Chapter 22

4.4K 115 5
                                    

Step: 'Di ako uuwi ibig sabihin ay hindi ka rin uuwi?

"Tep, dalawang unan pa!" sigaw ni Alric mula sa living area. Nasa ikalawang palapag na ako ng bahay nang sumigaw siya.

May tatlong guestroom ang penthouse nila Harvey pero pinili ng lahat na matulog sa living area. Katulad ng ginagawa namin kina Alric, itinabi ang lahat ng furnitures sa salas para makalatag ng foam na kakasya kaming lahat.

My Architect: Bakit? Saan ka matutulog?

Step: Sa penthouse ng kapatid mo.

My Architect: Penthouse ni Harvey, you mean?

Step: Well, they're living together. Basically, bahay na nila 'to.

Pumasok ako sa bathroom. I started doing my night care routine. Kababasa ko pa lang ng kamay nang mag reply siya. Mabilis kong pinunasan ang kamay para makapag reply.

My Architect: Tss.

My Architect: Bantayan mo nga 'yang dalawang 'yan. Ilayo-layo mo kapatid mo sa kaibigan mo.

Napasinghap ako sa nabasa at napaangat ang isang kilay. Kapatid ko? Si Hope, kapatid ko?

With damp hands, I keyed in "Typo ka" before I placed my phone on the sink. Humarap na ako sa salamin para makapagsimula sa gagawin. I put an adequate cream on my hand and rubbed my hands together to create lather out of cream. Satisfied with the foam I made, I started washing my face. I was busy creating lather on my face when my phone dinged. I glanced at it, kaagad ding tinigil ang ginagawa nang mabasa ang reply niya.

My Architect: Type mo 'ko?

Kumunot ang noo ko.

My Architect: Don't worry, type rin kita.

"Shit." I cursed when the foam went in my eye! Mabilis akong naghilamos at nagpatuyo ng kamay. I grasped my phone and check our thread.

Step: Type kta.

Type kta. Type kta. Type kta.

Goddamit. Bakit iyon ang nasend ko?

Step: I mean typo ka!

My Architect: Huh?

Step: Kapatid ko, you mean.

My Architect: Oo, kapatid ko na kapatid mo na rin dahil asawa kita.

My Architect: So, typo ka rin.

Step: Yeah.

My Architect: Ibig sabihin pareho tayong may tipo sa isa't isa?

What?

My Architect: typo*

My smile quickly disappeared when I realized that I was smiling from ear to ear. Pilit akong umirap at kumuha ng dalawang unan sa cabinet, hindi pa rin inaalis ang mata sa cellphone. Ipit-ipit ko sa magkabilang kili-kili ang dalawang unan habang nagtitipa ng mensahe. We are now talking about Hope and Harvey.

Step: The two are inseparable. Magkayakap sila ngayon.

My Architect: Ilayo mo nga sa gagong 'yan ang kapatid mo.

I pursed my lips. Kanina ang smiley niya ang problema ko, ngayon naman ay ang "kapatid mo" sa mensahe niya.

Step: Tss. Ang protective mo. They already did more than hugging kaya ano pang silbi niyang pagiging protective mo?

My Architect: Why are we talking about this?

Tumawa ako nang may mapansin. Does it make him uncomfortable? If so, the more I will push this topic.

Step: Eh sa inuutusan mo 'kong paghiwalayin sila. For sure, mas maraming beses na nila iyong ginawa kaysa sa'tin. Imagine, gabi-gabi nilang ginagawa 'yon.

My Architect: Shut up.

Step: Hmm. Tinalo ka na ng kapatid mo, Kai.

My Architect: Shut the fuck up. Uuwi na 'ko. Don't text me kung ayaw mong ma-biyuda. I'm driving.

Aasarin ko pa sana ito nang makatanggap na naman ako ng lintek niyang I love you.

My Architect: I love you.

Umirap ako kasabay noon ang pagdako ng tingin ko sa living room. Lahat sila ay nakahiga na't nakatingin sa'kin kaya umangat ang kilay ko.

"Ten minutes," ani Rain habang nakatingin sa cellphone niya.

"Ten minutes kang bumababa ng hagdan. Sino ba 'yang ka text mo?"

"Of course, it's his boyfriend." si Hope.

I smirked at her. Lumapit na ako sa kanila at pilit na pumagitna sa gitna nila ni Harvey.

"What are you doing?" her brows furrowed.

"Dito ako matutulog." sabi ko at humiga na. Humarap ako kay Harvey na ngayon ay napapantastikuhang nakatingin sa'kin. Itinanday ko ang binti sa kaibigan at mabilis din iyong inalis ni Hope. Humalakhak ako at bumaling sa kanya.

"Hoy, kaibigan ko 'to!"

"But he's my boyfriend!"

"Matulog na kayo." France said. Kami na lang ang maingay na tatlo. Patay na rin ang ilaw kaya mas kailangan nang tumahimik, respeto sa mga natutulog at sa patulog pa lang.

"Oo, boyfriend mo kaya huwag kang tabi nang tabi rito. Buntusin ka nito, 'di ka natatakot sa kapatid mo?" pananakot ko na mukhang epektibo rin.

I smirked and hugged my pillow tight.

"Good night, Hope."

"Good night!" I laughed when she almost hissed it.

That's one of the peaceful nights I had.

Nagising ako kinabukasan sa hagikhik ni Rain at mahinang tawa ni Harvey. I opened my eye to take a peek on them. Mabagal na rumehistro sa isip ko kung ano ang ginagawa nila at kung bakit nila ginagawa iyon.

They're taking pictures of me. Then I heard Hope groaned near me. I almost cursed with our positions. She's hugging me. At iyon ang ikinatutuwa ng dalawa. Kami na lang ang natitira na nahihiga sa foam at si Aesthrielle kaya kami ang napagtitripan ng dalawang 'to.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay at binti niya na mahigpit na nakayapos sa akin. Ilang minuto ko iyong ginawa saka ako nakawala sa kanya. I yawned and ran my fingers through my long hair.

Wala pa ako sa wisyo nang iabot sa'kin ni Rain ang cellphone ko. Pumunta ako sa kusina at si Eve ang nadatnan kong nagluluto.

I sat on the high stool as I watched her prepare our breakfast.

"Tep, kape?" she offered as she put the pancake to the plate. Tumango ako sa kaibigan at inabot na ang tasa para makapagtimpla. Baka pagsilbahan na naman ako ng isang 'to.

Binubuksan ko ang cap ng kape nang mabuhay ang screen ng cellphone ko.

Kai Almendarez reacted to your story.

Kai Almendarez reacted to your story.

Ibinagsak ko ang jar ng kape at inabot ang cellphone. I manipulated the device and cursed Rain when I looked at what she did again. This time, it wasn't a video, she posted two photos.

It was me and Hope. My black and straight hair was sprawled on my white pillow. Mahigpit ang yakap sa'kin ni Hope. Saka ko lang napansin na pareho kaming nakasuot ng puting oversized shirt at cotton shorts. The other picture was me yawning. Ang laki ng butas ng ilong ko rito!

"Damn you Raniyah!"

I quickly deleted those. Nakakainis dahil ang bilis ni Kai at nakita niya agad. Wala ba itong ginagawang iba?

Kai Almendarez: Ang ganda naman ng mag-hipag na 'yan.

I rolled my eyes.

Kai Almendarez: Amoy na amoy ko hanggang dito ang hininga mo.

Step Saldiviar: Nang-iinis ka ba?

Kai Almendarez: Good morning, my wife :*

Step Saldiviar: Stop chatting.

I quickly changed my password. My friends and Aesthrielle know my password. I made my phone accessible to them since kuha lang sila nang kuha ng cellphone tuwing magkakasama kami. Wala naman akong pakealam dahil wala rin naman akong tinatago at alam kong hindi sila nagagawi sa mga messages ko since we all know our boundaries when we're borrowing personal things.

But there are really some instances na hindi maiiwasang maaaring malaman nila ang tungkol kay Kai, katulad kagabi. Unang beses iyong nangyari dahil ngayon din lang tumatawag at nagmemensahe si Kai ng wala sa oras. Usually, he left text messages before my bedtime kaya ang madalas niyang pagtawag at pagmensahe sa'kin nitong mga nakaraan ay nakakapanibago.

After taking our breakfast, we attended the Sunday mass. Maaga kami kaya nasa first and second row kami. Father started his sermon with a question:

"Kung tatanungin ko kayo kung ano ang pinakagamit na salita, ano ang inyong isasagot?" Father asked.

"Father, me! Me!" Aesthrielle raised her hand. Tumayo pa ito sa silya kaya kaagad na inalalayan ni Raven. Rain and Raven are trying to stop her dahil sila ang katabi nito but this kid was so enthusiastic. Kung saan pinipigilan ay doon mas nagiging agresibo.

"Granny said, I love you is the most overused phrase, Father!"

The church was filled with laughs because of Aesthrielle's recital. Father smiled at her, bakas sa mukha ang adorasyon para sa bata. He then started talking.

"Just like the kid said, I love you perhaps is the most overused phrase and yet we used to misinterpret its meaning..."

What Father has said struck me.

I love you.

Sa mga nakaraang araw ay maraming beses na niya iyong sinabi sa'kin, sa kanyang mensahe. At habang tumatagal ay mas napapadalas na. The way I see it, he says it so easily. But does he really mean it? Or maybe he's one of the many who used to misinterpret the meaning of I love you?

"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails." Father recited the grandest definition of love .

Does he really mean his I love yous?

I guess not. Napakalalim ng pag-ibig para sa isang katulad niyang napakababaw na tao. Baka nga kasing-dali lang ng pagbihis niya ng damit ang pagsabi niya ng I love you sa mga babae niya.

That thought made me snort.

"Bakit?" ang katabi kong si Alric. Nasa isang restaurant kami, kumakain ng tanghalian pagkatapos naming pumunta sa arcade para libangin si Aesthrielle.

Umiling lang ako sa kaibigan. Bumagsak ang tingin ko sa pagkain at handa nang kumain nang marinig ko ang bulong ni Hope sa kanyang nobyo.

"Jo, Gwen's in Spain pala."

"Oh?" Harvey, trying to be interested with Hope's news.

"Yeah, she's with Kai yesterday. Look."

"Gwen? Gwen Mendejar?" Eve asked.

Kumunot ang noo ko.

"Kilala mo siya?"

"Oo, sikat kaya siya sa Augustine dati. Achiever, maganda pa!" sumilip si Eve sa cellphone ni Hope dahil magkatabi rin lang naman sila habang ako ay kaharap sila. Sumilip na rin si Harvey na katabi ni Hope sa kabila't pinagkagulahan na nila iyon.

"Sila ba ng Kuya mo?"

"They're exes but I think, sila na ulit. Look..."

I bit my bottom lip. Marahan kong ginalaw ang kubyertos at kumain ng tahimik habang pinapakinggan sila. They're talking of Kai so freely dahil wala si Raven, France, Rain at Aesthrielle.

"Patingin nga ako!" Alric who's beside me snatch the phone from Hope's hand.

Sinipa ako ni Alric sa ilalim ng mesa kaya sinamaan ko siya ng tingin. He simply moved the phone to my sight for me to see the screen.

I saw my husband, arm was snaked on Gwen's back. They're sitting on a couch, smiling widely at the camera. Ang background ay ang dance floor na puno ng tao. Nasa isang club sila. Silang dalawa.

"Hindi nagpaalam sa'yo?" bulong ni Alric habang inaabot ang cellphone kay Hope.

"Umakbay lang, sila na agad?" he asked them.

"Mag-ex sila,"

"'Di puwedeng magkaibigan?"

Eve shook her head. "Go and tell that to marines. Kung ganyan na sila ka close, 'di puwedeng magkaibigan lang 'yan."

"Malandi ang Kuya mo Hope kaya baka isa lang 'yan sa mga babae niya."

"Gwen's different. Besides I'm fine with that. I can feel that she's gonna be my sister in law-"

Malakas na napaubo si Alric. Ang gago ng isang 'to. Wala namang kinakain o iniinom, nasasamid.

"Hoy, hoy, tumigil na nga kayo. Nandiyan na si Rain." banta ni Harvey kaya mabilis na umiba ang paksa.

Tumriple ang ingay ng grupo dahil kumpleto na kami habang ako ay hindi na makasabay sa usapan nila.

"Okay ka lang?" Alric asked me once again. I can tell that he's deeply concerned with the tone of his voice.

I smirked and shook my head. Telling him that I'm okay will only mean that I'm not to him kaya sinabayan ko ng arte ang kasinungalingan.

"Masakit lang tiyan ko." I said and made a frown. Hinawakan ko rin ang tiyan ko at namilipit sa sakit.

"Huwag ka nang kumain nito," ani niya at inilayo ang pagkain at inabutan ako ng tubig.

Watch my Step (Friend Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon