Chapter 15

5.2K 155 5
                                    

Ngumiwi ako nang makita at madaanan ang mga umiiyak at nagyayakapan na graduates. Hindi ko mapigilan ang mapairap habang pinagmamasdan sila.

Wearing a black neck collared flare dress and block heels, I followed my parents getting in the sea of people. I really hated my dress today but my father picked this dress which is so so out-of-the-way in so many levels.

Noon pa man, wala itong pakealam sa isinusuot ko kaya nakakapagtaka na inihatid pa niya kanina sa silid ko ang damit at sapatos na susuutin ko ngayon. Hindi ko rin inasahan na magkakasama kaming babatiin si Kai ngayon. Ang plano ko ay idadaan ko lang ang regalo ko rito tapos ay uuwi na.

I pursed my lips as my eyes darted at my sling bag. Nasa loob nito ang isang maliit na box kung saan nakalagay ang regalo ko.

First off, it's not a box of condom. I have realized that I might give him lewd ideas kung isang kahon ng condom ang ibibigay ko sa kanya. Baka isipin niya na hayok na hayok ako sa kanya na maging condom na gagamitin niya ay ako pa ang magbibigay.

My face grimaced when I imagine him, teasing me that. No fucking way. Not a fucking chance.

Sa malayo pa lang ay tanaw ko na siya na pinagkakaguluhan ng mga babae. Pasalit-salit ang kumukuha ng larawan kasama siya. At talaga nga namang gustong-gusto niya ang nakukuhang atensyon. Hindi ko mapigilan ang mapairap nang mapansin ang maaliwalas nitong mukha. I bet he already fucked all those girls.

Hindi kami makalapit dahil sa mga babae niya. Maging ang pamilya niya ay nalalayo na rin sa kanya sa dami nang kumukuha ng larawan kasama siya.

He accidentally glanced at our side. Mabilis akong umirap nang ngumuso ito matapos makita ang suot ko.

"Step!" si Tita Geneva nang mamataan ako. Hindi ko napansin na nakalapit na pala ito sa amin. Sa kanyang likod ang kapatid ni Kai na mukhang iritado na rin sa paligid. I smirked when she gave me an eye roll. She really hates me.

"Tita." I said after our quick yet tight hug.

"Ang tagal mo nang hindi nakakadalaw sa bahay. Iniisip ko tuloy na nagtatampo ka sa amin." biro nito na ikinangiti ko ng pilit sa Ginang na nasa harap.

I am a bit guilty though. Hindi dahil sa totoong nagtatampo ako sa kanila. Iyon ay dahil sa hindi na ako dumalaw pa sa kanila simula nang araw na makita kong may kahalikan si Kai.

I was seven then and he was eight years old when I saw that. He was just eight and he already knew how to kiss torridly! Imagine my horror when I saw my crush french kissing the girl I despised the most that time.

Hindi ko naman sinasadya na makita iyon. I was just peeking at his room when I saw him kissing Olivia, a neighbor of him, in his room. Matanda iyon sa kanya ng limang taon at halata namang may pagnanasa sa kanya. That was the first time I had seen torrid kissing live!

Wait, was she his first?

Ngayon na naalala ko ang araw na iyon ay gusto ko tuloy itanong bigla sa kanya.

"Nasaan ang regalo ko?" biglang singit ni Kai sa usapan nang makawala sa mga babae niya. Pumagitna siya sa kanyang mga magulang at inakbayan ito pareho na parang barkada lang.

Sinubukan kong iligaw ang tingin sa kanya pero sa huli ay natunton pa rin niya ang umiiwas kong mga tingin. Kumurba ang kanyang mga labi nang magtama ang tingin naming dalawa.

I will not lie. He has the most captivating smile. Kung ikukumpara kay Ace, magkaibang-magkaiba ang ngiti nilang dalawa. I rarely see Ace smile. Pero itong lalaking nasa harap ay parang naka dikit na sa mukha nito ang ngiti at hindi matanggal-tanggal.

"Nikolai." tawag ni Tito Nick sa kanya, tunog nagbabanta.

"'Kit Pa? Papaluin niyo 'ko rito?" he asked with a mischievous smile. He winced when Tita Geneva pinched his side while Tito Nick playfully pulled his hair.

I watched him talk to his parents with envy. Buong buhay ko, hindi ko nagawang akbayan ang Mommy at Daddy. Hindi ko rin magawang halikan ang mga magulang kung walang mga nakamatyag na tao. Ang tanging pagkakataon na nahahawakan ko ang kamay nila ay tuwing nagmamano lang. Liban na lang kung kailangan naming maghawak-kamay sa mga event katulad ng graduation at kung sa loob ng simbahan. Other than that, wala na akong maalala. I have never said my I love you as well to them.

I smiled bitterly when I noticed our distance. Mapapisikal man ay hindi pa rin nawawala ang distansya sa pagitan ko at ng mga magulang.

As you can see, we are not the sweet kind of a family. I am always meter or meters apart from them. Hindi nagkulang na ipadama at ipaalala sa amin ni Luke ang linya sa pagitan ng magulang at anak. So, I have never tried doing the things I am doing to my friends.

Minsan, hindi ko mapigilang mapaisip na baka kami lang ang ganito. And yet, I don't see anything wrong about that. I have always thought that it's all right. What I have been doing and how my parents has raised me were right and appropriate. Pero sa tuwing nakikita ko ang isang pamilyang masaya katulad ng nasa harap ko ngayon ay hindi ko mapigilang mag agam-agam.

Seeing the smile on their faces made me realize that it is fine to treat your parents as your friends. Malaya kang makakapagbiro sa kanila at masasabi ang saloobin mo kahit pa salungat sa kanilang pananaw.

Meanwhile, I could never do that to my parents dahil habang lumalaki ako, I have set this attitude that those were inappropriate and disrespectful. Una pa lang, alam ko rin namang hindi magugustuhan ng mga magulang kung subukan ko sa kanila ang ginagawa ni Kai sa mga magulang niya ngayon.

And maybe I should accept the truth that there are different kind of parents. For some parents, they sometimes allow their children to cross the line in exchange of getting closer with their children while for some, they just never allow it.

"Estefania."

Bumaling ako sa ama nang tawagin niya ang pangalan ko. Nasa loob na kami ngayon ng aming sasakyan. Ang ama ay nasa driver seat, ang kanina pang tahimik na ina ay nasa shotgun seat habang ako ay nasa backseat.

Our eyes met in the rearview mirror. Even from there, I could still feel his dominance and power.

"We'll get dinner with the Almendarez. Be on your best behavior."

I only nodded my head and looked outside the window. Isinandal ko ang ulo sa bintana at malalim na bumuntong-hininga.

Sa tuwing kasama niya ako ay palagi niya iyong ipinapaalala sa akin. He never fails on reminding me that.

He really thinks I will always cause a mistake and humiliate him whenever I am with him. Am I really that scandalous to him?

Huminto ang sasakyan sa isang first-rate restaurant sa lugar. Huli akong bumaba sa sasakyan. Hindi ko inaasahan na naghihintay pala siya sa'kin habang ang mga magulang namin ay nauna na sa loob. Hindi kasama si Hope sa dinner dahil may iba itong lakad. Malamang ay angkas-angkas na 'yon ni Harvey sa motor niya ngayon.

Still, this man in front of me seems oblivious with what's happening to his sister. Hindi ko alam kung makakangiti pa siya ng ganyan sa oras na malaman niyang may boyfriend na ang nag-iisang kapatid. I can't hide my smirk thinking of that.

"Pormal natin ngayon ah? Saang simbahan ka galing?"

"Ikaw, punta kang JS Prom?" agad kong ganti sa kanya na ikinahalakhak niya ng wagas. He already removed his black gown and cap kaya isang puting long sleeve polo shirt at itim na slacks na lang ang suot niya ngayon. He tucked in his shirt showing his black leather belt.

Luminga-linga ako sa paligid dahil ang lakas-lakas ng tawa niya. I have to cover his mouth with my hand dahil hindi na ito matigil sa pagtawa. Nakakahiyang kasama ang isang 'to. Saka ko lang inalis ang kamay sa bibig niya nang mawala ang panginginig nito dahil sa tawa niya.

"Regalo ko?" nakangiti nitong tanong, ang mga kamay ay nakalahad na sa harap.

"Wala." sabi ko at umiwas sa kanya.

"Talaga?" makulit nitong tanong at hinablot ang sling bag ko!

"Wala nga, Kai!" kabado kong sigaw dahil ang bilis ng kamay niya! I was surprised by his fast movement.

