Hiyawan ng mga tao ang bumungad sa'kin pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng arena. The place was jam-packed. Samu't-saring cheer ang naririnig ng tenga ko at hati rin sa kulay ang mga tao.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang kaibigang nakaupo sa bangko. Bumuntong-hininga ako. Nakatungo ito, halatang wala sa laro at lugar ang isip. Katulad ng mga katabi ay hindi rin pagod at pawisin, hindi katulad ng mga tumatakbo sa court. Kung titingnan ay mukhang hindi pa ito nakakalaro. Bumaling ako sa score at kumunot ang noo dahil fourth quarter na at halos patapos na ang laro.
I decided to wait him outside the arena tutal ay patapos na rin ang laro niya–kung matatawag bang laro niya iyon gayong hindi naman siya nakapasok para maglaro.
Alric Zavier is a struggling basketball player. Pero sa lahat ng kilala kong basketbolista, walang katapusan at walang makakapantay sa pagmamahal niya sa kinahiligang laro. 'Tamo, kahit graduate na ay pinagpatuloy pa rin ang paglalaro.
Wearing his white uniform with an emblem of a popular brand, I can really say that this man has a well-favored face and body. If Raven's mysterious, France's smart, and Harvey's playful, Alric manifests this bad boy image that makes him appealing to girls.
Kung magmodelo kaya ito? Sa tingin ko ay mas malaki ang tsansa niyang sumikat doon kaysa sa paglalaro ng basketball.
Pareho kaming umismid sa isa't isa nang magtama ang tingin naming dalawa. He pulled the strap of his duffel bag as he neared me.
"Late ka na naman, Engineer." simula niya.
Ang sabi ko sa kanya ay hindi na ako makakaabot sa game niya, na hihintayin ko na lang siya rito sa labas. I may be an expert at lying but I always choose when to lie and in this situation, I chose to lie.
I don't want my friends to know that I can see their struggles. Kung ako ang nasa kalagayan nila ay ayaw ko ring makita nila ang kahinaan ko. That's why I kept my marriage a secret. The least thing we'd usually want to get from people is pity and it's just so strange how they give it freely.
"Panalo ba?" tanong ko nang makalapit siya sa'kin.
"Siyempre, ako pa." pagmamayabang niya na ikinangisi ko lang. I didn't say anything and let him talk with his antics.
"Tuloy tayo?" tanong niya nang makarating kami sa parking area.
May tinitingnan akong lupa malapit sa tambayan namin ni Kai noon. Balak ko sanang magtayo ng bahay roon dahil na engganyo ako kay Jo at France. They're planning to build their own house there and we, being Step and Alric, we always copy what the two do. Siguro ay dahil na rin sa ayaw naming mahiwalay sa kanila.
My face frown when I realized what I was thinking. It made me feel disgusted but it makes me happy at the same time. The thought that we're living near another gave me satisfaction and security.
Iyong tatlo kaya, ayaw ba nila roon?
Nang makarating kami sa aming destinasyon ay 'di ko na ikinagulat na naroon ang dalawa. Harvey is having his house constructed kaya halos araw-araw ay pumupunta siya rito. Si France naman ay sumama rin kung hindi busy dahil mukhang balak din bilhin ang bakanteng lote sa malapit.
Huminto ako sa malaking bato at dinama ang malakas na ihip ng hangin. Kanina ko pa pinaglalaruan ang sigarilyo sa daliri habang naghihintay naman ang lighter na gamitin ko sa isa pang kamay.
The past days, I've been holding back to smoke. I admit, his reminder has a profound effect on my inhibition. Totoo kaya ang sinasabi niyang hindi siya naninigarilyo?
Pero imposible. Baka nga't naninigarilyo ang isang 'yon ngayon.
"Anong oras na kaya?" tanong ko sa sarili, ang tinutukoy ay ang oras sa Espanya.
BINABASA MO ANG
Watch my Step (Friend Series #4)
RomanceStatus: Completed Step, a stone-cold playgirl, had finally met her match when she intended to stomp her feet on the notorious playboy of St. Joseph. Never in her wildest dream had she ever dreamt that a match she started to play with will only burn...
