It took me hours to decide to go to the party. I was a bit reluctant to go dahil hindi maganda ang wakas ng pag-uusap namin. Kung sabagay ay wala naman talagang magandang wakas ang mga pag-uusap namin. It's just that today's different. This time, he has thrown his phone out of his rage.
Habang papunta ako sa seaport ay iyon ang iniisip ko. I kept on glancing at my phone on the dashboard. Hindi ko na ikakagulat kung tumawag ngayon si Dad. He's probably told my father about our fight. That way, he can get even with me. Hindi niya ako maparusahan kaya sa ama ako nananagot dahil sa pagsusumbong niya.
Ang isiping iyon ay mas lalo lamang nagpatindi sa galit na nararamdaman ko para sa kanya. It makes me want to rebel even more.
Soon as I reached the seaport, I was welcomed by Jairus. Nakaabang na agad ito sa aking pagdating.
"Ang tagal mo?" pambungad niya sa'kin habang inaalalayan ako sa boardwalk. Sinabi ko na lang na natagalan ako sa pag-aayos at sa traffic na kaagad din niyang pinaniwalaan.
Nasa second floor ng yacht ang party kaya walang tao sa unang palapag maliban sa iilang tauhan ng yate. Nang makarating kami sa ikalawang palapag ay hindi ganoon karami ang tao dahil mga co-workers din lang namin ni Gio at mga kaibigan niya ang imbitado.
"Step!" tumigil siya sa pagkausap sa isang kaibigan nang makita ako. He opened his arms for a hug at hindi ko naman siya binigo roon. Hindi nakatakas sa'kin ang marahang pasada ng kamay niya sa ibaba ng aking baywang.
"Happy birthday." I whispered and quickly broke the hug. I stepped backward. Lumingon ang katabi kong si Jai, kunot ang noo.
"Gago. Hindi ko birthday." ani nito na ikinahalakhak ko. He offered me drinks I didn't refuse. Ilang minuto pa bago ko naramdamang umaandar na ang yate. Lumayo ako sa mga tao nang masulyapan ang sunod-sunod na pag-ilaw ng cellphone sa loob ng clutch na dala.
Alric: Saan ka?
Alric: Tumawag sa'kin ang asawa mo. Hindi ka niya matawagan.
Alric: Ano na naman ang ginawa mo, Tep?
Alric: Umuwi ka na.
Binaha ako ng mga mensahe ni Alric. He rarely calls Alric kaya alam kong malaking bagay na ito sa kanya. I'm already expecting my father's call in no time. It's just strange that my will to rebel overpowers my fear.
I blocked his number and all his SNS accounts where he could possibly contact me just so I could annoy him more. And for him to call Alric, he must be really annoyed now.
Step: I'm at a yacht party. Don't entertain him. Alam niya kung nasaan ako.
I turned my phone off and joined the partygoers. If he's able to call Alric, ibig sabihin ay ayos pa ang binato niyang cellphone o 'di kaya ay nanghiram kung kanino. Ang gago mo talaga, Kai.
Pinagmasdan ko ang kalmadong karagatan. Salungat sa gulo at ingay ng mga tao rito sa loob ng yate. I was already guzzling my bottle of liquor when I saw Lawrence with Chase Almirañez on a couch, drinking.
Kaagad na nagtama ang tingin naming dalawa ni Lawrence. Ibinaba ko ang bote at nakipagpaligsahan ng titigan sa binata. Hindi ko napansin na ilang minuto na ang inilagi ng mga mata namin sa isa't isa hanggang sa magpasya akong umiwas.
![](https://img.wattpad.com/cover/252497834-288-k869574.jpg)
BINABASA MO ANG
Watch my Step (Friend Series #4)
RomanceStatus: Completed Step, a stone-cold playgirl, had finally met her match when she intended to stomp her feet on the notorious playboy of St. Joseph. Never in her wildest dream had she ever dreamt that a match she started to play with will only burn...