"So, saan ba dapat? Kanan o kaliwa?" Kai asked Arthie for the fourth time.
"Left. You should step forward with your left foot, tangina." Arthie pulled his hair out of frustration. Mukhang ikababaliw pa niya yata ang pagturo ng waltz kay Kai.
"Tol, 'di naman ako dancer pero alam ko 'to."
"But I thought always right dapat?" sabi niya na para bang ikakaligtas niya ang sinabi.
I exhaled deeply. Another day of experiencing extreme suffering with waltz. It's weekend though. And I should've been lying on my bed, sleeping soundly but thanks to France that I am here listening to these guys arguing over this meaningless thing.
Namaywang si Arthie sa harapan naming dalawa at pagod na tiningnan ang kaibigan.
"Kung magba-backout man ako rito, hindi dahil sa mahirap ang waltz kundi 'yon dahil sa'yo, tang ina ka." Arthie said and left us. We were both watching his retreating back when Kai suddenly shouted the name of his bestfriend!
"Ace!"
The hell?!
Tiningnan ko siya na abala sa pagkaway sa kaibigan. I muttered a curse when I saw Ace staring at us. He's wearing a white shirt and black sweatpants. A white towel was placed around his nape and he's holding a bottled water. Katulad ng katabi ko ay pawisin din. Mukhang kumuha lang ito ng tubig at towel sa bag niya at pabalik na sana sa kanyang puwesto nang tawagin siya ng katabi ko.
Kai jogged towards him. Halos lahat ng tao rito sa loob ng gym ay sa kanila ang atensyon. May nahagip pa akong kumukuha ng larawan nila. Napailing na lamang ako at nagpasyang maupo na lang sa bleacher at magpahinga. Mukha na akong tangang nakatayo't mag-isa sa gitna ng court.
"What?" rinig kong asik ni Ace sa kanya.
Still grumpy, I see.
Dadaan lang sana ako sa kanila nang tawagin ni Kai ang pangalan ko. Tumigil ako at tiningnan sila. I arched my brow at them.
"Partner-an mo muna si Ace."
I looked at him, brows were furrowed.
Is he serious?
He chuckled when he saw my reaction.
"C'mon, I'm not asking you to commit a crime. What's with that face?" pabiro pa niyang itinulak ang balikat ko na parang biro ang lahat ng 'to.
"Wala namang magagalit, 'di ba? I mean wala naman dito si Rain," he said offhandedly.
I glanced at Ace. Nahuli ko ang sakit at galit sa kanyang mga mata nang banggitin ng kaibigan niya ang pangalan ng kaibigan ko.
Wait, does he still love my friend? What about Rebecca Suarez then?
Tiningnan ko si Recca na kanina pa nakatingin kay Ace, hinihintay ang pagbalik nito sa kanya. They're partners anyway. Ang hina naman pala nito kung hindi pa rin nakakaget over ang lalaking 'to sa kaibigan ko.
Kai chuckled. "Ops. Sorry for cursing."
Dalawa na kami ni Ace na nakatingin ng masama sa kanya. So, Rain is a curse now?
"Sorry ulit."
Hindi na namin pinansin ang pagiging gago ni Kai at ipinakita na lang sa kanya ang parte ng sayaw na hindi niya makuha-kuha. Yes, I am waltzing with Ace now and I am praying na sana ay hanggang sa loob na lang ng gym ang impormasyong ito. I don't know what Rain will do to me once she finds out.
"Wait!"
Tumigil kami sa pagsayaw nang sumigaw si Kai. Napakaingay talaga ng gagong 'to.
"I thought left foot?" he asked Ace then turned to me. "'Di ba?"
"It's a natural turn, Kai. You have to step with your right foot first." Mahinahon na paliwanag ni Ace.
"Eh 'yong kanina kay Arthie?"
"That's a reverse turn." I explained.
He nods. "Okay. Continue." mando niya at humalukipkip pa sa harapan naming dalawa.
Habang sumasayaw kami ni Ace ay napansin ko si France at Jo na nasa kabilang ibayo ng covered gym at matamang nakatingin sa amin.
Nagkatinginan kami ni Ace at pinagpatuloy na ang ginagawa. He held my waist and I placed my hands on his shoulders. I checked on Kai if he's really paying attention to what we're doing. Dapat ay makuha na niya ito. Hindi niya alam kung gaano kalaking sakripisyo ang ginagawa ko ngayon makuha lang niya ang step na 'to.
His lips were parted when Ace gripped my waist to lift me. Bumalik ang tingin ko kay Ace at handa na sa pag-angat nang sumigaw muli si Kai.
"Tama na! Tama na!" Pumagitna siya sa aming dalawa at tinulak pa ang kaibigan.
"Kuha ko na." nahahapo niyang sabi sa'kin.
"Kuha ko na," ulit niya at humarap kay Ace. "kaya makakalayas ka na." pagtataboy niya rito.
"Tsk." Ace hissed and left us.
"Kuha mo na?" tanong ko at ang pagkamot niya sa ulo ang tanging naging sagot niya sa'kin.
Damn. Hindi pa rin niya kuha.
"This is hopeless Kai." I said. Kahit 'di niya sabihin ay halata naman sa mukha niya na hindi pa rin niya kuha.
"Just quit," suhestiyon ko at nilingon siya. "To... end your misery." I added when I noticed the sudden change of his facial expression. Was that too harsh?
That disappointed look on his face only lasted for a fraction of a minute. Kaagad din iyong nawala nang humarap siya sa'kin at ikinulong ako sa kanyang mga braso.
"Para ano? Para palitan mo ako ng Fifth mo? No thanks." he said dismissively.
Kumunot ang noo ko. Si Fifth? Pinagsasabi nito? Gulat pa 'ko nang nagsimula kaming sumayaw. He started to lead us with his body. Amazing was we weren't running into other couples! This is first time!
"And who says this is a misery? I'm enjoying this." ani niya at walang hirap akong inikot.
My eyes were wide as I stared at him, flabbergasted. Impit akong tumili nang inangat niya 'ko. I rested my hands on his shoulders for support when he lifted me with ease.
I was too stunned with the perfect lift he just did. Damn. He knew. All the time.
Ibig sabihin ay pinagtitripan lang niya ang mga kaibigan niya kanina? At kasama na ako roon? Tang ina. Ang lakas din pala ng trip ng isang 'to. Parang si Harvey lang. Parehong gago.
Nang makatapak ang paa ko sa sahig ay kaagad akong bumitaw sa kanya at sinapak siya.
"So you're just playing dumb all along."
Sa halip na sumagot ay kinindatan lamang niya 'ko. Aapila pa sana ako nang pumailanlang ang musika sa loob ng covered gym.
He immediately responded to the stimulus by putting his arm on my back and clasped my right hand with his left. I left with no choice but to place my left hand on his shoulder. He was so focused on navigating the dancefloor as we danced to the music.
Hanggang matapos ang rehearsal ay tulala pa rin ako. Rene even complimented us. Ang sabi ay may tsansang kami pa ang makakuha ng title ng "dancer of the night."
I laughed when I realized that I was too affected by it. Was this is a life changing reveleation? Baka nagulat lang talaga ako na ang tagal ng panggagago niya sa amin. Damn. He fooled us so good.
"So, ano? Kita na lang tayo mamaya kina Alric?" tanong ni Jo saka humigop ng mainit na sabaw ng bulalo.
Nandito kami ngayon sa isang kainan malapit lang sa labas ng unibersidad. Katatapos lang ng practice namin ngayong araw at umaya kaagad si France na kumain dito. Mukhang nagutom ng sobra sa practice. Hindi naman kasi siya 'yong tipo na mag-aayang kumain kung hindi siya gutom na gutom.
Today is Friday and we usually spend the night of Friday at Alric's home. Kaya kahit hindi ko sila ayain na mag overnight ay iyon naman talaga ang gagawin namin. Hindi rin puwede ang mag-liban dahil tanging iyon na lamang ang time na mayroon kami para magkita-kitang lahat at makasama si Aesthrielle at Rain na walang ikinababahala. Kapag kasi kasama namin sila sa labas ay parang palagi kaming may pinagtataguan.
Nag-uusap lang kami ni Harvey tungkol sa isang subject nang mapansin ko si France na kanina pa gumagala ang mga mata sa loob ng kainan. May hinihintay ba 'to?
I slapped his thigh to catch his attention.
"May ka-meet ka?" kuryuso kong tanong.
"Wala." agap niya at kumain na. Iginala ko ang tingin sa loob. Maliban sa amin at sa isa pang grupo ng estudyante ay wala nang customer dito.
Bumaling ako sa kahera. Hindi pa man dumadapo ang mga mata ko roon nang akbayan niya 'ko at iniharap sa kanya. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya.
His pale skin even gets paler because of the low temperature. It's heavily raining.
"Kailan ka bibili ng damit, Tep?" he suddenly questioned.
Kailan pa naging interesado ang isang 'to sa damit? Kahit naguguluhan ay hindi ko na lang kinuwestiyon iyon.
"Bakit?" tanong ko. "Sasabay ka na?"
He nodded. Umaambon na lang nang matapos kaming kumain.
"Ako na ang magbabayad." si France at tumayo na habang si Jo ay hinila na 'ko palabas ng kainan.
Tumayo kami saglit sa tapat ng kainan pero mabilis ding nabagot kaya nagsimula na kaming mag lakad. I was texting Fifth when Jo started to stomp his feet hard on the wet asphalted road. Nababasa 'yong sapatos at ibabang parte ng pants ko dahil sa ginagawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin habang siya ay nagpapakainosente.
Inalis nito ang mga kamay na nakasuksok sa bulsa ng kanyang pantalon at kinulong ang leeg ko sa kanyang mga braso. He started talking to me kaya nawala sa isip ko ang ginawa niya at tinago na lang ang cellphone sa bag.
"'Di ba't partner kayo ni Kai sa waltz?"
"Tapos?" ako habang bumibili ng ice cream sa isang stall habang hinihintay si France na mukhang nilamon na ng kahera. Ba't ang tagal no'n? Wala namang maraming customer doon.
"Pa-add po ng chocolate syrup, 'tsaka nips Kuya." I politely said to the vendor and gave him five pesos for my add-ons.
Kunot ang noo ni Harvey habang tinitingnan akong kumakain ng ice cream sa gitna ng pagkalamig-lamig na panahon.
"Kinakausap mo 'yon?"
"Nakita mo ba 'kong kinakausap ko 'yon?"
"Lahat naman ng lalaki-"
He stopped from talking when he saw me, glaring at him.
"Chaaar." he laughed and snaked his arms around my waist. Hindi pa nakunteto at ipinatong pa ang ulo sa ulo ko. I groaned in disapproval when he took a mouthful of my vanilla ice cream.
"Pucha. Brain freeze." he said and quivered. Natawa ako sa naging reaksyon niya.
Umangat ang tingin ko at saktong dumaan ang sasakyan ni Kai. Mahina lang ang patakbo nito kaya kitang-kita ko ang busangot na mukha ng kapatid niya sa passenger seat habang siya ay kunot ang noong nakatingin sa amin.
Mabilis na humiwalay sa'kin si Harvey at nagpakawala ng mura.
"Ano'ng mayroon?" si France na kadarating lang.
"Tagal mo 'tol." iiling-iling na sabi ni Jo at nauna nang mag-lakad sa amin, hawak-hawak na ang cellphone.
I looked at France. I eyed him suspiciously. Bumaling ako sa kinainan namin nang hilain na niya 'ko. My doubt even gets stronger. There's something with the eatery.
Nag-uusap ang dalawa sa unahan ko habang ako ay ka-text muli si Fifth.
Fifth: Fine. Next Saturday then.
Step: Alright.
I turned my phone off and ran towards the two. Sumiksik ako sa gitna nilang dalawa at nakinig sa usapan.
"Diretso ka na kina Alric?" France asked Harvey.
"Pa-augustine pa 'ko."
"Sama." singit ko sa usapan ng dalawa.
"'Wag na. Manlalalaki ka lang e." Harvey fired at me. I elbowed him. Nagsimula na kaming magkasakitan nang iwan kami ni France at nauna nang maglakad sa'min. I glared at his receding back. Hinintay namin tapos mang-iiwan lang? I hissed. What a friend.
Umuwi ako kasama ang kapatid kong bugnutin. Nagbaka sakali lang ako sa library ng mga educ at nandoon nga ang suplado. I even saw Ace there with his minion, and I mean Recca.
Pagkauwi ay dumiretso kaagad ako sa room ko para ayusin ang mga dadalhin ko kina Alric. I planned on spending my whole weekend there. Kaya hindi ko na rin pinaunlakan ang anyaya ni Fifth sa Sabado dahil gusto kong makasama ng matagal si Aesthrielle at Rain. Ang tagal na rin noong huling nakasama ko sila na masasabi kong sulit since busy kaming lahat sa kanya-kanyang studies.
I took a shower and wore my favorite pair of clothes, a cami top and pants. I only tied my hair in a high and tight ponytail.
"Mom." sagot ko sa tawag ng ina pagkatapos kong magpadala ng mensahe na matutulog ako kina Alric ngayon.
"You'll spend your weekend at Alric's?"
"Opo."
"Message your father then."
"Opo." I said and waited for her to end the call.
"Message him right away." paalala niyang muli saka pinatay ang tawag.
Bumuntong-hininga ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang i-message si Daddy gayong alam kong magkatabi rin lang naman sila. Mommy is really– I shook my head and typed in a message for my father.
My mother is like that. She's a kind of wife who always depends on his husband. Kung nasaan si Daddy ay nandoon din siya dapat. At kailangan ay may approval ni Daddy ang lahat ng gagawin niya. Hindi ko alam na ganoon pala dapat.
Can't you make your own decision without seeking for approval to anyone? Kahit asawa mo pa? Hindi ako kumbinsido sa uri ng relasyon mayroon sila. Pakiramdam ko ay mali ang ginagawa ni Daddy. Ngunit palagi rin niyang sinasabi sa amin ni Luke na wasto ang ganoon dahil hindi sila nag-aaway ni Mommy. Pero hindi rin ibig sabihin na hindi na nag-aaway ay wala nang problema.
BINABASA MO ANG
Watch my Step (Friend Series #4)
RomanceStatus: Completed Step, a stone-cold playgirl, had finally met her match when she intended to stomp her feet on the notorious playboy of St. Joseph. Never in her wildest dream had she ever dreamt that a match she started to play with will only burn...
