"Wala ka talagang plano sabihin sa amin 'to?" Eve's voice reverberated throughout my condo unit. Inihilamos ko ang mga palad sa mukha para maiwasan ang matatalim nilang tingin sa akin.
After the groundbreaking ceremony yesterday ay umuwi na kaagad ako. Hindi na ako sumama pa sa buffet luncheon na inihanda ng kompanya para sa lahat. Staying at the same place with him means more opportunities of interaction with him. And I can't afford another intense interaction with him!
"Ikinasal ka na pala? I mean, naunahan mo pa pala ako? At annulled ka na rin pala ngayon?!" itinapon ni Rain ang throw pillow sa kandungan ni Raven saka tumayo at nagpalakad-lakad sa harapan.
"Grabe. 'Di ako makapaniwala!" eksaherada niyang wika at namaywang sa harapan ko.
"Ganito na pala sa'tin ngayon." namaypay si Harvey gamit ang pamaypay ni Eve na mukha ng boyfriend ang naka-imprenta.
"Ano? Si Alric na lang ang kaibigan mo rito?" France added.
"Really, Tep?" Raven seconded.
Kabado ko silang tiningnan isa-isa. I bit the inside of my cheek and looked back at Alric. Hindi katulad ko ay tuwang-tuwa siya sa nangyayari ngayon. I glared at him. He only shot a brow at me.
This confession was long overdue. Matagal ko na ring gustong sabihin sa kanila ito, ngayon lang nagkalakas loob dahil tapos na. It's always been like that. You've only got the disposition to tell your problems to others once you've already put solutions to it. I wasn't just avoiding their criticisms and suggestions. I also don't want them to interfere with my decisions dahil alam ko kung hanggang saan ang kakayahan ng impluwensya nila sa akin. It's only a matter of suggestion of my friends for me to turn tables.
"I just know that you and Kai are in some sort of relationship pero hindi ang aabot sa kasal." ani ni France.
Kumibot ang labi ko sa sinabi ng kaibigan. Si France ang palagi kong kasa-kasama ko noon kaya hindi imposible ang may mapansin siya sa akin. At alam ko na kahit ano pa ang pananahimik ko, mapapansin niya ang mga tingin sa akin ni Kai noong rehearsal pa lang namin sa waltz, kung saan nagsimula ang lahat at ang ilang beses niyang pagkahuli sa amin na may ginagawa.
Ganoon din si Harvey. Hindi nakatakas sa kanya ang ilang beses na paghila sa'kin ni Kai sa tuwing magkasama kaming nag-aaral. Palagi rin kaming nagpapang-abutan sa bahay ng mga Almendarez sa tuwing sinasamahan niya si Hope. Silang dalawa ang kasa-kasama ko palagi noong kolehiyo magpahanggang ngayon kaya hindi na nakakapagtaka kung may alam sila sa amin ni Kai.
A moment of silence took over us. Hinihintay ko ang mga tanong nila ngunit makaraan ang ilang minuto ay wala pa ring nagtanong kung bakit kami naghiwalay. I don't know if that's a good thing but I felt at ease somehow. I also don't have the initiative to share it to them. My betrayal to my spouse isn't something I should be proud of anyway.
We decided to take our lunch at the restaurant nearby since Alric has a game this afternoon. Mahuhuli na kami kung magluluto pa kami. We all cleaned our schedules today for this big event. Championship na rin kaya hindi puwedeng palampasin.
Habang kumakain kami ay hindi maiwasan na may mga taong nakakakilala sa kanya at nagpapa picture. He's laughing while signing the boy's shirt as he conversed to the group of boys who seemed to love basketball so much. Mapababae man o lalaki, marami ang humahanga sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/252497834-288-k869574.jpg)
BINABASA MO ANG
Watch my Step (Friend Series #4)
RomanceStatus: Completed Step, a stone-cold playgirl, had finally met her match when she intended to stomp her feet on the notorious playboy of St. Joseph. Never in her wildest dream had she ever dreamt that a match she started to play with will only burn...