"Balot na balot a? Sa'n ka niyan?" tanong ni Harvey nang makalabas ako ng bahay. One glance at my side, I already captured his position. Leaning against the wooden fence that separates our yard is Harvey de Silva in his morning look.
"Sa site." tipid kong tugon habang kinakandado ang pinto ng bahay kong madaming kanto, mali ang lagay ng partition at hagdan at may substandard na upuan!
Dahil sa mga narinig kong komento niya sa bahay ko ay wala na akong makitang maganda rito. Kaya kinaumagahan ay tinanggal ko na ang lahat ng mga substandard kong kagamitan sa bahay. Baka bukas ay ipagiba ko na rin ang partition at hagdan. O 'di kaya ay ipagiba ko na lang ang buong bahay?
Ugh. I was frustrated. Sa bahay, kay Ace, sa kanya at higit sa lahat ay sa sarili ko. I can just ignore it all but my mind won't let me.
I sucked in a deep breath when I remember our last encounter. Isama pa 'yon. The way he evaluated my credibility as an engineer hit my ego big-time. Kaya simula noon ay palagi akong maaga sa site at late rin kung umuwi.
I also changed my working clothes. From blazers to long sleeve shirts. Kagaya ng suot ko ngayon, I'm wearing a see through bishop sleeve shirt paired with trousers. I know I was overly formal with my clothes for a normal day at work pero ito na ang nakagawian kong isuot simula noon.
If this is not submission, I don't know what is this anymore. And I know why I'm trying so hard to please him. Kahit pa, hindi naman siya nalalagi roon at hindi nakikita ang pagbabago sa kasuotan ko at sa pagtatrabaho ko. I just want to change based on his likings.
Minsan ay naguguluhan din ako sa ginagawa kong ito. I cannot exactly pinpoint my utmost reason why I'm doing these things. Was I only driven by my conscience to do this? Or was I already seeking for his forgiveness? Kahit pa, imposible ang mapatawad niya ako, may malaking parte sa'kin na umaasa na maibibigay niya sa'kin 'yon.
I was spontaneous and careless and blind kaya walang magandang pinatunguhan ang mga nagawa kong desisyon noon. I've always made mistakes because I didn't think things thoroughly and I've usually failed to see my faults as I was blinded by emotion. And I carelessly made decisions out of it kaya ngayon ay sinusubukan kong baguhin ang mga katangian kong 'yon.
Change is good but it's never easy, I tell you. Kung iisipin ko ngayon ay napakaimposible ang magbago lalo pa't laging nandiyan at nanunukso ang mga masamang nakagawian. Kaya habang nasa proseso ako ng pagbabago ay mananatiling imposible sa'kin ang magbago.
Ang malutong na pagtama ng gulong ng aking sasakyan sa graba ang umahon sa'kin para ibalik ako sa reyalidad. Pagkarating ko sa site ay kakaunti pa lang ang mga worker na naroon at hindi pa nagsisimula ang trabaho. Maaga ako nang tatlumpung minuto kaya ang ilan ay naghahanda pa lang.
I responded to their greetings as I made my way to my office. Soon as I sat in my desk, I started working. Minsan ay lumalabas ako para tingnan ang trabaho nila o sa tuwing may ikinokonsulta ang foreman sa'kin. Kakatapos lang ng lunch ay kausap ko na naman siya habang tinatanaw namin ang mga worker sa taas, abala sa pagkabit ng I-beams.
"Pa'no 'yan Engineer, itong first batch ng steel beams ay 'di aprubado ni Architect,"
Malalim akong napaisip sa sinabi ng foreman. Kung aalisin ko pa ang lahat ng steel beams na naikabit at hihintayin pa ang pag-angkat ng materyales na gusto niya mula sa ibang bansa, masisira ang timeline estimates na ipinangako ko sa kliyente. Mabibitin ang trabaho. Maliban doon ay malaking pera ang mawawala.
Lumingon ako sa kausap, "Ano'ng sabi ni Engineer Llavan?"
"Ang sabi ay hayaan na lang daw ang suhestiyon ni Architect dahil ikaw raw ang masusunod sa bagay na ito,"
Pumikit ako nang mariin at mariing tumango. "Sige. Ipagpatuloy niyo lang ang construction. Ako na ang kakausap kay Architect."
Mabilis na tumango ang foreman, "Sige po, Engineer!" ani nito at nagpaalam.
Gravels crackled when a vehicle went in the site. Tumalikod ako sa tinitingnan na gusali para tingnan ang paparating. Kaagad akong naalarma nang mamukhaan ang sasakyan.
Ang namumuong pawis sa noo ay tuluyan nang nagkandahulog habang tinatanaw ang papalapit na sasakyan. Mabilis din ang tahip ng aking dibdib dahil makalipas ang ilang linggo ay ngayon lang siya bumisita rito sa site!
I immediately removed my hard hat and ran my fingers through my shiny black hair. I was walking to his car when the door of the driver's seat opened.
His white dress shirt and slacks made me gasp for breath. The last time I've seen him, he done a white casual shirt and faded jeans. Kahit alin sa dalawa, he exhibits those styles so well.
One sidelong glance at my direction, hindi na siya muling lumingon pa sa kinaroroonan ko. I watched him turned around the hood of his car and opened the door beside the passenger seat. My pace slowed down when a woman climbed out from the vehicle.
"Of course. I whispered as I scrutinized the woman she's with. Another woman with slender figure I see. Hapit na hapit sa manipis na katawan ang mini dress na suot with plunging neckline.
