Chapter 37

14.6K 235 9
                                        

Hindi na bago sa akin ang mapagalitan at masigawan kaya madali na lang para sa'kin balewalain ang mga sinabi niya. It takes lots of effort for me to get wounded by a mere scolding.

Pero ang mga nararamdaman ko pagkatapos niya akong pagalitan, parang baguhan kamo na nabulyawan. I took it seriously and deeply that I was almost at the edge of crying before I could finally stop myself from turning to a crybaby.

I sighed and changed the gearshift as I drive my car at full speed. I stared out at the window of my car, pinagmasdan ang buwan at hinayaang isipin na inihahatid ako nito pauwi. Ang taas ng buwan ay implikasyon na inabot na naman ako ng dalawang oras sa pag-o-overtime.

My attention from the moon went to my phone when I heard it ding. Kanina ko pa sinasagot ang mga mensahe ng mga kaibigan ko na pupunta ako. Sa site pa lang ay binabaha na ako ng mga mensahe at tawag nila.

Kanina pang alas singko ang simula ng rehearsal para sa kasal ni Hope at Harvey, natatapos ng alas otso. Kaya mayroon na lang akong isang oras mahigit para makapag-practice.

I know he's there. Sa wedding rehearsal na lang kami nagkikita at wala na sa site matapos noong huli. At kung iyon ang paraan niya ng pag-iwas sa'kin, kung iniiwasan man niya ako, that was fine with me. Hindi rin naman ako nagpapapansin sa kanya. Less encounter with him means less opportunity of getting scolding from him which is good to my well-being. I tend to overthink when it's him and overthinking is just another ill I want to get rid of in me.

Ngunit ang hula ko ay nagkasala nang makita ang pangalan ng kapatid sa halip na ang sa mga kaibigan. I slowed down my car before I answered his call.

"Luke,"

"Where are you?"

Nagtabi ang aking kilay habang nakatingin sa daan pero ang isip ay nasa tanong ng kausap. Hati ang atensyon sa pagmamaneho at sa kausap.

"I'm driving. Kakaalis ko pa lang sa site at–"

"Si Dad, inatake."

I let out a curse as I made a 180 degree turn. "Papunta na 'ko."

My heart throbbed, picturing in mind my father gasping for breath. Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ang gearshift at mas binilisan pa ang pagpapatakbo sa sasakyan.

My father had his first heart attack two years ago. The annulment initiated him to have one. Idagdag pa roon ang pagkasira ng mga pamilya namin dahil sa ginawa kong kataksilan kay Kai. Tita Geneva and Tito Nick hated my whole family because of that.

Now, my father despises me to the brim. Kung noon ay galit siya sa pagiging suwail kong anak, ngayon ay napakasama sa kanya ang buong pagkatao ko. Mentioning my name and appearing in front of him conduce to discomfort him that could lead to heart attack kaya tuwing tulog ko na lang siya nakikita o 'di kaya'y tinatanaw sa malayo.

"What happened?" tanong ko sa kapatid nang maabutan siyang karga-karga ang natutulog na anak sa puting corridor ng ospital.

A tall, attractive and respected man in his three piece suit reigns in the corridor. With his posture and the air he possesses, you can easily predict what kind of work he has. Luke's already a licensed attorney pero hindi iyon ang trabaho niya. He has to sacrifice his profession so as to take care of our family business. Wala siyang pagpipilian dahil kung sa akin ay wala silang maaasahan.

"The usual. Sinubukang magtrabaho. Extreme fatigue." he sighed and tilted his head to the door in front of us.

I swallowed hard and looked at the closed door. "How is he?"

"Bumalik sa dati. Stuttering, madaling mawalan nang balanse tuwing naglalakad..."

I bit my lower lip when self-reproach crept in my system like an acid.

Watch my Step (Friend Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon