Chapter 19

4.4K 125 3
                                    

Pagkatapos niya akong maihatid sa trabaho ay kaagad din siyang umuwi pagkatapos makahanap ng masasakyan pabalik. He really just drove me to work at hindi na nag-abalang pumasok pa sa loob ng gusali na ikinagaan ng loob ko.

Hindi ako komportable sa pagpunta niya sa mga lugar kung saan kilala ako. Isa na roon ang kompanya nila. I'm trying my very best to keep this marriage a secret to anyone. That's the only condition I sought before I said yes to this fixed marriage.

Hindi ko rin alam kong alam ba ng pamilya niya na umuwi siya o ipinaalam ba niya. I don't really care and I don't really ask things to him that doesn't concern me.

Pero kung iisipin at papansinin ko ang mga nakaraan at dating uwi pa niya ay mukhang wala nga talagang alam ang sariling mga magulang na umuuwi siya. Sa tuwing magtatanong ang mga ito sa akin tungkol sa kanya ay mukhang inaasahan nila na mas marami akong alam sa pinaggagawa ng anak kaysa sa kanila.

Ibig sabihin ay hindi nga niya ipinapaalam sa magulang na umuuwi siya? At mas lalong hindi nagpapakita kung ganoon.

Ngayon ko lang ito binigyang pansin kaya ngayon ko rin lang napatunayan na maaari ngang tama ang hinuha ko. Kung ano man ang rason niya roon ay hindi ko alam at wala na akong pakealam.

I lifted my eyes when the elevator slid open and from there, I saw Lawrence, looking fresh in his white dress shirt and a pair of black slacks. Kaagad nitong nirolyo ang malaking papel na hawak nang makita ako.

"Step." he uttered my name. Pumasok ito sa loob ng elevator, ang mga mata ay nasa akin.

"Good morning, Engineer." I said and took a step sideward to give him space kahit hindi naman kailangan dahil ako rin lang naman ang pasahero bago siya. Buong biyahe namin sa elevator ay tahimik lang kami ngunit hindi nakatakas sa'kin ang ilang beses niyang pagsulyap sa'kin, ganoon din naman ako sa kanya.

Simula noong nagkaroon ako ng Field Study kay Engineer Guillermo, napansin ko na ito sa kanya. Sa dami ko nang nakarelasyon na lalaki ay halos kabisado ko na ang lahat sa kanila. Hindi ako maaaring magkamali sa naiisip ko sa kanya.

Engineer Lawrence Almirañez seems interested in me. At hindi ko na kailangan ng mga salita niya para makumpirma ang iniisip ko. The way he looks at me was like his way of confession. Hindi rin naman ito nabigo sa pagpapakita ng motibo sa'kin. I'm sure as well that I'm always transparent every time I refuse to his advances.

Nang makarating sa tamang palapag ay sumalubong kaagad sa'kin si Jairus. He's the closest engineer I have here kaya maihahalintulad ko sa isang buntot ang isang 'to. Sunod nang sunod kung nasaan ako.

"Tapos ka na?" tanong nito habang sinusundan ako papunta sa cubicle ko.

"Ipiprint ko na lang." sagot ko habang binubuhay ang computer ko. Sumandal ito sa cubicle sa harap ko't pinagmamasdan ang mabilis kong galaw para sa pag print.

"Pagkatapos kain muna tayo sa baba saka diretso na tayong Mandaluyong."

Saglit akong natigilan sa kanyang sinabi, nagdadalawang isip kong papaunlakan ang paanyaya niya. Sa huli ay nasabi ko rin ang kanina ko pa pinipigilang sabihin.

"Kumain na 'ko."

"Oh?" gulat nitong sabi. Umalis ito sa pagkakasandal sa cubicle. "Biro ba 'yan?" tanong nito saka tumawa.

I sighed. Kaya ayokong umuuwi siya dahil nababago ang routine ko at may isang tao talaga na malapit sa akin ang makakapansin noon. And now, it has to be Jai.

Hindi ko na pinilit pa iyon. Pinagsisihan ko rin kung bakit sinabi ko pa iyon. Sana ay sumama na lang ako at kumain ulit ng breakfast kasama siya. Ang tanga mo roon Step.

Tanghali na kami nakarating sa Mandaluyong para tingnan ang site kasama si Engineer Almirañez, ang Head Engineer ng project. Abala siya sa pagkausap sa kliyente habang kami ni Jai ay nasa likuran nila't tahimik na nakasunod nang biglang mag ring ang cellphone na hawak ko.

Lawrence and Mr. del Mundo glanced at me. I excused myself dahil iyon ang mabilis na paraan para huwag nang humaba pa ang pang-iistorbo ko sa usapan nila. Habang lumalayo ay sumulyap ako sa cellphone para malaman kung sino ang tumatawag. Mabilis akong nakaramdam ng inis nang makita ang pangalan niya.

Ano na naman ang kailangan nito? Nanggagalaiti kong sinagot ang tawag.

"What?! Nasa trabaho ako."

Tumigil ako sa entrada ng gusali, ang isang kamay ay nasa baywang.

"Hello?! Kai?!"

Mas lalo lang nainis nang wala akong marinig na boses sa kabilang linya.

"If this is one of your stupid pranks, ibababa ko na." I said and about to end his call when I heard him sigh.

"Sa bahay ka ba natutulog?"

What?

"Hinahayaan kita sa mga gusto mong gawin dahil ayaw mo nang hinihigpitan."

Kumunot ang noo ko.

"Sandali, Kai. Anong arte na naman ba 'to?"

"Someone told me you're with Jairus the last time you went out for a drink..."

Mas lalong kumunot ang noo ko sa mga naririnig ko sa kanya. Hindi ba't siya ang nagsabi kay Daddy tungkol sa bagay na iyan? Kaya nga ako nakatanggap ng sampal at tadyak noon? Anong arte na naman ba 'to?

"Alam kong kaibigan mo siya pero lalaki siya, Step. At may asawa ka na..."

Hindi ko mapigilan ang matawa sa boses niya, animo'y nagsusumamo. Na para bang mahal na mahal ako.

"Don't worry, I'm not fucking anyone behind your back, my husband." I said, mocking him. Mas lalong lumawak ang aking ngiti nang marinig ko ang sunod-sunod niyang mura.

"Baka ikaw riyan ang may babae?" balik ko sa kanya. Ang inis na nararamdaman para sa kanya ay nawala na at napalitan na ng kung ano.

"Ikaw lang ang tanging babae ko, Step."

I rolled my eyes when he's being on his sweet talks again. And how would I know that he's telling me the truth?

Unlike him, hindi ko siya pinapasundan. Kaya imposibleng wala siyang kinakantot maliban sa'kin sa loob ng limang taon naming mag-asawa.

Imposible!

Kumunot ang noo ko nang marinig na tinatawag na ang flight niya.

What? Nasa airport na siya? Saglit kong nakaligtaan ang oras ng flight niya.

"Sa bahay ka matulog–"

"Sa bahay ako natutulog, Kai." agap ko dahil baka makarating na naman ito sa Daddy.

"If you don't have time to clean and do groceries, we can hire a helper–"

"Ayoko nga, Kai." Inis kong sabi.

"I'm just suggesting. Alam ko namang ayaw mo na may ibang tao sa bahay but we can get one of your helpers at your house? Para hindi ka na manibago?"

Saglit akong napatigil sa suhestiyon niya dahil matagal ko na rin iyong binabalak. I need helper, hindi dahil sa wala akong time para mag-linis, sadyang tinatamad akong gawin ang mga gawaing-bahay. And I'm just scared to say that to my father. Pero kung siya ang magsasabi kay Daddy ay walang problema, papayag iyon panigurado.

Rinig ko ang pagpapaalala ng isang babae sa kanya. Mukhang nasa loob na siya ngayon ng eroplano.

"I'm still talking to my wife." he said like he always says that word.

"Wife."

"Hmm?"

Kumunot ang noo ko nang mahimigan sa sariling boses ang gentleness. Like what the hell?! You're talking to Nikolai Almendarez, Estefania. Wake the fuck up!

"How 'bout that, hmm?"

Nahimigan ko ang panggagaya niya sa himig ko kaya mabilis akong nairita.

"Oo na!"

He chuckled. "Alright, I'll call your father later."

I didn't say anything,

"Step?"

"Ano?!"

"Tatawag agad ako pagkalapag ko sa Espanya."

"Tss."

Hinayaan namin ang ilang segundong katahimikan saka siya nagsalita.

"Step?"

"Just end the call." Kanina ko pa naririnig ang flight attendant na pinapaalalahanan siya.

"I'm waiting for you to end the call. You always–"

With trembling hands, I ended his call. I bit my lower lip when I realized that between us, I was the one who always ends a phone call. Wala nga akong matandaan na siya ang pumapatay ng tawag sa amin.

And this, this is the only peaceful phone conversation we have so far. Galit ako sa sarili dahil hinayaan ko.

Ano bang nangyayari sa'yo Estefania?

Watch my Step (Friend Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon