwas ng tingin sa kanya.
"I doubt. Give him to me." akmang aabutin na sana niya ang pamangkin nang ilayo ko sa kanya. Napalunok ako nang makita ang gulat na gulat niyang mukha dahil sa ginawa ko.
"Ako na ang magpapalit ng diaper."
Umangat ang kilay niya. "Do you even know how?"
"Naks. Mukhang kulang pa yata ng atab rito! Gawa na tayo, mahal tas pahiram natin sa kanila." Rain giggled. Ace deep voice followed after.
"Ako na ang magpapalit." sabi kong muli at tinalikuran na sila para dalhin si Joss sa loob ng bahay. Nang makapsok ako sa bahay ay lumingon ako sa pinanggalingan ko. At sa halip na ang hapag ang makita ko ay ang pigura niya ang nakita ko na nakasunod sa'kin. Hindi ko inasahan na susundan niya ako rito hanggang sa loob ng bahay!
After putting Joss on the couch, I started taking off his shoes and shorts. Halatang kabado ako dahil nanginginig pa ang mga kamay ko habang ginagawa ko iyon! Sana ay hindi niya mapansin! Baka isipin niya na maging paghubad ng damit ng bata ay hindi ko alam.
"You have a substandard chair here. Wala pa bang naaaksidente rito?"
I looked at him, curious with what he's talking about. Ang upuan sa gilid ang tinutukoy niya.
"That's for display–"
"You can't always tell your visitors that this chair is for display only." mabilis niyang bato sa hindi pa humihinog kong rason. Hindi na ako nagsalita at tiningnan na lamang si Joss. Katulad ng Tito niya ay pinapasyal din ang tingin sa buong bahay. Ang kaibahan nga lang ay inosenteng-inisente ang tingin ni Joss habang siya ay mapang-mata. Hindi nga ako nagkamali sa iniisip nang magsalita siya.
"You should have put your stairs there instead so you could maximize the space in your living room."
I bit my lower lip, trying so hard to keep my mouth shut kahit pa gustong-gusto ko na siyang sagutin.
"Mali rin ang paglagay ng partition dito," ani niya at kinatok ang pader na humihiwalay sa living area at dining.
Gulat kong hinanap ang pinanggalingan ng kanyang boses. Ang bilis niya at nasa kusina na siya ngayon. Makalat doon dahil sa mga hugasin at iniwan lamang ang mga kalat habang nagluluto sila kanina. Kinarga ko si Joss at pumuntang kusina. Hindi pa man nakakarating ay may panibagong komento na naman siya sa bahay ko.
"Sa labas pa lang, pansin ko na ang daming kanto ng bahay mo. The materials you used were all manly."
He wandered his eyes around my dining and kitchen area before he nailed his eyes on me.
"Who designed your house?" he asked. Sa tono ng tanong niya ay mukhang sapilitan ang paghingi niya ng kasagutan. He looks like an inspector. A stern one.
"Si Ace."
Kumunot ang kanyang noo. "Ace?" Base sa ekspresyon ng mukha niya ngayon ay parang napakahirap paniwalaan na ang binanggit kong pangalan ang dumisenyo ng bahay kong pinupuna niya.
Noon pa man ay kinukuwestiyon ko na ang desinyo ng bahay ko pero nang tinatanong ko ang mag-asawa...
"I rejected three projects to prioritize this one and all I get is criticism from an irresolute client." He shook his head in dismay as he hastily rolled the blueprint. I was still in a petrified mood down to the way he handles misunderstanding with his client that I couldn't stop him when he walked out on our meeting. Yes! He walked out! Pakiramdam ko noong mga oras na 'yon ay napakalaking kasalanan ang nagawa ko. He's Architect Ace Alvarez after all.
Meanwhile, I asked Rain about my problem the same day. Pinakita ko sa kanya ang desinyo ni Ace. Hindi pa man nagtatagal ang tingin niya sa sketch ng asawa ay tumango na siya.
"Maganda tol. Basta ang asawa ko ang bumanat, maganda 'yan. Tingnan mo si Aesthrielle..." she dreamily sighed and then giggled. May pahabol pang palo.
Now, I'm remorseful why I relied too much on Rain's shallow perspective. I should have also known that Ace was only guilt-tripping me that day. Hindi ko alam kung ano'ng rason niya sa ilalim nito. Probably, he wants revenge for his dear bestfriend. How sweet. Tss.
"Mum, mum..."
Kumalas ang aming titigan nang hilain ni Joss ang damit ko na siya ring pagdating ni Hope at Harvey. Kaagad kong binigay kay Hope ang anak niya at lumabas na ng bahay. Nang makaupo ako ay siya ring pagdating niya sa mesa. Masama na naman ang tingin sa'kin.
After dinner, the guys are already up to drinking kaya ang round table naman ang inilabas nila't ipinuwesto malapit sa bonfire at grill habang kaming mga babae ay nagpaiwan sa mesa para kumain ng dessert. Kinausap namin ni Rain si Tita Audrina at Alaine habang si Aesthrielle at Eve ay ang kasamang aso ni Kai ang pinapatahol.
"I am very careful with my calories intake eh." dahilan niya nang umayaw siya sa alok na dessert ni Eve. Sa aming tatlo, tanging si Eve lang ang kumakausap sa kasama niya.
Rain and I stared at each other. Wala kaming sinabi sa isa't isa pero alam kong nagkakaintindihan kami sa tingin.
"Ganoon ba? Ang cool mo naman pala." at pinuri pa ng mabait na si Eve.
"Uh thanks?" she let out a fake laugh as her eyes went to the boys.
Sa pakikipag-usap ko sa mag-ina ay hindi ko mapigilang lingunin ang kinaroroonan nila paminsan-minsan. Sa mga nakaw kong sulyap sa kanya, pansin ko ang kaswal niyang pakikipag-usap sa mga kaibigan ko. Ganoon din ang mga kaibigan ko sa kanya. Hindi nagtagal ay humiwalay na sila ni Ace sa grupo. They're now both leaning against the wooden fence, in front of them is the vast ocean. I then wonder of what they're talking about.
After that night, I've seen him with another girl the next day. Him, going out with different girls became his favorite dose of medicine. Sa tuwing magkakasalubong kami ay ibang mukha na naman ang kasama niya.
Isang beses ay sa grocery store naman kami nagkita kasama ang bagong babae niyang kumakahol.
What? Ipinamimili na niya rin ngayon ang mga babae niya? That thought displeased me.
Gamit ang dalawang palad ay kinuha ko ang nakalinyang cup noodles mula sa estante at ibinagsak sa push cart. Mahigit singkwenta rin ang kinuha ko. Kumuha rin ako ng mga de latang tuna, sardinas at corned beef. Punong-puno ang cart ko ng mga ready-to-eat na pagkain.
After filling up my cart, I moved on to the cashier to pay for my grocery. Upon pushing my cart, I saw Kai standing in front of his cart. Nakatayo siya sa meat section at saktong madadaanan ko iyon.
Umangat ang kilay ko sa uri ng binibigay niyang tingin sa akin. I don't know if it is just one of my anticipations but I'm seeing curiosity in his eyes. I watched how his eyes went down to my cart. Wala pang isang segundong lumagi ang kanyang tingin sa push cart kong tulak-tulak ay kumunot na ang kanyang noo at umangat ang tingin sa'kin.
Ilang segundo pa kaming nagkatitigan at pakiramdam ko ay pinapagalitan niya ako sa uri ng pagtitig niya sa'kin, mariin at matalim. I swallowed hard and looked in front when I don't want to feed his gaze anymore.
Bumuhos ang napakaraming imahe niya kasama ang iba't ibang babae sa utak ko. I was positive that I don't feel jealous of him being with different girls but every time I see him being playful with his girls bothered me. Bigla ay gusto ko na lang ipagdamot ang ugali niyang iyon sa lahat. Parang mas gugustuhin ko na lang na makita siyang nakikipag sex sa iba't ibang babae kaysa sa makita ang pagiging mapagbiro niya sa kanila. Because that's where he got me.
"I think we should maximize the space here." the civil engineering technician under my supervision suggested.
Kung hindi ako siniko ni Jai ay hindi ko papaunlakan ang suhestiyon ng engineer. Nasa site kami ng buong team para tingnan ang development ng project.
"I'll consider that, but we have to consult Architect Almendarez first." sabi ko matapos pakinggan ang kanyang ideya.
Nagpatuloy ang pag-uusap namin tungkol sa construction habang sinisiyasat ang trabaho ng mga construction worker. Sumama na rin sa usapan ang foreman para sa katanungan ng mga kasama ko.
Tahimik lamang akong nakikinig sa kanila nang mapansin ko ang pagpasok ng pamilyar na sasakyan ni Pau sa site. Inaasahan ko na ang pagbisita niya rito dahil sa mga hinihingi kong dokumento at may kailangan din akong pirmahan para sa budget na siyang dahilan nang pagpunta niya rito.
Ngumisi ako nang mapansin ang pag-kendeng ng baywang niya habang naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. Mukhang gusto pang magpapansin sa mga kasama kong batang enhinyero. Humiwalay ako sa grupo para salubungin siya.
"My goodness, ang init dito." unang reklamo niya nang makalapit sa akin. Hindi sapat ang maliit na portable fan niyang dala para maibsan ang init na nararamdaman at kinailangan pang gumamit ng abanico.
