Chapter 32

14K 275 25
                                        

The sound of the nail piercing through my chest overpowers the crowd's noise around me. Sa bawat pukpok sa aking dibdib kaakibat ay kirot sa akin. Habang naninirahan ang paningin ko sa kanila ay palalim nang palalim ang pakong sumasaksak sa akin. Ayaw papigil hanggang sa ako na mismo ang bumitaw, umaasa na agarang mawawala ang kirot na nararamdaman kung hindi ko sila titingnan.

Panandaliang nawala ang aking atensyon sa nakita nang mapansin ang mga kaibigang nakapaligid sa akin, ang mga mata ay naninirahan sa akin. Before I can put my mask on, they quickly averted their gaze and acted like they weren't waiting for my reaction the whole time.

"Hmm! Ang galing no'ng number nine!" Eve declared as she pointed at the player with ninth number on his shirt. Ang ilan sa mga kaibigan ay umaktong interesado sa pinupuna nito gayong alam ko rin naman na iniiwasan nila na mahuli ko ang kanina'y ginagawa nila.

Handa na akong umakto nang may sumulpot mula sa likod at tumabi kay Eve. Sa isang daplis lang ng tingin sa bagong dating ay alam ko na ang boyfriend niya ito. I immediately recognized him with his outfit. Hoddie, cap and sunglasses. These three defines him surely.

"Saan?" his songlike voice reached my ears.

I smirked when Eve jumped off out of surprise. Nasa likod nila ako, pinapagitnaan ni France at Harvey kaya kitang-kita ko ang nanlalaki nitong mga mata. Base sa reaksyon nito ay hindi niya rin inaasahan ang pagdating ng kasintahan.

"Saan ang magaling diyan?" umuklo ito para mapantayan ang tangkad ni Eve. He angled his head to the side dahilan nang pagtama ng kanyang ilong sa pisngi ni Eve. Tiningnan ko si Raven na katabi ni Eve. Mahinang tawa ang kumawala sa akin nang mapansin ang pagiging stiff nito lalo.

Then my eyes went to the two who're standing beside me. I groaned when I captured France's adam's apple moved while he's trying to maintain his vision straight to the court. Harvey, on the other hand, is currently in meditation. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang mga reaksyon nila sa tuwing nakikita nilang malapit sa lalaki si Eve maliban sa kanila. Kung may pumipigil man sa kanila na paghiwalayin ang dalawa, iyon ay dahil sa titulo ng lalaki sa buhay ni Eve.

Maybe the reason why they're being overprotective to her is the knowledge that she's been through in a lot of pain. Hindi man kita sa kanyang kaanyuan dahil sa pagiging mabait at tahimik, pero kaibigan niya kami. Isang kibot lang ng isa sa amin, malalaman namin agad kung may problema man sa isa sa'min.

I observed the two exchange whispers to each other. Hindi katulad kanina ay nakaupo na sila sa upuan, walang pakealam sa nagaganap na laro. Rinig ko ang paghugot ng malalim na hininga ng dalawa nang dumantay ang kamay ng lalaki sa baywang ni Eve at hinila siya palapit sa kanya, tila kinukulangan pa sa lapit nila sa isa't isa.

My eyes wandered away from them when their intimacy escorted me to the scene I have seen earlier. Sa huli ay hindi rin naging epektibo ang kaagapan ko dahil kahit anong iwas ko ng tingin sa magkasintahan ay hindi pa rin makitil ang buhay ng alala niya sa isipan.

My envy of Eve's love life is as fast as the fireworks rocketing to set off into the sky. Habang pinagmamasdan ko sila ay namumulaklak ang matinding paghangad sa aking dibdib na magkaroon din ng kung ano ang mayroon ang kaibigan ngayon.

A man who will always stare at you like you're his walking serenity and satisfaction. Dahil iyon ang nakikita ko sa lalaki ngayon. Noong mahuli ko siyang bumuntong-hininga habang tinitingnan ang kaibigan ko. It gives me an implication that feeling gratitude isn't about settling for less. He has just found the person that would put him at peace in this lifetime.

Bakit ang bilis makaramdam ng inggit sa kasiyahan ng iba? Watching people succeeding is either good and bad thing to me. But of course, what I always wanted is to feel good with the successes of others, be it in career or love. Pero hindi ko rin mapigilan ang sariling makaramdam ng inggit. It isn't healthy I know. But I can't just help wanting the things I once have had.

I smiled with pure rue when I think of him again. It's so true that you'd really find one's value once you lose them.

I then wonder... kasama ba talaga iyon sa proseso? That you really have to undergo to losing someone for you to appreciate them? And repentance acts as the aftermath?

"Sigurado ka bang hindi ka luluwas?" tanong ni Rain sa akin nang makalabas kami sa coliseum. Alric's team won as we all expected. Pagkatapos nang laro ay kaagad nitong hinubad ang uniporme at naiwan ang undershirt, katulad din ng mga suot namin. After we had our picture taking, sumama na siya sa teammates niya para sa victory party. Eve already plotted our celebration on Sunday for that.

Nauna nang umalis ang apat kaya kami na lang ang natitira sa basement.

"Hindi na muna." sabi ko at pinatunog na ang sasakyan.

"Pero weekend na bukas."

Nasanay na kami na tuwing weekend ay sa El Estancia kaming lahat. Rain named the place El Estancia kaya nasanay na kami na iyon ang tawag kahit hindi naman iyon ang tunay na pangalan ng lugar. Sinilip ko si Ace mula sa kanyang likuran, buhat-buhat ang natutulog na anak. We stared at each other for a while, feeling a bit awkward with him, I immediately broke our gaze.

"Kailangan ko pang bumisita ng maaga sa site bukas. Saka kailangan ko ring i review iyong blueprint..."

Mabilis na nabihag nang aking paningin ang pag-angat ng kilay ni Ace nang marinig ang huling salitang binitawan ko.

What? Blueprint is equal to Kai Almendarez now? Kung makaangat ng kilay ay parang binanggit ko ang pangalan ng kaibigan niya.

I brought my lips to the corner when he rolled his eyes at me. Kahit kailan ay hindi ako masasanay sa kasupladuhan ng isang 'to.

"Bakit?" asked Rain. Nagpabalik-balik ang tingin ni Rain sa aming dalawa ni Ace nang mapansing natatawa ako dahil sa asawa niya.

"Uuwi na ako." Paalam ko sa dalawa, ayaw nang makisama sa namumuong away nila.

"Ano 'yon?" Rain urged her husband on.

"Nothing, let's go." Ace said and caught my friend's hand.

"Bakit gusto niyo nang umuwi pareho? Pinaguusapan niyo ako 'no?"

Rain's eyes turned into slits as she stared at Ace.

"Tara na, mahal." anyaya ni Ace at sinubukang huliin ang kamay ni Rain.

"Heh! You two are talking to me through stares. Ano 'yon?

"Wala, Raniyah."

"Tss. Iniirapan mo siguro ako habang nakatalikod ako 'no?"

"Hindi–"

My laugh resonated around the basement. Sinamaan ako ng tingin ni Ace kaya itinigil ko rin agad nang maalala na Boss ko nga pala ito sa proyekto ko ngayon.

"You're mocking me behind my back for sure."

"I'm not."

"Mamatay?"

"Yes."

"Sure."

"Yes."

"As in."

"As in, Rain."

"As in na as in?"

"As in na as in."

Napailing ako habang tinitingnan silang lumalayo sa akin. Ace is smart. Makes me wonder if he doesn't really sense when Rain's already making fun of him.

For the rest of the night, I studied his design, devised different schemes and did my estimation. Pakiramdam ko ng gabing 'yon, parang minuto lamang sa akin ang oras kaya naabutan ako ng alas tres ng umaga sa ginagawa na hindi man lang nakaramdam ng antok.

"Anong gustong patunayan niyang mga mata mo?" natatawang tanong ni Jai sa akin nang salabungin niya ako pagkalabas ng sasakyan. Magkasama kaming susuri sa site ngayon at iyon talaga ang unang napansin sa akin. Umirap ako sa katrabaho at nagsimulang maglakad sa buhangin. Sumunod naman ito kaagad.

I watched how roll of waves neared and kissed the sand. It almost reached my feet. May iilang dahon ng seaweed ang dumikit sa buhangin hatid ng alon. Another forceful waves crashed onto the shore once again. Iilang butil ng buhangin ang sumama sa tubig. Kalaunan ay kumawala rin.

The sound of crashing waves and sand has snowed under my deep sigh. We reached the site, exhausted and slightly panting. Kunot ang aking noo dahil sa init ng panahon. Maging ang ihip ng hangin ay mainit kaya hindi rin nakatulong sa pagbaba ng temperatura.

I tied my hair in a high and tight ponytail. Sa kalagitnaan ako ng ginagawa nang makita ang isang bulto ng lalaking nakatayo't nakatalikod sa amin ilang metro rin ang layo sa aming kinatatayuan.

I was pushed and locked in a dark room with void space and air. Wala akong makita kundi kadiliman maliban sa kanya, ang nag-iisang liwanag sa aking paningin. The moment he turned to me, he spread light as fast as how the river flows down the highland. Ang natatanging liwanang ay tuluyan nang nilamon ng kaliwanagan nang manumbalik ang ilaw sa aking paningin.

I became aware more than ever with the loud pound of my muscles when our eyes locked. Sigurado ako na nasa open area ako pero tila kinukulang pa rin ako sa hangin at tiyak na mauubusan ng hininga kung magtatagal pa ito.

I tilted my head to the side. Ang pagkiskis ng kanyang sapatos sa graba ang mas nagpatindi pa sa naghuhurumentado ko nang puso. At kung may ititindi pa ito ay mas tumindi pa nang maalala ko ang naging engkuwentro namin noong groundbreaking ceremony.

I just had his expensive car scratched! Sa ilang taon ko siyang nakasama, alam ko ang pagpapahalaga niya sa sasakyan. Like Harvey, he's obsessed with cars. I'm not his wife anymore nor anyone who's significant to him kaya alam kong hindi ko madadaan sa kung ano pa man ang kasalanang ginawa ko.

Jai acknowledged his presence by calling his title. I was expecting he'd at least reciprocate the same courtesy he's received from my co-worker. Pero ilang segundo na ang lumipas pero ang hinihintay kong tugon sa kanya ay kayhirap pakisamahan.

Ang pagpipigil ay parang pising naputol nang marinig ang nang-uuyam niyang tawa. Kalaunan ay tumingin ako sa kanya at humugot ng malalim na hininga nang magtama ang tingin naming dalawa. Jai probably noticed the blistering atmosphere between us, he immediately excused himself.

Nang makalayo si Jai ay may umudyok sa'kin na magsalita.

"A-about your car, I'll get it fixed. Just give me the... det and... the amount."

Hindi ko alam kung saan ako nakahanap ng lakas ng loob na kausapin siya. Probably my restless interest kicked in. Two years felt like two hours to me. Kung paano ko sariwain ang nakaraan ay parang kanina lang nangyari pero ang interes at pananabik na kausapin siya ay parang isang siglo na ang nagdaan.

I swallowed hard and looked away when he never gets his eyes off me. The way he stares at me gave me creeps. I don't know why but I find his stares creepy. O baka natural ang makaramdam ng ganito sa taong ginawan mo ng mali.

"Sigurado ka?" his deep voice reached my bones. Patunay ang panlulumo ng tuhod ko roon. Lumingon ako sa kanya na kaagad ko ring pinagsisihan.

"Oo... pasensya na."

His low and deep laugh again gave me another creeps. He moistened his lips and pulled the bottom lip before he utters, "Seeing you own your mistake and hearing you apologize about my car made me realize how stupid was I for loving you then."

The warm blows of the wind interrupted us. Ang mabilis na pintig ng aking puso ay hindi na kakatwa kapag siya ang kausap. It has been registered as my normal reaction when he's with me.

"Ang bobo ko lang sa parteng 'yon."

"I mean, how can I love a heartless person and beg for her love? It's like I'm asking the universe to send the stars down." he chuckled and glanced at me, dangerously this time.

"Ang bilis mong humingi ng tawad sa paggasgas ng kotse ko pero sa ginawa mo sa'kin..." umiling ito at binagsak ang tingin sa baba. He started kicking small stones.

"I was trying to find the good in our marriage... and maybe, uh no, I was sure, that the annulment was the only good thing that happened between us."

Watch my Step (Friend Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon