Chapter 40

18.5K 348 50
                                        

Hangga't maaari ay sinusubukan kong maging masaya sa kasal ng kaibigan. Ngunit madalas ay nakakaligtaan ko kaya malimit ay pagkukunwari ang kasiyahang pinapakita ko.

I don't want them to notice that I'm not alright for it will just cause much attention. The least thing I'd want to happen is to steal the spotlight from the newlyweds just because I'm not okay.

The wedding reception is currently taking place at the de Silva resident. Sa bahay ni Harvey. Sa malawak at berdeng bakuran nila mismo. White round tables were arranged meticulously. A platform with corner posts was erected in the front of the balcony of their house.

Ang malawak na karagatan sa ibaba ang nagsilbing likuran ng resepsyon. Samantalang ang maliwanag na buwan at mga kumikinang na bituin sa kalangitan ang siyang tumustos ng ilaw sa kadiliman ng gabi. Ang halimuyak ng bulaklak sa kanilang bakuran ay sumasabog sa kapaligiran sa tuwing umiihip ang malakas na hangin.

Kanina pa ang tingin ko sa platform kung nasaan si Tita Geneva at kaharap ang bagong kasal. Hope and Harvey are sitting at the presidential table, giving full of their attention to their mother.

"... The advice I can give to the both of you," Tita Geneva paused a bit.

"Well I want you to remember this. I want you to remember that you must not let your feelings rule you, let your principles rule your feelings instead."

"Kung sa tingin niyo ay mali ang ginagawa ng isa sa inyo, itama ninyo pareho. Huwag na huwag kayong mabulag sa pagmamahal ninyo sa isa't isa." mahigpit na tagubilin ng ginang.

I chewed my lower lip and looked down. Ramdam ko ang bigat sa bawat salitang binibitawan niya at habang parami nang parami ang mga naririnig ko galing sa kanya ay pabigat nang pabigat din ang nakadagan sa dibdib ko. Alam kong hindi para sa akin ang kanyang mga tagubilin pero ang mga binibitawan niyang salita ay mismong ang mga aral na natutunan ko rin sa kasalanang nagawa ko.

Tumayo ako at lumabas ng bakuran nang walang nakakapansin. Lumapit ako sa malaking bato kung saan ako palaging umuupo tuwing tinatanaw ko ang pagsikat ng araw tuwing bukang-liwayway at ang paglubog ng araw tuwing dapit-hapon sa guhit-tagpuan.

Ngayong gabi ay ang lawak naman ng karagatan ang gusto kong pagmasdan. Ang pagkislap ng mga nagsasayawang alon tuwing tumatama ang ilaw ng buwan dito.

I removed my heels before I climbed the rock. Reaching the top of the surface, I rested on my buttocks then folded my legs, just enough to hug my knees. I placed my chin on my knees as I watched the waves dance far below. Ilang segundo ang lumipas ay inabot ko ang isang paa at marahang minasahe.

My lips trembled with the combined cold and heartaches I'm feeling. Hindi naman ang pagkapahiya sa harap ng maraming tao ang dinidibdib ko, it's the broken relationship I have with her, with her family and with Kai.

Kahit pa nakakausap ko si Kai ngayon, hindi matatabunan no'n ang kasalanang nagawa ko sa kanya. What I did was unforgiving and I'm not expecting anything from him, like forgiving me.

"What are you doing here?"

My shoulders moved up together with my upper body in a surprise upon hearing his deep voice. I turned my head to see the owner of that voice. Gulat na marinig ang kanyang boses sa aking likuran, hindi kaagad ako nakapaghanda ng sasabihin.

Watch my Step (Friend Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon