Chapter 8

5.1K 127 12
                                    

Finally, We're so fucking done with our final rehearsal. Isang sayaw na lang na makakasama ko siya.

Ngumisi ako. Ang saya naman.

Umupo ako sa bleachers at tumabi kaagad sa akin ang nakabuntot na si Kai. I didn't know that his concept of leaving me be is tailing me.

What do I expect from a playboy like him? He isn't serious with his words.

He spread his legs apart and rested his forearms on his thighs. Nakayuko itong pinupunasan ang kanyang pawis. I puckered my lips when I noticed that he's still using the baby towel I gave him. Mukhang wala na yatang balak ibalik sa'kin. Kay Aesthrielle sana 'yan.

Umiling ako at binuksan ang kakatapon lang sa akin na bottled water ni France. Basta na lang niyang itinapon sa'kin nang dumaan dito. Mabuti na lang at nasalo ko.

"Painom." Sinulyapan ko siya mula sa gilid ng aking mga mata habang umiinom ako ng tubig.

His brown hair was disheveled and damped. It looks longer than the usual kaya umaabot ito sa kanyang mata. He's wearing an earcuff again. Ngayon ay isa na lang at kulay itim. Isumbong ko kaya ulit?

Ibinaba ko ang bote at kukunin na sana niya sa akin ang bote nang uminom ulit ako. I couldn't stop my smile when I saw him gulp. Muli kong ibinaba ang tubig at kukunin na sana niya nang uminom ulit ako.

"Napakadamot." bulong nito. Busangot ang mukha pero hindi rin nakatakas ang ngiti sa kanyang labi. Wala akong balak ubusin ang tubig pero mukhang mauubos ko 'to.

I choked when he put his fingers on my neck and began drumming his fingers on my throat. Shit. Hindi ko iyon inaasahan. Ibinaba ko ang bote at sunod-sunod ang pag-ubo na ginawa. Hindi ko na pinansin ang pagkakapatong ng braso ko sa kandungan niya dahil abala ako sa pag-ubo. Tumatawa siya habang hinahagod ang likod ko.

"Okay ka lang?" He tried to stop himself from laughing as I coughed nonstop. I bent my back more and exaggeratedly coughed. Parang mawawalan na ako ng boses kapag magtagal pa 'to.

Mas lalo lang akong nainis dahil ang lakas ng pagtapik niya sa likod ko, parang nang-iinis pa. Bakit kasi ang tagal niyang yumuko para maisaboy ko na itong tubig sa kanya.

Sunod-sunod ang ginawa kong pag-ubo. I even tapped his thigh, implying that I was in a serious situation. Nang yumuko siya para silipin ako ay mabilis kong sinaboy sa kanyang mukha ang naiiwang tubig sa bote.

I let out a laugh and looked at him. Nakapikit ito at malalim ang bawat paghinga. Nabasa rin ang upper part ng puti niyang damit. Tumigil ako sa pagtawa nang mapansin ang paggalawan ng kanyang panga.

The wind whispered. Kasabay noon ang pag-iba ng hangin sa pagitan namin. I chewed my lips and stood up. Dahan-dahan ko ring kinuha ang bag sa kanyang tabi at mabilis na isinukbit sa braso.

"Ikaw ang nagsimula." marahan kong sabi at humakbang paatras.

He nodded his head, eyes were still closed. He waved his hand shooing me away. Sa ginagawa niya ay parang binibigyan niya lang ako ng tsansang tumakbo. I took that chance to run away. Mabilis akong tumakbo palapit kay France nang makitang nasa bukana na siya ng gym. Nabangga ko pa si Kelly sa kanyang tabi.

"Sorry." hinihingal kong paumanhin at lumingon sa bleacher kung saan ko iniwanan si Kai. His friends were already there but his eyes were still on me, watching my every move.

"Hey Step, you wanna come with us?"

Tumingin ako kay Kelly at tuluyan nang nawala sa isip si Kai na nakatingin sa'kin.

"Saan?" tanong ko saka nilingon si France na nasa cellphone ang atensyon.

"Let's stroll along the fields." sabi niya at tiningnan ang katabi.

"Ikaw, France?" ako na ang nagtanong dahil mukhang wala itong balak sumali sa usapan kung hindi kakausapin.

"I have to go." sabi lang nito habang inilalagay ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Aalis na rin ako." sabi ko at inunahan na si France iwan si Kelly.

I'm not close with Kelly Malavega. I don't even know her until France and her became an item. From there on, we started greeting each other every time we bump into each other and had few hangouts because of France.

But now that the two have broken up, I don't see any reason of hanging out with her without France around. Alam ko rin na kinakausap niya lang ako dahil kay France kaya ano pa't sasama ako kung hindi rin sasama si France. I'd rather be alone than be with her halfheartedly.

Sinulyapan ko ang relos na suot. Mayroon pa akong isang oras bago ang uwian. Alas kuwatro pa lang at eksaktong alas singko inilalabas ang attendance sheet. I messaged Harvey. Baka wala rin iyong ginagawa. Liban na lang kung kasama si–

"Aray." I winced when a ball hit the back of my head. Hinawakan ko ang likod ng ulo ko at hinanap ang pinanggalingan ng bola.

Kaagad kong nakita ang grupo ng mga babae na naglalaro ng volleyball sa isang open court malapit sa kinatatayuan ko.

"Saldiviar, paabot ng ball, please!" isang babae ang hinahapong tumigil sa pagtakbo, ilang metro ang layo sa'kin.

I ignored her request and looked over her instead. Sa isang bahagi ng court ay nahuli ko ang isang grupo ng mga babae na may nakaplaster na ngisi sa mga labi. Hinanap ko sa kanila kung sino ang nagbato sa'kin ng bola. I smirked when I have locked my target. She's laughing with her team and from that angle, I recognized her. Iyong babae sa comfort room. Malamang ay siya.

I rotated my shoulders and cocked my head to the right as I seized the ball from the ground. I tossed the ball up and let it spin into the air for a while. I raised my other hand and with all my force, I hit the ball towards her. Masyado itong abala sa pagmamayabang sa mga kasama kaya huli na para maiwasan pa ang bola. I was targeting her face. I smirked when I didn't miss.

Pinagpagan ko ang mga kamay na nadumihan habang tumatalikod ako sa kanila kasabay ng matinis nilang tilian. Ngumisi ako at umangat ang tingin sa ikalawang palapag nang marinig ang hiyawan ng mga kalalakihan doon.

Napailing ako dahil halos lahat ng nasa field ay sa amin na nakatingin ngayon. Nang mag-angat ako ng tingin at nagtama ang tingin namin ng SC President ay saka ko lang napagtanto kung ano ang mangyayari sa akin!

Damn.

"I broke my nose, you fucking bitch!" sigaw ng babae saka tumayo para sugurin ako kung hindi lang maagap si France.

"Hana," Lawrence, the SC President called her.

Kumalma naman ito pero nang makita ako ay muli na namang tumayo para sugurin ako. I rolled my eyes. Mukhang gusto lang magpapigil ang isang 'to kay France. Gustong-gusto rin e. Tsk.

"Pres, you saw it! She hit me!" sigaw niya habang dinuduro ako, ang isang kamay ay humahawak sa puting panyo na ngayon ay kulay pula na dahil sa dugong lumalabas sa kanyang ilong.

Kung titingnan ang panyong puno ng dugo ay parang kailangan niyang dalhin sa klinik at mukhang seryoso ang sugat na natamo pero kung ang pagbabasehan naman ay ang enerhiya niya ngayon para makipag-away sa'kin ay parang hindi na rin kailangan.

Lawrence sighed. "Oo, nakita ko Hana." he said and glanced at me.

Umiwas ako ng tingin dito. He's intimidating. Sa itsura at dating palang nito, masasabi mo na kaagad na matalino at responsable. He's a kind of man who can make all girls, even the ones with oozing confidence, feel so small without even trying. Nagawa nga niya sa'kin ngayon.

I saw Hana's mocking smile at me. I'm not irritated though. I am guilty but I don't feel any remorse. She deserved it! Wala sa pinsalang dulot 'yon kundi sa kung sino ang may kasalanan. She started it. Technically, it's her fault. Her nose won't bleed if she didn't hit me. She's the cause herself and I just let her taste its effect on her.

"She hit you but you hit her first."

My heart leaped with what I heard. First time. Someone has been just to me. Muli kong ibinalik ang tingin sa kanya at siyang pag-iwas naman niya ng tingin sa akin.

He's being fair but I can't just take away the thought that he is siding, or like saving, I mean helping me. Damn. Since when did I start assuming things?

Napailing ako at nahuli ko ang kanina pang nakamasid na tingin sa akin ni France.I gulped and looked away. Mukhang mas malupit pa ang parusang matatanggap ko sa kanya kaysa sa SC.

After a little of counseling, they already let me go. We have to serve our punishment after the celebration of the Foundation. I'm actually looking forward to it. Yeah, really. Tsk.

Umuwi akong galit sa mundo. I'm glad that my parents were not home thus far. If they do, I would have received another blow of scolding. That's for sure. And I don't have the might to sit and listen as of the moment. Kotang-kota na ako kay France ngayon. I want a break.

After taking my dinner, I fell asleep. Hindi ko na nabuksan pa ang mga mensahe ni Fifth simula ng araw na iyon.

For the past days, I have done nothing but to wait tables and I had no complaints with that. Mabuti na rin ang may ginagawa kaysa sa tumunganga. Wala rin ako sa mood na lumibot at tumingin-tingin sa mga booth mag-isa. Nagkaroon lang ako ng interes noong bumisita si Eve, Ry at Alric sa unibersidad. Among the six of us, Alric and Harvey enjoyed it so much.

"It would have been better if Rain's here." Raven, all of a sudden, whispered.

Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong juice sa kanyang binulong. Sa aming lima ay ako lang yata ang nakarinig sa kanyang binulong. Gusto ko sanang tuksuhin kaso masyadong seryoso.

"You miss her that much huh?"

Sa huli ay hindi ko rin napigilan ang tuksuhin siya. Ry is a cold and silent type of a friend. For him to say like that, he must've missed her big time.

And I do too. Back then, she used to hang out with us without any restraints. Ngayon ay iniisip na niya ang anak niya saka gagala. Kung makakasama man sa amin ay uuwi rin kaagad dahil sa anak. Ibang-iba sa noon.

Sure, Aesthrielle's a blessings. May mga bagay lang talaga na nagbago nang dumating siya. Isa na roon ang pagkakaibigan namin. Kaya kahit nasa malayo siya ay sinusubukan naming lahat na makasama siya lagi. We noticed that slowly she's straying away from us. Either it was her intention or not, we were all scared that we'd totally lose her just because of her situation.

Kinaumagahan ay desidido akong huwag nang bumalik sa eskuwelahan dahil pagod na pagod ako sa mga nakalipas na araw. Kung hindi lang tumawag sa akin si France para sabihing kailangan kong bumalik para isukat ang damit na susuutin ko para sa waltz ay hindi ako babalik. Huling araw na rin ngayon para ipagdiwang ang Foundation Anniversary ng unibersidad.

I picked my black cami crop top and tartan pants. Pagkatapos kung taliin ang buhok ay lumabas na ako sa sasakyan at dumiretso sa hotel ng unibersidad. Pumasok ako sa numero ng silid na pinadala sa'kin ni France.

The room was crowded and in chaos when I walked in. Marami ang naririnig kong reklamo sa mga damit nila. May hindi kasya at may maluwag. Mayroon din sa mga sapatos. Hinanap ko si France at nang mahanap siya ay kausap niya si Kelly.

"No. It's Step's." I heard France said when I neared them. Nang makita niya ako ay mabilis siyang nagpaalam kay Kelly saka ako hinila sa isang fitting area na kurtina lang ang harang. Ibinigay niya sa'kin ang damit at itinulak ako sa loob.

"May tao." Rinig kong sabi niya sa labas habang hinuhubad ko ang damit. Isinuot ko ang puting sweetheart dress. It looks cute on me and I'm not confident of it.

"France, 'yong zipper."

"Come here."

"Lalabas ako?"

"Hindi. Dito sa kurtina."

Kumunot ang noo ko. Nang makalapit ako sa kurtina ay saka ko lang napagtanto kung bakit. Hinawi lang niya ng kaunti ang kurtina para hanapin ang zipper. I chuckled.

"France."

"Hmm?"

"Maghubad kaya ako sa harapan mo, 'di ka tata–"

"Step!" he groaned and pushed me when he's done zipping my dress.

Humalakhak ako at napailing na lamang sa inakto ng kaibigan. France is so picky when it comes to girls. Kaya nga ang University Queen lang ang nakapasa sa kanya pero sa huli ay hiniwalayan niya rin. Hindi na ako magtataka kung makapangasawa ito ng supermodel balang-araw.

Tiningnan ko ang sariling repleksyon sa maliit na salamin dito sa loob. The dress was fine. I neither like nor dislike it. Sukat naman ito sa katawan ko at wala ring sira kaya sa tingin ko ay okay na. Sunod ay ang heels naman ang sinukat ko. Katulad ng damit ay wala rin akong problema sa sapatos.

Nang makapagpalit na ako ng damit ay lumabas na ako at unang bumungad sa'kin ang likod ni France. I patted his shoulder and gave him a thumbs up. He grabbed my dress and heels. "I'll secure it."

France and I took our lunch together at the eatery near the university. Dito rin kami kumain ng bulalo noon. I have nothing to say with their food. Masarap at mura pa kaya siguro palaging nandito si France.

Pagkauwi ay natulog ako dahil sa pagod. I set the alarm to wake me up at three. Nang magising ay nagsimula na akong mag-ayos. I started with my face then to my hair. I put my favorite make up on and wore my hair in ponytail, high and tight. I just like how this kind of hairstyle accent the shape of my face, my jaw specifically. I ironed the tail of my hair to straighten my already straight hair even more.

Nakarating kami ng kapatid ko sa unibersidad alas sais na ng gabi. Luke is gorgeous as ever. Like mine, he has this pitch black and straight hair. He looks neat too. And speaking of neat, Ace walked past us with Recca. Kung hindi sila magkatuluyan ay tatawanan ko na lang.

The party is barely starting when we arrived at the hotel. Nakaupo ako sa designated seat kasama ang blockmates ko pero wala rin akong makausap sa kanila. Harvey was in the other table and France was busy as ever. I chatted with Fifth while the program was going on.

I stopped fiddling with my phone when we started eating, then comes the dancing part. Marami ang yumaya sa akin sumayaw at lahat sila ay pinaunlakan ko. Nagsimula lang akong tumanggi noong napagod na.

In the middle of socialization, I caught Kai, kissing girl's neck far across from me. I rolled my eyes and navigated my eyes around the hall. Nagulat ako nang makita si Lawrence sa harapan ko, nakalahad na ang kamay.

A group of males cheered for him and it draws attention to us. I was bewildered looking at his hand. Kahit pa tinanggap ko ito at tapos na kaming sumayaw ay magulo pa rin ang isip ko. Yes, he danced with me. Is he already hitting on me?

The idea brought me to crook my lips until Fifth pulled me to the side of the hall.

"Ano 'yon?"

"Huh?"

"Damn it, Step. You have a boyfriend and you dance with men like you are fucking single and available."

"I thought we're both fine with this, Fifth? I am letting you explore with other girls–"

"Did you see me with other girls when we started dating?"

Hindi ako nakasagot dahil wala akong maalala.

"I don't entertain other girls–"

"Hindi naman kita pinagbabawalan–"

"Damn it. Hindi mo ako kailangang pagbawalan para hindi ko iyon gawin and I am expecting you to do the same because we're in a relationship."

I laughed when I saw where this is leading. "Talk to me once you're sober." sabi ko at handa nang umalis nang hawakan niya ang kamay ko.

He groaned and frustratingly pulled his hair.

"I'm not drunk, Step."

"Once you collect your thoughts then." sabi ko saka siya tinalikuran. I opened my purse when my phone is keep on vibrating in there.

I muttered a curse when it's France. Mabilis akong pumunta sa room kung saan ko sinukat ang damit na susuutin para sa waltz. Nang makarating ako ay nakabihis na ang lahat.

"Step, France left your dress there." si Kelly at itinuro ang isa sa mga fitting area. Katulad ng iba ay nakabihis na siya at nagre retouch na lang. "France was summoned..."

Hindi ko na narinig pa ang mga sunod na sinabi ni Kelly dahil pumasok na ako sa fitting area na itinuro ni Kelly. Kaagad kong nakita ang damit ko. I pulled it out from the hanger when I noticed damage.

Hinawakan ko ang laylayan ng damit kung saan may butas na kasing-laki ng piso. Bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko na rin ang namumuong pawis sa noo ko. Nagsimula na rin akong manginig sa takot at kaba nang maalala ko kung gaano kahalaga ang sayaw na ito sa St. Joseph.

Huling parte ng gabi ang pagsayaw ng waltz. I only have twenty minutes to think of a solution.

Maybe I could tamper it with something or sew it. I bit my lower lip when I realized that I don't have anything to tamper and I don't know how to sew.

This is trouble.

Watch my Step (Friend Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon