"Engineer!"
Mabilis ang paghatak nila sa construction worker na nakadagan sa akin para matulungan akong makatayo. Nakangiwi ako habang tinutulungan nila ako. I heard two of my engineers was scolding the worker pero wala na roon ang atensyon ko.
"Ayos ka lang?" tanong sa'kin ni Jai habang pinapagpagan ang damit kong nadumihan. Humingi na rin siya ng tissue para mapunasan ang nabasa kong damit dahil sa natapong juice na dala ng lalaki.
"Hindi." I grunted. My team circled around me. Tulong-tulong sila sa pagpagpag ng dumi sa damit ko at pagpunas sa balikat at dibdib na nabasa.
"Okay na." sabi ko sa kanila at nagpasalamat.
Jai put his hands on my back to guide me to my office. Nakasunod din ang ilan sa likod ko habang ang ilan ay nagpaiwan pa. Kunot ang noo ko habang pinupunasan ang nabasang top. Kung hindi sa malakas na lagapak ng pinto ng sasakyan ay hindi ko malalaman na may mga bagong dating pala.
I stopped when I see four of architects at one time in my working site. Ace, Julian, Arthie and Kai are walking to our direction like they own the entire place. Kulang na lang ay lumuhod kami para tanggapin sila nang malugod.
Nilagpasan ng aking tingin ang tatlo at nang mahanap ang kanya ay nanatili. Katulad ng inaasahan, walang pinagkaiba ang tingin na ibinibigay niya sa'kin ngayon sa mga nakalipas.
May kung anong pinagtatawanan si Arthie habang nakatingin sa kanya pero nilagpasan niya lamang ito, busangot pa rin ang mukha. Bumagsak ang tingin niya sa damit ko at kung may ikakabusangot pa ang kanyang mukha ay nasa hangganan na ito.
My suit was ruined, madumi at may parteng basa kaya alam kong napakapangit ng ayos ko ngayon. Umangat ako ng tingin at kaagad kong nahuli ang kanyang mga mata. His lips twisted dangerously. I bit the inside of my lips and looked at his unfamiliar set of earcuffs instead.
"Architect Alvarez."
"Architect."
"Good afternoon Architect."
Rinig ko ang kanilang palitan ng pagbati habang ako ay natuod lamang sa kinatatayuan at maging ang pagbuka ng bibig ay napakaimposible na rin sa kasalukuyan.
"We'll continue the inspection." bulong ni Jai at bago pa ako sumang-ayon ay humiwalay na siya kasama ang iba pang engineer.
"Hi, Engineer." Julian said.
"One of the boys. Nice." Arthie whistled. His eyes fixed on Kai as if he's waiting for something to happen.
Bumaling ako sa kanyang tinitingnan at halos mapaatras nang humakbang siya ng isang hakbang palapit sa akin. Akala ko ay hanggang doon lang at wala nang balak na lumapit pa ngunit nabigo ako roon. Hindi ito tumigil hanggang isang talampakan na lang ang layo niya sa'kin.
His presence pierced through my skin. Umabot hanggang buto at ramdam ko ang panghihina noon. He casted a very dangerous look at me that made my eyelids flutter. Isama na ang mabilis na pagtahip ng dibdib ko.
"Where's your office?"
I gulped and hypnotically pointed my office without ado. One sidelong look and he turned against us. Wala sa sarili kong pinagmasdan ang pagmartsa niya papuntang opisina.
"Hala, ano'ng ginawa mo Engineer?" Arthie teased me. Nawala saglit ang atensyon ko kay Kai at napunta sa kaibigan niya. Sinamaan ko siya ng tingin saka sila iniwan para sumunod kay Kai. May ideya na ako sa ikinagagalit niya at praktisado ko na ang mga sasabihin ko.
Kakatulak ko pa lang sa pinto ay nagsimula na siya.
"First of all, what are you wearing?"
Kumunot ang noo ko. Una sa lahat, hindi ko rin inaasahan na iyon ang kanyang magiging panimula. Mukhang matatapon pa ang lahat ng in-ensayo kong mga linya kahapon kung ito ang pagdedebatehan namin.
Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para magsalita ay may panibago na naman siyang binato.
"What? Kasama ba sa objectives mo ang mang-akit? Don't you know about professional ethics?"
My jaw dropped.
"Excuse me Architect but what I'm wearing is suit. I just removed the blazer–"
"Yeah, buti pa ang upuan pinasuutan mo pero hindi ang katawan mo." He snorted and tilted his head to the side. Mukhang may sasabihin pa pero pinili ang magmura.
My forehead creased even more when he went behind my leather chair and hastily pulled my blazer. The next thing I knew is that it landed onto my face. Great.
"Wear it."
"Madumi–"
"Yow!"
Bumukas ang pinto at pumasok ang tatlo pang arkitekto. Nagkatitigan kami. Sa huli ay wala akong nagawa kundi suutin ang blazer dahil sa talim ng tingin niya sa akin.
"What are you two doing here?" tukoy ko sa dalawa.
"Grave, I miss you too Engineer." Arthie said and sat on the couch.
Umirap ako sa kanya at umupo sa upuan ko. Ang totoo, I'm not really close with the two kaya hindi ko alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha ang dalawang 'to.
Bumaling ako kay Ace dahil alam kong siya lang ang may magandang sadya rito. He removed his back from leaning against the door and neared the couch.
"I need the structural layout of the first floor."
"All right."
I quickly opened my computer and clicked my favorite computer aided drawing program. Habang hinahanap ko ang file ay nagsalitang muli si Ace.
"And... you changed the I-beams?"
Napapikit ako. This is it. Alam kong magsisimula na ang diskusyon tungkol doon.
I maintained my strong facade and nodded my head.
"Engineer Llavan suggested it."
"And you approved it immediately?" Kai scornfully said.
"It will take some time if we're going to import the I-beams that you want. It'll also compromise the target date I promised to Mr. Zafra. Saka mas makakatipid kung ganoon." sinabi ko ang lahat ng 'yon na ang buong tingin ay nasa monitor.
"Hindi tayo nagtitipid dito."
Itinigil ko ang paghahanap sa file at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.
"What I'm saying is cost-effective."
"You should have known better that the safety of the resort comes first before anything else."
Napasinghap ako. Hindi na nakayanan at tiningnan siya. "We're just making substitution here, Architect. Don't make it as a big deal."
He rolled his tongue over his lips making them glossy and moist before he speaks. "Replacing my preferred brand by another brand of dissimilar quality isn't substitution."
"That's a substantial material–"
"Still, a low-class one." he smirked.
Umangat ang kilay ko. "Are you implying that local brands are all substandards?"
"Wala akong sinabing ganyan. Ang akin lang, you should have at least respected my suggestion as your boss."
Damn. Sinasabi ko na nga ba!
"Well, I'm sorry. Trabaho mo 'yon? Engineer Llavan is an engineer. He knows what works and what doesn't."
"Well, I'm an engineer too in case you didn't know."
"Yown!"
Umirap ako sa paniningit ni Arthie. Kanina ko pa naririnig ang hagikhikan nilang dalawa ni Julian sa couch habang si Ace ay tahimik lang na nakikinig sa usapan namin.
"Our target is to surpass expectation for every infrastructures we develop. Paano natin magagawa 'yan kung binababa mo ang iyong kalidad bilang engineer?"
Mas lalong nadepina ang kunot sa aking noo. Why does his question sounded so different to me?
"You know what dude," He looked at Ace as he jerked his head, pointing my direction. "You've made a mistake in getting her as an engineer on this project." walang inhibisyon niyang sabi na ikinagitla ko.
Unti-unting nawala ang kunot sa aking noo. Naglaho ang pagtataka at napalitan ng blangkong ekspresyon ang mukha.
That was a below the belt attack. It was an offense to my profession. Gusto kong manlaban pero wala akong mahanap na salitang maaaring matumbasan ang kanyang sinabi at alam ko kung bakit.
Kai arched his brow like he's waiting for my counter but I decided not to. I pushed myself down to my chair, wried in pain. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit sa katawan sa pagkakabagsak ko kanina.
Maging ang dalawa na hindi matahimik, ngayon ay wala nang masabi. Kung saan mas kailangan ko ang ingay nila saka sila tatahimik. Sa unang pagkakataon, nakahanap ako nang pagkabalisa sa katahimikan.
Mabilis kong nahanap ang file at kinopya iyon sa drive. I gripped my bottom lip with my teeth, trying to distract myself and delay what's inevitable. Nang matapos ay binunot ko ang flash drive at inilapag sa desk.
"Just call me when it needs revision." sabi ko kay Ace at tinalikuran na sila. Sinubukan kong abalahin ang sarili sa mga papel na nagkalat sa mesa. At the same time, pinapakiramdaman din ang mga taong nasa likod. Nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto ay saka lang ako umangat ng tingin.
I rested my elbows over my desk and covered my face with my hands. I know I deserved his hate. I said to myself before that I'd man up my mistake pero hindi ko maipapangako na hindi ako maaapektuhan at masasaktan sa lahat ng mga ibabato niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Watch my Step (Friend Series #4)
RomanceStatus: Completed Step, a stone-cold playgirl, had finally met her match when she intended to stomp her feet on the notorious playboy of St. Joseph. Never in her wildest dream had she ever dreamt that a match she started to play with will only burn...