Akala ko ay mahihirapan pa akong kunin sa kanya ang bag pero siya rin ang nagbalik sa'kin nang marinig na tumaas ang boses ko. Malalim ang paghinga ko habang masama ang tingin sa kanya.

"Wala talaga?"

"Wala!" I shouted as I turned my back to him. I started digging the small box in my bag.

"Oh sige. Ikaw na lang."

Bumaling ako sa kanya, kunot ang noo.

Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tahip ng dibdib ko. Hindi naman ganoon kalayo ang tinakbo ko. Higit sa lahat, nasaan na ba ang box na 'yon?!

"Sarili mo na lang i-regalo mo sa'kin. Tutal, karega-regalo ka naman." maloko nitong wika saka ako kinindatan.

"Gago." I said and he laughed. Maging ang mga mata niya ay sumasabay sa pag ngiti ng kanyang mga labi.

Nang mahanap ng kamay ang maliit na kahon ay tinapon ko 'yon sa mukha niya. Nang makitang nasambot naman niya ito ay tinalikuran ko na siya at mabilis ang mga hakbang naglakad patungo sa loob ng restaurant.

"Ano 'to? Condom?" malakas nitong tanong kaya nabaling ang atensyon sa aming dalawa ng mga taong pumapasok at lumalabas sa restaurant.

I swore his name and made a 180 degree turn. Huli ko ang malawak nitong ngiti at habang palapit ako ay mas lalo lang lumalawak ang ngiti nito. Nakakainis.

"Salamat sa sustento-"

"Tang ina mo Kai." hindi ko mapigilang murahin siya dahil ang daming nakakarinig sa kanya! Ang sama at ang malisyoso tuloy ng tingin sa amin ng mga matatandang nakakarinig sa kanya.

"Biro lang."

Hindi ko alam kung paano niya ako nauto para kumalma. Basta't natagpuan ko na lang ang sarili ko kasama siya sa maliit na hardin sa tabi ng restaurant. Pareho kaming nakasandal sa flower box, nakaharap sa kalsada, pinagmamasdan ang mga sasakyang dumadaan at mga taong naglalakad.

It's already a time of sundown. Unti-unting lumulukob sa kalangitan ang pinagsamang liwanag sa pagitan ng araw at gabi.

Noong bata pa ako, akala ko puti, asul at itim lang ang kulay na kayang ibigay ng kalangitan. Pero ngayon, habang pinagmamasdan ko ang kalangitan... the sky has lots of colors. Sa sobrang dami ay hindi ko masundan ang pag-iiba nito hanggang sa sakupin na ito ng abo at kalaunan ay umitim na.

Watching how these unfamiliar colors change abruptly made me realize something. Marahil ay pinasilip lang sa'kin ng kalangitan na kahit patapos na ang araw ay kaya pa nitong magbigay nang maraming kulay, mas marami at mas matingkad pa sa asul at puti na ipinakita niya sa'kin buong araw. Sa haba ng oras na tanging asul at puti lang ang kanyang pinakita ay hindi mo aasahang makapagbibigay pa ito nang mas maraming kulay sa kaunting panahon.

Same goes with people. Hindi mo masasabi na hanggang dito lang ang kaya ng taong 'to. At maging sa kinabukasan. You can't tell what will happen ahead.

Naalis lang ang tingin ko sa kalangitan nang marinig ang pag kalansing ng ear cuffs sa loob ng kahon.

"Ano 'to?" he asked as he shook the box near his ear.

"Stupid." bulong ko sa sarili at hinablot sa kanya ang box. Nang mabuksan ay kinuha ko ang isang set ng earcuff at basta na lang itinapon sa basurahan ang box.

"Bakit mo tinapon?!" he asked and neared the trash can to get the box there. My forehead creased when he really took an effort to do that.

Umirap ako nang makatayo siya ng maayos sa harapan ko, abala na ngayon sa pag pagpag sa dumi ng box na nakuha sa basurahan.

Looking at him, this guy has an immaculate physique. Wala akong makitang kamalian sa kanyang pigura. If there's one thing that missing on him, that's imperfection. Kaya hindi na rin kataka-taka ang sandamakmak na mga kababaehang nahuhumaling sa kanya.

We both heaved a deep sigh kaya nagkatinginan kaming dalawa. Katulad ko ay sinisipat niya rin ang kabuuan ko.

"Sarap mo sigurong maging asawa." bigla nitong wika at sumandal sa flower box sa aking tabi.

"You already tasted me. Ano pa bang hindi mo natitikman sa'kin?" I asked.

He burst out laughing. "Hindi 'yon Step."

"Sinong niloko mo? Nahuli kitang nakatingin sa katawan ko."

Umiling ito, natatawa. "Kapag nakatingin sa katawan, iyon agad?"

"Hindi ba?"

"Hindi." mariin nitong tanggi.

Umirap ako. "Arte mo. Tawag nang laman lang 'yan."

"Tss."

"Tss." I copied his response that made him smile. Sa huli ay hindi rin mapigilan ang matawa kaya napangiti na rin ako sa kagaguhan niya.

He then lightly nudged me kaya bumaling ako sa kanya. I caught him looking at my dress again. I arched my brow and my eyes went down.

"Ano, tinitigasan ka?"

"Fuck no!" mabilis nitong tanggi. "Have some filter with your mouth, woman." he said, so stressed.

"Lagay mo na nga lang sa'kin 'to." wika na lamang niya saka inilahad sa akin ang earcuffs na nasa kanyang palad. I get one and glanced at his right ear.

"Kailangan pa ba?" sarkastiko kong tanong habang tinitingnan ang tenga niyang may aksesorya na. He smiled at me and skillfully removed those. Nagulat ako nang basta na lang niya iyong tinapon sa basurahan.

Tumagal pa ng ilang segundo ang mga mata ko sa basurahan bago sa kanya. I shrugged and started putting those on his ears.

Ramdam ko ang mahina at mainit na buga ng hangin sa aking noo. Kahit direkta akong nakatingin sa kanyang tenga ay alam kong nakatingin siya sa'kin ngayon.

Tumigil lang ako sa ginagawa nang maramdaman ang daliri niyang nasa labi ko. He was gently rubbing my lower lip with his right thumb. His other hand was on my back, caressing it against the soft fabric of my dress.

I glanced at him and when our eyes met, my heart was being attacked by him. Nagkakagulo sa loob ko. And yet, I refrained myself from showing any symptoms of turmoil he has brought in me.

"Anong ginagawa mo?" matagumpay kong naitawid ang isang pangungusap nang hindi nauutal at pakiramdam ko ay iyon na ang isa sa mga pinakamalaking achievement na nagawa ko sa buhay.

This man is screaming danger. I know and I believe that I am and will always be in danger whenever I'm with him. And yet, I felt so secured when he locked me in his arms. Even how many fucking times I refuse, my heart feels safe, excited and confused with this playboy.

"I wanna kiss you, can I?"

Kumunot ang noo ko sa pagpapaalam niya. We kissed and made out. A lot. Kailanman ay hindi siya nagpaalam sa mga nais niyang gawin sa'kin dahil ang hindi ko panlalaban, kadalasan ay ako pa nga ang nagsisimula ay isang permiso na pinahuhintulatan ko siya sa mga nais niyang gawin sa'kin.

He, asking me for a kiss was beyond him. It was so so out of the box. We did things more than kissing. Now, that he's seeking for my consent was like some sort of stupidity. And this stupidity I'm talking made me feel... cherished?

I don't know!

What I know was that this is so fucked up and what's worse was I like how fucked up this is. Damn, I'm way more stupid than this guy.

"Please." he mumbled as he rested his forehead against mine.

Mas lalo lamang kumunot ang noo ko sa bawat galaw na kanyang ginagawa at sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. I stopped my gasp when he pulled me closer to him. Ayokong magpakita na may epekto siya sa'kin. Pero maging ang sarili ay hindi ko na rin makontrol. Kahit anong pilit kong pagpapakalma sa sarili ay hindi ko na magawa. Ilang beses akong kumurap at suminghap dahil sa kanya.

"I've never been this obsessed to taste someone's lips..." he murmured and moved his face forward to touch his nose with mine before his lips to mine.

He brought me in peace and in chaos when our lips touched. I have already lost count on how many times we have kissed but every damn time we kiss, it always feels like the first time. As if every kiss we have shared were all brand new. I am used to his lips but every touch of his lips with mine scream familiarity and new at the same time.

I closed my eyes tight when I realized how sinful his lips are. And I hate myself for this. I hate that I am willing to be a sinner for this.

Watch my Step (Friend Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon