"Engaged na kami Tep!"
Harvey almost choked me when he spilled the news to us. Nakatambay kami sa bakuran ng katatapos lang niyang bahay. Pareho kaming nakaupo sa hood ng sasakyan habang sina Eve, Raven at Alric ay nakahiga sa bubong ng sasakyan, tahimik na pinagmamasdan ang kalawakang puno ng mga bituin. Rain and France on the other hand are in charged of the food.
Pabiro akong umirap sa kaibigan, kunwari ay hindi natutuwa sa balitang inihatid. When the truth is, I am very much happy for him. Mapapantayan ko pa ang saya niya kung hindi ko lang ito kinikimkim.
I watched how his eyes full of expression illuminated by the fire coming from the bonfire near us. I've never seen him this happy. Somehow, his happiness terrified me. Even happiness nowadays comes with a price.
A week after his engagement, Deogracias Almendarez has passed away. Nasa trabaho ako noong matanggap ko ang balita. Ang unang pumasok sa isip ko ay si Kai.
Bilang lang sa mga daliri ang pagkikita namin ng Lolo niya at sa ilang beses naming pagkikita, I didn't grab those chances to introduce myself as his grandson's wife. Hindi ko inakalang makakaramdam ako ng panghihinayang ngayon.
Pagkatapos kong matanggap ang address ng hospital ay bumaba ako sa basement. I was trying to call him but he's unattended. Nang nasa basement na ako ng gusali ay saka ko lang naalala na magkasama nga pala kaming pumasok sa trabaho ngayon. I didn't bring my car!
Babalik na sana ako sa taas para manghiram ng sasakyan ni Jai nang bumukas ang elevator at iniluwa noon si Lawrence. Tumango lamang ako sa kanya at handa nang pumasok sa loob ng elevator nang harangan niya ang daraanan ko.
I looked at him with creased forehead.
"Pupunta kang ospital?"
Hindi agad ako nakasagot kaya dinugtungan niya ang sinabi.
"Puwede kang sumabay sa'kin. Doon din ang punta ko."
I was hesitant a bit but damn, wala na akong pagpipilian ngayon. Gusto ko na lamang makarating sa kanya.
Buong biyahe papuntang ospital ay okupado ang isip ko. Hindi ko na nagawang magpasalamat kay Lawrence dahil sa pagmamadali. Natigil lang nang makita siyang nakaupo sa nakalinyang upuan sa gilid ng corridor ng ospital.
Nawala ang pag-aalala nang makita kung sino ang kasama niya. I gritted my teeth and neared them without ado. Sabay silang umangat ng tingin nang unang makita ang sapatos ko.
I glared at Gwen before my eyes rested at him. My anger subsided when I saw his bloodshot eyes. Saka lang umimik ang hinagpis at pagtangis ng pamilya Almendarez sa paligid na para bang kanina ay pipi sa aking pandinig dahil sa nakita kong distansya nila ni Gwen.
I sighed and calmed myself.
"I want to talk to Mr. Almendarez." pagtataboy ko sa babae.
Kunot-noong bumaling ito sa'kin. Tiim bagang kong tiningnan ang kamay niyang namamahinga sa kandungan ni Kai. Galit ko siyang tiningnan at mas lalo pang nagalit nang makitang wala siyang balak alisin ang kamay ni Gwen sa kanyang hita.
"Kung trabaho iyan, puwedeng ipagpaliban muna, Miss Saldiviar."
Now I'm fully regretful why I opted to keep our relationship a secret.
I glared at her. Walang balak ikubli ang iritasyon na nararamdaman sa kanya. Kai immediately noticed it kaya tumayo kaagad ito at nagpaalam kay Gwen. Tinalikuran ko na sila at nagsimulang maglakad patungong elevator.
Mas lalo lamang akong nairita dahil ang tagal pa niya bago nakasunod sa'kin sa rooftop. Ang pagsindi ko sa sigarilyo ay naantala nang bumukas ang pinto ng rooftop.
"Ano'ng pag-uusapan natin?"
Kung may idadagdag pa ang iritasyon ko sa kanya ay nasa sukdulan na ito ngayon.
"Why are you always with her?"
I should go easy with him. Kamamatay lang ng Lolo niya. Hindi ko na dapat pa nililibang itong galit na nararamdaman ko pero sa tuwing naaalala ko sila ni Gwen, kung gaano sila kalapit sa isa't isa at mas lalo pang lumalapit habang tumatagal ay hindi ko mapigilang magalit ng lubos.
"Ano naman sa'yo?"
My brows furrowed. His question along with the tone of his voice caught me off guard.
Masama ang tingin niya sa sigarilyong nakaipit sa daliri ko. It forced me to light it up and smoke. He mumbled something and put his hands in his pockets.