Ngayon ko napagtanto ang katawa-tawa kong ayos. He encouraged me to wear this kind of clothes kahit ayaw ko dahil gusto kong palugurin siya. Pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang hindi na kailangan ang ganitong ayos, Estefania.
Tiim-bagang akong nagbalik-tanaw, sinasariwa ang galit na mukha ni Kai dahil sa suot ko. While this woman is free to be with him without a dispute?! Saka anong ginagawa niya rito? Maghahalo ng semento?
Inihanda ko ang pekeng ngiti saka sila tuluyang sinalubong.
"Architect!" patuya kong tawag sa kanya. Masama agad ang tingin na ipinataw niya sa'kin. Mabilis lamang iyon at kaagad ding ibinalik sa kasama. He's obviously paying no attention to me.
"This is Saksiah, anak ni Mr. Zafra. She'll check the construction."
I drew my lips together, slowly nodding my head. "All right." I just said, walang balak na magpakilala sa babaeng dala niya. Lumingon ako sa likod para tumawag ng worker na maghahatid ng hardhat dito.
"Isa pa, manong." ani ko dahil isa lang ang inihatid niya. I handed it to the woman. She gave me a smile then her eyes went down. Pansin ko na pinipigilan niya ang sarili na matawa habang tinitingnan ang suot ko kaya mas lalo lamang akong nairita. Hindi na ako magsusuot ng ganito bukas, paalala ko sa sarili.
"Let's go, Architect." anyaya niya kay Kai nang matapos maisuot ang hardhat.
"Kai... I mean... Architect." tawag ko nang akmang susunod na siya sa babae.
Inabot ko sa kanya ang hardhat. "Hihintayin ko na lang 'yong isa," wika ko dahil mukhang atat na atat na siyang pumasok sa loob.
Isang naninimbang na tingin ang iginawad niya sa'kin saka niya kinuha ang hardhat. Ang pumupormang ngiti sa aking labi ay mabilis na naglaho hindi pa man ito nabubuo nang talikuran niya ako.
Hindi ko mapigilang mapairap. Kailan pa siya naging suplado?
Habang hinihintay ang hardhat ay lumapit ako sa bukana ng gusali para kunin ang mga nagkalat na sako ng semento at maliliit na slab para itabi. Panaka-naka akong sumisilip sa loob para tingnan ang nangyayari. I tilted my head when I heard the woman's laugh resonated in the walls.
With brows furrowed, dahan-dahan akong pumasok sa loob. Nang hindi ko sila mahanap sa entrada ng gusali ay mabilis akong pumasok sa pinakaloob, hindi na hinintay ang pagdating ng hardhat.
Ang kunot sa aking noo ay mas lalo pang kumunot nang hindi ko sila mahanap. Maliban sa mga trabahador na nagdadala ng semento at steel sa itaas ay wala na akong makitang tao sa unang palapag.
Umakyat ako sa ikalawang palapag at sumilip-silip mula sa hagdan, hindi pa tuluyang nakakaakyat.
"Ma'am!"
"Sorry, sorry!"
Kaagad akong gumilid para magbigay daan sa mga trabahador na may pasan-pasang semento.
"Hardhat po engineer." paalala sa akin ng isa na nginitian ko lang.
"Si Architect?" tanong ko sa isa nang makaakyat ako sa ikalawang palapag. Wala sila rito.
"Nasa third floor po."
Ang bilis naman yata nila? Are they really checking the building o baka naman ang isa't isa ang sinisiyasat nila?
The idea made my heart throb. Hindi ko alam kung para saan ang kaba ko. Wala sa sarili akong naglakad patungo sa hagdan, yumuyuko sa tuwing madadaanan ang scaffold.
Paakyat na sana ako sa hagdan nang makita kong pababa na sila! Shit! Mabilis akong tumalikod para bumalik, hindi alintana ang scaffold na madadaanan at huli na para maiwasan. I whimpered in pain when my head hit the scaffold! Napaatras ako at pikit-matang sinapo ang natamaang noo.
"Engineer!"
May mga narinig akong nahulog na equipment o materyales sa sahig. Kaagad na may umalalay at tumulong sa'kin, dinala ako sa malayo sa scaffold at pinaupo sa stool. Nahihilo ako at nanatiling nakapikit ang mga mata kaya pinakiramdaman ko na lang ang paligid.
Everyone's trying to find an ice pack or ice pero wala roon ang atensyon ko. I was too focused feeling the pain on my forehead until a strong hand removed my hand on my forehead and replaced it with a cold folded cloth.
"Where's your hardhat, Engineer?"
My breathing hitched upon hearing his raspy voice. Unti-unti kong minulat ang mga mata na kaagad ko ring pinagsisihan. He jailed my hands with his hand over my lap when I tried to move. He's kneeling in front of me, abala ang parehong kamay sa kanya-kanyang gawain.
His face darkened even more. His jaw clenched with such force while staring at me darkly. "If you can't practice safety–"
"I'm sorry–"
"Shut the fuck up!" he growled.
I moved, surprised with the intensity of his voice. Hindi lang ako ang nagitla sa pagtaas ng kanyang boses. Maging ang mga worker at si Saksiah ay ganoon din ang reaksyon.
"Isang pagkakamali pa, aalisin na kita sa trabahong 'to." he cruelly said, dropped the cloth with such force and left the floor.
BINABASA MO ANG
Watch my Step (Friend Series #4)
RomanceStatus: Completed Step, a stone-cold playgirl, had finally met her match when she intended to stomp her feet on the notorious playboy of St. Joseph. Never in her wildest dream had she ever dreamt that a match she started to play with will only burn...