After five consecutive times of ringing the doorbell, the door has finally opened. Hope in her white crop top shirt and A-line skirt appeared in front of me. Ngumisi ako sa kapatid ng asawa at hindi ko na ikinagulat na simangot ang tugon nito.
She doesn't like me but that didn't budge me at all. Sa tuwing pumupunta ako sa kanila noong mga bata pa kami, hindi na niya ako gusto kaya siguro hindi niya rin ako matandaan. She's young then. Three or four years old?
I find her intelligent, kind and innocent. Isang pasada mo lang ng tingin sa kanya, masasabi mong planado na ang buhay. Kaya masasabi kong siguradong-sigurado na ang kinabukasan ni Jo sa kanya. Ang kaibigan ko lang ang ewan.
Today's Saturday and the gang decided to meet at Harvey's penthouse. Ang plano ay rito na maghapunan ang lahat at dito na rin matulog. Mabuti nga at pumayag si Hope, kahit mabait ang isang 'to alam kong istrikta rin.
Ang tumatangis na si Aesthrielle at hagalpak na tawa ni Harvey ang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa living area. Alric and Raven are busy in the kitchen.
"Tita Tep!" she wailed and ran to me. Binitiwan ko ang kahon ng cake sa sofa para kargahin ang papalapit na inaanak. I grimaced when I carried her. Bumibigat na ang isang 'to ha.
"Sinong umaway sa baby ko?" I tried to talk to her in a softer way.
"I-I swa-swallowed the seeds of apple and, and Daddy said, it'll grow in my stomach! I'll become an apple tree!" she shouted and cried.
I bit my lower lip to stifle my laugh. Sinusubukan kong huwag sabayan sa pagtawa si Harvey dahil sa kainosentehan ni Aesthrielle. Kaya sinamaan ko ng tingin ang kaibigan na ngayon ay tumatawa pa rin. Over his shirt and sweatshorts, he's wearing an apron with Hope's name on it. Ano 'yan? Props? Eh hindi naman marunong magluto ang isang 'yan.
"Aww." daing nito nang paluin siya ng nobya.
"You're so bully." Hope said and went to us. Nang makalapit ay marahan niyang sinuklay ang mahabang buhok ni Aesthrielle.
"Baby, don't believe your Daddy. He's lying."
"But, Daddy said it'll grow in my stomach because I'm feeding myself!" iyak nito na ikinatawa ng malakas ni Harvey kaya pati tuloy ako ay nahawa na rin. Kaagad din akong tumigil nang samaan ako ng tingin ni Hope.
It sent me thrills when I got to look at her brown eyes. Katulad na katulad ng kay Kai. And then, her brown and curly hair reminded me of him even more! It feels like I'm seeing him on her.
Ano na bang nangyayari sa'kin?
Kinuha sa'kin ni Hope si Aesthrielle at patuloy itong inaalo habang ang kaibigan ay lumapit sa dalawa para tuksuhin lalo si Aesthrielle. I smirked when I can already picture a family at the mere sight of the three.
"I won't drink water anymore!" Aesthrielle shouted.
Bumaba si Rain mula sa second floor ng penthouse. Mukhang katatapos lang maligo. She's in her cute pajamas. Katulad din ng suot ng kanyang anak ngayon.
"Uy may naligaw na bruha." bungad niya nang makababa sa grand staircase ng penthouse ni Harvey.
"Uy may naligaw na iniwan." I smirked when her smile quickly faded.
She rolled her eyes at me and about to start an argument with me when we heard a doorbell. Nagkatinginan kaming dalawa. Ang nangyari ay paunahan kaming dalawa sa pinto dahil alam naming si Eve na 'yon. Nagtulakan kami para sumilip sa peephole. Matagal na naming napapansin 'to kay Eve. She seems... passionate.
My jaw dropped when I saw that she's not alone! Eve's with a man! Hindi ko kita ang mukha dahil nakasuot ito ng face mask, sunglasses at cap! Naka hoodie pa! Tatanggalin na sana nito ang mask nang pigilan siya ni Eve. Then Eve started to nag him.
"Ano, ano?" si Rain nang makita ang reaksyon ko.
I grunted when Rain pushed me. Ngayon ay siya naman ang sumilip.
"Tang ina, sino 'yan?"
"What are you two doing?" Hope's voice startled us. Lumingon kami sa kanya. She squeezed her brows together. Mukhang hindi naiintindihan ang ginagawa namin. Gumilid kami pareho ni Rain para pagbigyan ang batang bumukas ng pinto.
Rain and I crossed our arms as the door opened. Kumunot ang noo namin pareho nang makitang mag-isa na lang siya. Sabay kaming lumabas ni Rain at sinilip ang mahabang pasilyo. Walang katao-tao.
"Pinalayas mo?" Rain shook Eve's shoulders.
"Huh?"
Her face flushed.
"May kasama ka." I stated.
Tumawa siya na parang tanga. "Wala akong kasama, Tep." ani niya at pumasok na sa loob.
"Yeah sure, deny pa." I uncrossed my arms and turned my back to them.
Pumasok ako sa kusina kung nasaan sila't abala sa pagluluto. I rested my side against the divider as I watched them prepare our dinner.
Si Alric ang nagmamando ng mga gagawin sa tatlo. Sa amin, siya ang may kakayahan sa pagluluto kaya kapag nasa kusina kami ay siya ang hari.
I helped them prepare the foods. Mahilig sa seafood si Hope kaya maraming seafood ang hinanda nila at chicken naman para kay Aesthrielle at Rain.
"Tep! Tep!" Harvey called me kaya tumigil ako sa paghiwa ng sibuyas para sa spaghetti.
He showed me how he flipped the egg from the pan by just holding the handle of the pan. Humalakhak ako dahil lumipad sa kung saan ang itlog at hindi sa pan.
"Ano? Yabang mo kasi!" natatawa kong sabi.
"Tabi! Tabi!"
"Aw!" Alric muttered curses when he poured the pasta on the colander. Napaso yata. Eve went to him to give him an ointment.
Magulo ang kusina dahil ang dami namin. Mas nagpagulo pa ang mga hindi tumutulong. Rain and Aesthrielle are running. Kung titingnan ay mukhang magkaedad lang ang dalawa. Hindi nalalayo ang pag-iisip. Tss.
"Rain." tawag ni Raven, mukhang pinapatigil na sa kakalaro. He carried Aesthrielle and whispered something on her that made her giggle.
Harvey and Hope, the only couple here, are now setting the table. Si Hope lang pala dahil walang ginawa si Harvey kundi landiin si Hope.
After hours of preparation...
"Kain na po!" Aesthrielle squealed. Nakaluhod ito sa upuan, excited na excited nang kumain dahil sa mga masasarap na pagkain sa hapag.
"I'll lead the prayer Mommy!" she clapped her hands. "Let us pray! In the name of the Father..."
We let Aesthrielle lead the prayer. Hindi namin mapigilan ang mapangiti at mahinang matawa sa mga panalangin niya.
"Let's take a picture!" Si Rain pagkatapos ng dasal kaya umayos kaming lahat ng upo. She just snatched one of the phones on the counter.
Sa akin kumandong si Aesthrielle, katabi ko naman si Harvey, sa kabila ko si France. Nasa harapan naman namin si Raven, Eve at Alric. Si Hope ay katabi ni Harvey at nasa harapan niya si Rain nakaupo na siyang kumukuha ng larawan.
"O, selfie naman!"
We compressed para magkasya kami sa screen. I was too engrossed with the picture taking kaya hindi ko napansin na ang cellphone ko ang gamit niya. Natauhan lang ako nang marinig ang ringtone ko!
"Uy may tumatawag!"
Fuck!
Sa gulat ko ay napatayo ako, nakalimutan na kandung-kandong ko si Aesthrielle kaya napasubsob siya sa sahig.
"Step!"
Sunod-sunod na mura ang natanggap ko mula sa mga kaibigan. Si France ang mabilis na dumalo kay Aesthrielle at tinanong ito kung saan ang masakit. I sighed when the kid just laughed. Mukhang hindi rin nasaktan though ang sama pa rin ng tingin nila sa aking lahat.
Umangat ang tingin ko at nang makitang nasa cellphone ko ang atensyon ni Rain ay mabilis kong tinakbo ang distansya namin at kinuha sa kanya ang cellphone.
She lifted her eyes and stared at me.
"My Architect, huh?" she teased.
Tang ina.
"Yeah, si Architect Archer Alvarez, nilalandi ko." I said hitting her most vulnerable spot. Ayoko sanang banggitin ang pangalan niya pero kung gusto ko talagang tumigil ang kaibigan sa kakaasar ay ito ang pinakamadali at pinakamabisang paraan. At katulad nga ng inaasahan ko ay tahimik ako nitong tinalikuran at pinuntahan ang anak.
I sighed and glanced at my phone. A message popped up.
My Architect: Lalabas ako ngayon kasama si Ace. Puwede ba akong uminom?
Umangat ang kilay ko sa mensahe niya. Nagpapaalam siya?
Step: What happened to your call?
My Architect: Hindi mo sinagot ng tatlong ring kaya pinatay ko na dahil baka busy ka.
My Architect: You're having dinner with your friends. I viewed your story.
Kai Almendarez reacted to your story.
Kai Almendarez replied to your story.
You look good with kids.
My Architect: Kaninong anak 'yan?
Notifications from him bombarded my phone. I clicked my story and it was a fucking video! I was whisking the sauce for spaghetti when the video was taken. Aesthrielle appeared and planted kisses on my face. Tumatawa ako habang ginagawa niya sa'kin 'yon pagkatapos ay nawala na siya sa video para gawin ang ginawa sa'kin sa iba. Then the video ended.
I muttered curses inside my head. Rain must have uploaded it! This careless Mommy doesn't know what she's doing! Kaagad kong binura iyon. Ang lakas ng pintig ng puso ko habang iniisip ang mga posibilidad. Damn! Maaaring katabi lang niya ngayon ang ama ni Aesthrielle!
Step: Neighbor ni Jo.
My Architect: Oh? Mukhang close na close kayo.
Step: If we're talking about her, stop texting me.
I startled when I received a video call from him! I declined it immediately.
Step: You're disturbing my time with my friends, we're eating.
My Architect: Later then?
Step: Oo na!
My Architect: Hahaha, ang sungit naman ng asawa ko.
Step: Tangina mo.
My Architect: I love you.
I dropped my phone on the table and massaged my temples. Bumaling sila sa aking lahat. Kanina pa sila kumakain habang ako ay hindi pa nagagalaw ang pagkain. Nagulat ako nang si Raven na ang naglagay ng para sa'kin dahil kanina pa ako abala sa pagtetext sa asawa ko.
Asawa ko?!
Ew, Step.
"Trabaho?" Eve asked.
"Yeah." I just said and glanced at my phone.
My Architect: Iinom ako pero konti lang. Sabihan mo ako kung uuwi ka na't uuwi na rin ako. I'll call you later, my wife ^_^
Tang ina. Hindi ko alam kung bakit ako ngumingiti dahil lang sa putanginang smiley na kasama sa mensahe niya. Nasisiraan na nga yata ako ng ulo.
BINABASA MO ANG
Watch my Step (Friend Series #4)
RomansStatus: Completed Step, a stone-cold playgirl, had finally met her match when she intended to stomp her feet on the notorious playboy of St. Joseph. Never in her wildest dream had she ever dreamt that a match she started to play with will only burn...