Ala una ng hapon kaya tirik na tirik ang araw. I removed my bronze satin blazer before I started to monitor the worksite processes kaya ang terno nitong trouser at tube top ang naiwan kong suot-suot. I just can't handle the sun's heat with my blazer on.
"Anyway, just a heads-up Step, Architect Alvarez might pay a visit here one of these days." sabi niya habang abala ako sa pagpirma ng mga dokumento. Tumango ako at ipinagsawalang bahala ang pagbisita ng isa sa mga bosses ko. It's not that I have less respect for him or that he's not intimidating at all. Kung hindi ko lang siguro alam na nauuto siya ng kaibigan ko, baka kinakabahan na ako ngayon.
"And I've heard that the first batch of sturdy beams you've ordered wasn't the brand suggested by Architect Almendarez..."
Tumigil ako sa pagpirma at sinilip siya, kunot ang noo. "Bakit? Hindi mo ba alam?" he further asked.
"Hindi. Sino ba ang nagsabi?"
Hindi ko alam ang tungkol doon. I need to talk to the Engineering Manager. Maybe he's decided on that by himself.
Umiling si Pau at kinuha ang dokumento sa akin nang matapos kong pirmihan ang lahat ng 'yon. "Aba'y goodluck na lang sa'yo. Mukhang hindi maganda ang mood ni Architect kanina sa meeting." pananakot niya sa'kin bago umalis.
Hanggang makaalis si Pau ay nasa kanyang sinabi pa rin ang isip ko. Hindi ko na nasamahan pa ang mga kasama kong tapusin ang inspection. I went back to my office and rummaged through my desk work the det of the materials we've purchased. Nang mahanap ang dokumento ay kaagad kong nahuli ang discrepancies.
I tried to search the materials. This wasn't a big trouble since standard materials naman ang I-beams na kinuha ni Engineer Llavan. Aaprubahan ko rin ito kung humingi pa siya sa'kin ng permiso. Ang problema ay kung umaktong COO sa'kin si Kai since proyekto rin ito ng kompanya nila. Kaya bago ako umuwi ay sinadya kong puntahan ang opisina ni Engineer Llavan.
"This is just fine, Engineer. We widely used this brand and I assure you now, the quality is substantial. Hindi rin naman ito makakaapekto sa desinyo ni Architect."
Tumango ako at huminga ng malalim. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa narinig. I just need an assurance from someone that is good at logistic tracking. And Engineer Llavan here is credible enough for me to trust his grounds. I was nervous because this is my first big project and the least thing I want for it is to fail.
So, I have prepared myself the next day. Nakalatag na sa utak ko ang mga rason ko kung sakali mang bulyawan niya ako na inaasahan ko na talaga. Sa ginawa niyang pagpuna sa bahay ko noong nakaraan, hindi malabong mangyari ulit 'yon ngayon.
Sa tuwing may pumapasok na sasakyan sa site ay napapatigil ako sa pag-inspeksyon para tingnan ang mga lumalabas sa sasakyan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na iyong ginawa sa bawat sasakyang pumapasok.
Katulad kahapon ay hinubad ko rin ang blazer kaya tube top at trousers ang naiwang suot-suot ko ngayon. I also replaced my satin heels with white sneakers dahil mabato at mabuhangin ang nilalakaran namin.
"Engineer, meryenda!" isang kuwelang construction worker ang um-anyaya sa amin nang maabutan namin silang nagmemeryenda. Pinalo pa siya ng isa sa mga kasama niya sa tiyan at may binulong sa kanya.
"Engineer, nagpa deliver na ako ng pagkain para sa team. Baka darating na 'yon maya-maya." si Engineer Pacheco na nasa aking gilid. Tumango ako sa kanyang sinabi at hinarap ang mga nagmemeryenda.
Tatanggihan na sana sila ni Engineer nang lumapit sa amin ang kuwelang construction worker na may dalang tinapay at juice. I raised my hands in front of my chest and shook them along with my head.
"Hindi na, okay lang kami. Mag meryen–"
Hindi ko na natapos ang sasabihin nang nahulog siya sa'kin dahil sa pagkakapatid niya sa maliliit na bato. Nanlaki ang mga mata ko nang mawalan ako ng balanse at sabay kaming nahulog sa mabatong lupa, siya ay nakadagan sa akin. I muttered a curse so loud when I fell onto ground covered with stones.
BINABASA MO ANG
Watch my Step (Friend Series #4)
RomanceStatus: Completed Step, a stone-cold playgirl, had finally met her match when she intended to stomp her feet on the notorious playboy of St. Joseph. Never in her wildest dream had she ever dreamt that a match she started to play with will only burn...