"Ano naman sa'yo kung malapit ako sa kanya?" he repeated and took a step forward.
"You never acknowledge me as your husband anyway–"
"Pero hindi ibig sabihin noon na puwede ka nang maghanap ng iba." malumanay kong wika na ikinaawang ng labi niya. Maging ako ay nagulat din sa sinabi.
"How can you say that when all you did is to be with other men?"
Hindi ako nakaapila sa atake niya.
"You're gonna leave me in no time kaya ano sa iyo kung malapit ako sa sinumang babae? Huh?"
My lips parted with what he said. Kung noon ay mapili pa ito sa mga salita at maingat sa pagbigkas, ngayon ay parang nawala na ang iniingatang pagtitimpi.
"But you're married."
"May nakakaalam ba maliban sa atin?"
My heartbeat stopped when I caught his tear fell. I gasped when tears stream down his cheeks.
"Kahit si Lolo ay hindi alam na kasal na ako, Step. I remained this marriage a secret because I respect you." he heaved and tilted his head to the side.
"Putang inang respeto 'yan."
My lips trembled. Ngayon ay hindi na ako makatingin sa kanya ng diretso. Sa isang iglap ay nawala lahat ng galit ko. I have no shame to vent my anger on him when in fact, he's more reasons to be angry.
"Let's talk about our annulment after Lolo's wake. Umuwi ka na muna sa ngayon." he said before he left. He's a lot to say but he decided to end it.
Ang tanging rason kung bakit ako nagmamadaling pumunta rito ay para damayan siya. Hindi ang umuwi sa wala. I didn't know I'd lose my cool when I see them together again. It's just maddening when someone has taken your seat.
About the annulment, I didn't expect that he'd take it seriously. I have brought that up in our last fight because I was extremely confused and furious. Even putting their names in a sentence can already lose my cool. Ano pa't ang makita silang magkatabi palagi.
A day after his death, Jo and Hope met this misfortune. We all blamed ourselves for that. Alam naming may problema kay Harvey pero nanatili kaming bulag.
I also blamed myself for it dahil kahit na alam kong may problema sa kanila ay wala akong ginawa just because I don't want to meddle with his problems. But I tried. I talked to Harvey, hoping that a serious conversation with him would wake him up. I was trying to validate that I'd done enough, that I did my part.
I respect him so much that I can't just interfere with his decisions kahit alam kong mali na. I was also complacent that the two alone could resolve their problems without my intervention but it was another stupid decision of mine.
Mahal na mahal ko siya kaya hinayaan kong magpakabulag siya sa maling gawain niya. Just like my mother's to my father and Kai's to me. Just like Hope's to my dear friend. And as you can see, getting blinded by love would make you fool and miserable.
Blind.
Tahimik akong humikbi at umiling. Hinihiling na sana ay panaginip na lamang ang lahat ng ito. Nangangarap na pagmulat ng aking mga mata ay magising na ako sa bangungot na ito. Ngunit ni isa sa lahat ng mga nais kong mangyari ay walang natupad. I'm still at the rooftop of the hospital. Dito ko piniling tumakbo pagkatapos malaman ang kondisyon ng kaibigan.
Pinuno ko ng hangin ang baga at pinukpok ang sariling dibdib. My knees are trembling. Maging ang pagtayo ng matuwid ay hindi ko na magawa. Sumandal ako barandilyang gawa sa salamin upang makakuha ng suporta.
Hindi ko na alam ang mangyayari pagkatapos nito. Galit na galit ang mga magulang ni Hope sa nangyari. Even Kai's rage is already at the summit. Kung mayroon mang pumipigil sa kanyang patayin si Harvey, iyon ay ang takot na magkasala sa Kanya.
"Maiiwan muna si Rain at Ace. Mamayang ala una, papalit si Eve at Alric..." France was plotting our schedule. We all listened to him. Sa ganitong paraan na lamang kami makakatulong sa kaibigan. The news must have surprised him.
"Pre sabay ka na sa'kin." bulong ni Alric kay Eve na agad namang tinanguan ng huli.
"Ikaw Tep, dala mo kotse mo?"
Tumango ako kay Alric at tumayo na para makapagpaalam. Bukas ng alas singko ay kami naman ni Ry ang magbabantay sa kanya. We can't just pass this responsibility to Hope. She had been through a lot. For her to stay with him regardless of what had happened to her was already too much.
"Uuwi na 'ko." paalam ko sa kanila at tinalikuran na silang lahat.
"Ry, sundan mo nga hanggang makauwi." I heard Alric said. "Halatang lutang baka mapaano pa sa daan."
Habang pauwi ay iniisip ko ang bubungad sa akin sa bahay. Kai was disrupted of what had happened to his grandfather and to his sister. At alam kong ikagagalit niya ng labis ang ginagawa ng kapatid niya ngayon. Our fights the past days were all about Harvey and Hope. Hindi niya ikinubli ang pagkamuhi sa kaibigan ko at naiintindihan ko siya roon. I know where he's coming from. Nagkamali si Harvey pero ang hilingin na sana ay namatay na lang ang kaibigan ko ay sobra-sobra na. That's why we always ended up fighting because I was always defending my friend.
Raven saw me to my basement. Nang makitang naiparada ko ang sasakyan ng maayos ay saka lang ito umuwi. I punched the passcode of the penthouse and the door clicked open. I pushed the handle, was met by the deafening silence of the entire penthouse.
Pasado alas diez na ng gabi kaya nakakapagtaka kung bakit wala pa siya. I dug my phone in my bag and called Tita Geneva. Mapapanatag lang ako kung nasa bahay nila si Kai. The phone was ringing when I heard giggles upstairs. Awtomatikong umangat ang tingin ko sa ikalawang palapag.
"Kai,"
Sandali akong natigilan nang marinig ang tinig ni Gwen sa itaas. I shivered when my mind was corrupted by bad ideas. Nanginginig sa antisipasyon akong umakyat sa hagdan at mas lalo lamang nagngitngit sa galit nang marinig ang tawa nito at tinig ng asawa.
Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto niya. Ang kanina pang pinipigilang hininga ay kumawala nang makita ang ayos nila. Hindi ko alam kung ikakaluwag ba ng pakiramdam ko ang natunghayan.
Gwen's getting him dress up. She's fully clothed but that isn't something I should be relieved for. I can't just calm down because I didn't catch them fucking. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanila habang nasa ospital ako.
She took a quick glance at me. Sabay kaming bumaling kay Kai nang umungol ito. His eyes were closed. Kung titingnan ay tulog na tulog ito, hindi na pansin ang mga nangyayari sa paligid. Pumasok ako sa loob.
"You're here." she casually said like my presence in his penthouse didn't surprise her. He tucked him in bed after she dressed him up. Tumayo ito at hinarap ako.
"What are you doing here?" Furiously I asked.
"Your husband is drunk, obviously." she chuckled and took a glance at him like being with him 24/7 isn't enough to quench her thirst. "Sinamahan ko lang dahil wala ka naman lagi sa tabi niya,"
Kumunot ang noo ko, pilit itinatago ang pagkagulat sa kanyang sinabi.
She knew.
Sinabi niya?
Lumingon ako kay Kai na mahimbing na ngayong natutulog sa kama.
"Don't be too surprised that I know." she waved her hand and grabbed her bag from the side table.
She walked to me and gave me a smug look. Lalagpasan na sana niya ako nang hilain ko ang braso niya. It made her lose her balance.
"What the hell?!"
My grip on her arm tightened. She winced when my nails dug into her skin.
I gritted my teeth. "Did you two fuck?" I asked blatantly.
Suminghap ito at marahas na inalis ang kamay kong nasa kanyang braso. I let her go when she smirked at me. Parang tinakasan ako ng dugo nang makita ang pagmamayabang sa kanyang mga mata.
"For your information Estefania Saldiviar, I don't fuck and tell." wika niya at umalis.
It took me seconds to absorb what she said. Pinalis ko ang luha at tiningnan ng masama ang mahimbing na natutulog na asawa.
Mabilis ang bawat galaw kong sinundan si Gwen. Sa basement ng tower ko siya naabutan. I ran to her and pulled her hair when it's already near my reach.
"Aah!"
Kinaladkad ko siya hanggang makarating kami sa sasakyan ko.
"You know too well that he's married and yet you still fuck him." I spat and push her to my car. I continuously slapped her. Tumigil lang nang makitang namumula na ang kanyang pisngi.
"It's your fault. You're being a cruel wife to him."
I slapped her again. "That won't justify of you being the other woman."
"Well yeah. Maybe you're right. Being a cruel wife won't uphold my behavior but still, it is your fault."
Tumayo ito ng tuwid at nakipagsukatan ng tingin sa akin.
"Kasalanan mo kung bakit ka nawawalan. You disposed him–"
"At basurera ka na ngayon?" I scowled.
"I don't care. Know what, I should be thankful that you disposed him. It's like I have found gold in the trash. Gold that you casted away."
She crossed her arms and eyed me in contempt.
"Sino kaya ang mas tanga sa ating dalawa? Ang magnanakaw at basurerang sinasabi mo o ikaw na may mga mata pero hindi makakita?"
BINABASA MO ANG
Watch my Step (Friend Series #4)
RomanceStatus: Completed Step, a stone-cold playgirl, had finally met her match when she intended to stomp her feet on the notorious playboy of St. Joseph. Never in her wildest dream had she ever dreamt that a match she started to play with will only burn...
