Kung matatakbuhan ko lang ang lahat ng sakit sa bawat salitang binibitawan niya, I would have ran for hills for sure.
Tinatanggap ko ang lahat ng mga sinabi niya dahil maging ako ay kumbinsido sa mga paratang niya. Tama siya, nagkamali ako. Wala akong mabuting ginawa sa kanya kaya nararapat lamang sa'kin ang nararamdaman ko ngayon.
I've thought that I am invincible to heartbreaks before. Na hindi puwedeng masaktan ang nananakit. Wala akong maalala na pinili ko ang manakit. But I remembered how I have put it into practice.
I've been a playgirl. I have accustomed myself to the world of relationships, or that's what I thought dahil iyon ang iniisip kong relasyon noon when the truth is, those relationships I've put myself into were nothing more than association with others.
I was so wrong when I think of being used to something means you're exempted from its incommodities. That being skilled to something means you're free from making failures. Na para bang napakaimposible ang madapa kung natuto ka nang maglakad.
"Karma ko na siguro 'to." sabi ko kay Alric isang hapon. Abala ang lahat sa loob ng bahay para sa kaunting salu-salo mamaya. He's exempted from cooking since siya ang hari sa celebration na ito kaya si Eve ang nangunguna sa kusina. Samantalang ako ay tapos na sa nakatakdang gawain kaya minabuti kong samahan si Alric dito sa labas.
We're both slouching on the bermuda grass in the backyard, using both arms as leverage while watching the ball of fire descend below the horizon.
"Kaya siguro ako nasasaktan ngayon para maintindihan ko kung anong klaseng pinsala ang naidulot ko sa kanya."
Because I will never know what kind of shit he's been through unless I experience it myself. That's the purpose of karma. To walk you through the same pain you have inflicted to someone.
A hum escaped from his lips. Hindi siya sumang-ayon o tumutol sa sinabi ko kaya nilingon ko siya. Hindi ko mapigilang punahin ang ayos niya ngayon. He's with his usual rugged bad boy look. Shirtless, man bun and sweatband. That's Alric Zavier.
Nagkatitigan kami saglit saka siya nagtanong. "Masama o mabuti ba 'yan?"
Kumunot ang noo ko.
"How will you classify it? Iyang nararamdaman mo ngayon. Good or bad karma ba 'yan?"
Mas dumikit ang aking kilay, I could almost feel it trembled.
"Madaling sabihin na bad karma kasi nasasaktan ka ngayon pero puwede mong subukang tingnan sa ibang anggulo, Tep. You just have to try to look the good in the bad and you'll just get surprised where it will bring you."
Umiwas ako ng tingin sa kaibigan. My eyes heated along with my lips quivering. Mabilis kong pinalis ang luhang kumawala. I changed my position. From slouching to hugging my knees. Mabuti na lang at unti-unti nang dumidilim. Ayokong may makapansin na umiiyak ako. Hindi dahil sa ayaw kong malaman nila na iniiyakan ko 'to kundi dahil sa ayokong ipasa sa kanila ang bigat na nararamdaman ko ngayon. If they see me having a hard time, mahihirapan din sila para sa akin. Ayoko lang ng gano'n.
"Hi-hindi... hindi ko alam kung mapa-mapapatawad pa niya ako."
He started petting my head like I'm his cat when my voice broke. Mas lalo lang akong naiyak nang maramdaman ang kanyang pakikisimpatya mula roon. Itinaob ko ang ulo sa aking mga tuhod para itago ang mukha.
"Mapapatawad ka niya,"
"Pa'no? Malaking kasalanan ang nagawa ko." I said without lifting my head.
"Ibibigay niya."
I can sense that he was certain with his words. Umangat ako ng tingin sa kaibigan. His eyes filled with ruth sent warmth in me.
"Pa-paano ka nakakasiguro? Hindi lahat ng tao ay kagaya mo,"
"Alam ko lang." igting ang pangang sabi niya.
I looked into his eyes, deeply this time. May kung anong sinusubukang hanapin sa kanyang mga mata na hindi ko mapangalanan. The moment he turned his eyes away in avoidance, that's when I realized what I'm trying to find in his pair of eyes.
"Paano mo siya pinatawad kahit hindi naman niya hiningi sa'yo?"
He closed his eyes, an indication that he doesn't want the topic I've just brought. Sa nakikita ko sa kanya ngayon ay galit pa rin siya at ayaw pang pag-usapan ang nangyari. Pero ako ang nagmistulang gatilyo para pakawalan niya ang mga tinatagong kasagutan.
"Desisyon ko." tipid niyang tugon.
"Even when you don't feel like... forgiving her?" I furthered.
Tumawa siya at umiling sa kawalan na parang walang kuwenta ang naging tanong ko.
"Kung hihintayin kong mawala ang galit ko sa kanya, ibig sabihin ay maghihintay ako habang buhay. Kung hinayaan ko ang galit ko para sa kanya ang kumontrol sa'kin, hindi ko siya mapapatawad Tep."
"Galit na galit ako sa kanya pero tang ina," A deep yet low laugh enveloped my ears. Yumuko siya, ang mga brasong nakatuko kanina ay pinagpahinga niya sa magkabilang tuhod.
"Gustong-gusto ko nang magpatuloy sa buhay kaya sabi ko sa sarili ko noon, kailangan kong mag desisyon na patawarin siya. Hindi para sa kanya, kundi para sa sarili ko."
He stared at me as his lips lifted a bit.
"Believe me, if he wants to forget you, he'll forgive you."
"Dahil wala siyang pagpipilian. Kung hindi ka niya papatawarin, isipin mo na lang na ayaw ka pa niyang mawala sa buhay niya." biro niya at pilyong tumawa.
Umirap ako sa kaibigan. Alam kong binibiro niya lang ako pero ang lintek kong puso, parang baguhan at kaagad na umasa.
After watching the sunset, pumasok na kami sa loob ng bahay. His house was being renovated at ang bahay ko ang napili nilang venue. Dumiretso ako sa kusina kung nasaan ang maraming gawain.
"Saan 'to dadalhin?" I asked Eve, pertaining to the trays of food. Napansin ko kasi na hinahakot ni Ace at ng boyfriend niya ang mga upuan at mesa.
"Sa labas. Doon gustong kumain ni Aesthrielle eh."
Tumango ako at nagsimulang dalhin ang mga tray ng pagkain sa labas. While Ry and France are busy setting up the grill, Ace and Eve's boyfriend are arranging the table and chairs. Marami kami kaya pinagdugtong nila ang dalawang mesa. Darating din si Alaine at Tita Audrina kaya isang dosena na kami. Si Alric ay tumulong sa'kin sa paghatid ng pagkain sa labas and Harvey's preparing the bonfire in front of the table.
I laughed when a videoke machine arrived afterwards. Hindi ko alam kung binili ba nila o nirentehan. I believed our obsession with it started noong bakasyon namin sa Palawan. Simula noon, hindi na mawala-wala sa ganitong salu-salo ang videoke.
We all cheered when Aesthrielle started singing. Si Eve at Rain ay lumabas pa para tingnan ang nangyayari. She received lots of banters from her Daddys but it didn't stop her from singing. Walang kapaguran ang pagkanta niya kaya sa huli ay hinayaan na namin hanggang makaabot siya sa ikatlong kanta. She currently singing her third song when she stopped.
Itinigil ko ang ginagawa sa mesa para tingnan ang nangyari. Wala na siyang hawak na mikropono, ang mga kamay ay nasa bibig habang nakatingin sa aming likuran. Bago pa man mahanap ng aking mga mata ang dahilan ng pagkatigil niya ay tumili siya, sinundan ng pagtawag niya sa pangalan na ikinatigil ko.
"Tita Hope!"
Nahulog ko ang kubyertos na hawak-hawak. Mabilis ko rin iyong pinulot at tumayo ng tuwid.
"Hope? Nandiyan si Hope?" rinig kong sabi ni Rain na lumabas ng bahay para tingnan ang bagong dating. Sumunod si Eve na may hawak pang katsa at pinggan.
My heartbeat quickened. Nilunod ako ng napakaraming ideya sa pagdating ng kapatid niya. I began overthinking and anticipating that he'd be here too. Alam kong malabong mangyari pero iyon ang naging paksa sa isipan ko.
Sinubukan kong ikubli ang tunay kong nararamdaman sa pagdating ng kapatid niya. Pero bago ko pa man iyon nagawa ay bigo na ako. Raven caught me already.
Bumuntong-hininga ako at nilingon ang pinagkakaguluhan nila. After Hope showed up six months ago, she and Harvey are now planning for their wedding. Tutol man ang pamilya niya ay wala na silang magagawa lalo pa't...
"Nasaan ang atab mo?" Rain asked Hope after a minute of conversation.
Kumunot ang noo ko. Ngayon ko rin lang napansin na hindi niya kasama ang anak nila ni Harvey. She turned her head and that's when I saw him carrying his only nephew. Nakatayo siya sa pagitan ng bahay at bakod ko.
"Kuya." Lumapit sa kanya ang kapatid at kinuha ang anak.
"Ang sabi ko babalik ako... bakit bumaba ka pa?" she murmured to her brother.
Ang paglusot ng ilaw galing sa nakabukas na bintana ng bahay ay eksaktong lumapat sa kanyang kinatatayuan. Parang ilaw ng lente na naghihintay sa kanyang pagdating. Sa aking kinatatayuan ay tanaw ko ang puting shirt at faded jeans niyang suot.
His tall frame reminded me of yesterday. Kasama na roon ang pinag-usapan namin at ang mga sinabi niya.
Ang totoo niyan, inaasahan ko nang marinig galing sa kanya ang mga sinabi niya sa akin kahapon. At dahil doon, napagisip-isip ko na maging ang mga bagay na inaasahan mo na ay hindi mo hawak. Pinapaalala na kahit gaano ka pa kahanda sa isang bagay, hindi mo mapaghahandaan ang kung ano ba ang dapat mong naramdaman sa oras na isalang ka sa sitwasyong pinaghandaan mo. Kaya sa huli ay balewala rin lang ang paghahanda. To expect is one thing, to endure is another they say.
Bumagsak ang tingin ko sa mesa nang lumipat ang kanyang tingin sa aming banda. Ramdam ko ang pananahimik ng lahat. Everyone seems to share the same discomfort I was feeling.
"Tep, pakuha nang naiwang tray ng lumpia sa loob." France, my savior to my night said just in time. Umangat ang isang sulok ng aking labi saka tumingin sa kaibigan at mabilis na tumango, akala mo ay batang excited mautusan ng guro.
Walang lingun-lingon akong pumasok sa loob at kanina, habang naglalakad ako papasok ng bahay ay narinig ko pa ang mumunting bulungan ng mga kaibigan ko na ikinairap ko na lamang. Saka ko lang pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilang paghinga nang makarating ako sa kusina ng bahay.
Habang mag-isa ako ay hindi ko mapigilang magtaka at manibago sa pagpunta niya rito. I mean, alam naman niyang nandito ako and the fact, that he's mad at me, bakit nanaisin niyang pumunta rito? O sabihin na nating hinatid niya lang si Hope at ang pamangkin dito, bakit kailangan niya pang bumaba at magpakita? He could just have left without showing up to us, to me.
I mumbled a curse to myself. You're starting again, Estefania! You're being watchful when it comes to him pero sarili mong gawain, 'di mo mabantayan. Nag-o-overthink ka na naman! Umaasa ka na naman. Pero ganoon naman talaga. Kung saan delikado, roon ka pa mas kumakapit.
Bumalik akong may hawak na tray ng lumpia. Good thing, France wasn't lying when he said that. Hindi ko rin alam kung paano niya nalaman ang tungkol dito gayong abala siya sa pag-ihaw. Ilang hagod ng tingin sa damit na suot ang aking ginawa saka ako tuluyang lumabas. I'm wearing a red and black gingham dress. I expect the night to be cold but I still choose to wear the sleeveless one. My hair was in its usual high and tight ponytail kaya lantad ang buong leeg at batok ko. Suot ko pa ang slider ni Harvey kaya hindi tugma sa ayos ko.
Nakaupo na silang lahat nang makabalik ako. Si Tita Audrina at Alaine ay nandito na rin kaya mas lalong umingay. Sunod kong napansin ang kawalan ko ng puwesto sa mesa kaya panandalian akong tumigil sa paglalakad at isa-isang sinulyapan ang mga nakaupo. Inaasahan ko na siya ang kumuha sa puwesto ko pero sa halip na siya ang makita ko, isang babaeng 'di pamilyar sa'kin ang nakaupo sa tabi ni Hope.
Hope and Harvey have the same look when I captured their eyes. Mukhang humihingi na agad ng tawad sa inaasahan ko nang mangyayari sa gabing ito.

BINABASA MO ANG
Watch my Step (Friend Series #4)
RomantizmStatus: Completed Step, a stone-cold playgirl, had finally met her match when she intended to stomp her feet on the notorious playboy of St. Joseph. Never in her wildest dream had she ever dreamt that a match she started to play with will only burn...