After getting fired, I've heard that Harvey's volunteering to take over the project. He didn't tell me though. Sinabi lang sa'kin ni Jai noong huli kong punta sa kompanya para kunin ang mga gamit ko.
Malaking pera ang nawala sa kompanya dahil sa lindol. Other than the earthquake, I am to be blamed too because of the poor workmanship and quality of construction.
My career is failing. Hindi ko alam kung may kukuha pa ba sa akin pagkatapos nang nangyari. Apart from that, my relationship with my parents has long been failing as well. I am not allowed to see my Dad. Even paying a visit to him might cost his own life.
As you can see, everything is failing. I am failing.
The only thing that makes me grateful in this lifetime is my friends. If not for them, happiness could be one of my impossible's too.
"Oh, picture na! Picture na! Aalis na si Jo!" mando ni Rain sa amin nang matapos ayusan ni Eve ang huli.
I let Rain dragged me to the other room. Nandoon nga ang apat at nakapagbihis na.
"Sinong unang ililibing sa inyo?" I said when I find their formal outfits and looks very unusual. Pekeng hahambalusin ako ni Harvey kaya tumakbo ako palayo sa kanya, natatawa.
Rain and Eve helped the guys settled their suits while I am trying to find a good area around the suite where we could take pictures. Una kong kinuhaan ang anim na abala sa pag-ayos ng mga suot na damit. Nang makahanap sa grand staircase ay kaagad ko silang tinawag. Sumunod naman ay sa chesterfield. We made weird poses as per Rain instruction.
"Can't we take a formal photo?" Raven butted in. Kanina ko pa napapansin ang reklamo ng lalaking ito pero sinusunod din ang utos ni Rain.
We're now taking a mirror groufie in the floor to ceiling mirror as we carried Harvey's heavy body. I mean, si Alric, France at Ry lang ang bumubuhat kay Harvey dahil ang ginawa naming tatlo ay humawak lang sa damit ng kaibigang ikakasal.
"Tep, bilisan mo. Ang bigat ng tang'nang 'to." Alric grunted followed by endless curses from Harvey. Panay ang click ko sa capture icon, wala nang pakealam kung wala sa timing. Lahat kami ay natatawa sa pinaggagawa namin.
"Wait, 'di pa tapos!" Rain complained when the four turned their back on us after the group picture in in the mirror.
"That's enough Rain." ani ni Raven nang hindi kami nililingon.
"Baka 'di makasal si Jo ngayon dahil diyan." France said before he left the suite.
Rain rolled her eyes and mumbled something. Sa huli ay wala kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanilang bumaba na ng basement.
My friends are so bothered with the earthquake incident just a week after. So bothered that Harvey wanted to move the wedding which I refrained him to do so. Maliban sa ilang sugat at gasgas sa braso at tuhod ay wala na akong natamong malalang injury.
Ngunit ang iniisip nila ay ang masamang dulot ng trahedya sa'kin. I must be depressed and unhappy with what had happened. Truth be told, I am unhappy with the circumstance. The downfall of my career is one of the few things that can affect me deeply.
Maliban sa kalungkutan ay wala na akong nararamdamang panghihinayang. I saved the workers. Walang nasawing buhay and that what matters most. I also have learned that I should not blame myself for the things I don't have control.
"Take a rest. Getting you fired means you have to take a full rest." Luke said.
Nang gabi ring iyon ay binisita ako ng kapatid sa bahay kasama ang asawa niya. Sinundan ko ng tingin ang asawa niyang maingat na hinihiwa sa walo ang round chocolate cake na dala.
I laughed with no humor in it. "Ano 'yan? Payong pampalubag-loob?" ani ko at bumaling sa kapatid na nakasandal sa island counter. He removed his back from the counter and neared his wife.
"What I'm saying is, don't mope too much. If you're thinking of finding a new job. May trabahong naghihintay sa'yo sa kompanya."
Umismid ako at sumimsim sa baso ko ng tubig. "You know I can't work there-"
"Si Dad mismo ang nagsabi sa'kin na puwede,"
Gulat ko siyang nilingon, kunot ang noong nakipagsukatan ng tingin sa kapatid. "You're bluffing-"
"I'm not, Step." seryoso niyang sabi.
Kung hindi ko lang kilala si Luke, iisipin kong niloloko niya lang ako pero wala sa katangian niya ang mag-aksaya ng panahon para manloko.
"He's telling the truth, Step." his wife added.
"Si Dad din ang nagsabi na bisitahin ka namin ngayon. Not that weren't planning to visit you, but he insisted Tep. And it's something that means the whole world right?"
I stared at them and for a moment I think of my parents. Naisip ko kung anong uri ng relasyon mayroon ako, bilang anak, sa kanila na mga magulang ko. And with all honesty, we really do not have that ideal bond of kinship.
Hindi kami kagaya ng ibang pamilya na normal ang yakapan at tawanan sa kanila. At palagi kong hinanap ang mga iyon sa sarili kong pamilya dahil iyon ang kulang sa amin. Dahil ganoon naman talaga. Kung ano ang wala sa atin, iyon ang hahanap-hanapin. Ang kasamaan nga lang noon, sa sobrang paghahangad ng kakulangan ay siyang kawalan ng halaga sa kung anong mayroon tayo ngayon.
I failed to see that I'm still blessed for having my parents. Despite of their flaws, I'm still blessed. Seeking for a perfect family, for perfection is something that is seemingly impossible.
"Hoy Jo, mag-ingat ka." Eve reminded him again after reaching the basement.
Ang itim na motorbike ni Harvey ang sasakyan niya papuntang simbahan habang ang tatlo ay dala ang kanya-kanyang sasakyan at makikisakay rin lang kami nina Rain at Eve sa kanila.
Harvey smirked and made a salute at us. "Yes boss."
Sinapak ko nga dahil baka maaksidente na naman ang isang 'to. Hindi nagseseryoso kahit kailan.
Nang makalabas siya sa basement ay siyang pagpasok ko sa sasakyan ni France. Kaagad naming binuntutan si Harvey papuntang simbahan.
We reached the church early. Nasa hagdan pa lang ako ng simbahan ay nakakahalina na ang maliwanag nitong loob. Sa entrada pa lang ay naningkit na ang aking mga mata sa liwanag ng mga ilaw sa itaas. Walang kadilimang makakapagtago rito, sa isip ko.
Bigla kong naisip si Harvey at naalala ang mga panahong madilim at napakahirap para sa kanya ang lahat... para sa amin dahil nakikita namin siyang nahihirapan. At ngayon na ikakasal na siya sa babaeng pinakamamahal niya, kumikirot ang dibdib ko sa galak na nararamdaman.
Hope and Harvey are perfect for each other. Like how the moon and stars appear together at night, how the waves kiss the sand endlessly and how the river artlessly flows down the lake.
Ngunit kahit gaano pa kaperpekto ang dalawang bagay sa isa't isa, hindi ito sasapat para maitaboy ang depekto sa kanilang pagsasama. Dahil minsan, maging ang kinang ng bituin at buwan ay natatakluban ng kadiliman, ang malamyos na halik ng alon sa baybayin ay humahagupit sa tuwing masama ang panahon at nauubos din ang ilog sa kakahatid ng tubig sa lawa. Maging ang pagmamahal ay hindi sasapat.
I roamed my eyes around the church. I will always get fascinated with the appearance of a church wedding. I'm not a very romantic person but I know how to appreciate romance.
And this, this is romance.
The ambiance is filled with romance. From the aisle that is filled with ember colored petals of roses to the archway covered with lights. Long curtains in ember are dancing at the both sides of the church.
Then my eyes lingered at the altar, at Him.
Marriage, after all, is a covenant of love. Simbolo nang pagpapasakop sa Kanya. Panunumpa ng dalawang taong nagmamahalan sa ilalim ng Kanyang presensya. At tanda nang kahandaan sa pagbuo at pagkakaroon ng ikalawa at huling pamilya.
Malaking pagkakamali ang nagawa ko noong magpakasal ako nang hindi alam ang lahat ng mga alam ko ngayon. Hindi ako naging maingat sa mga naging desisyon ko noon. Hinayaan ko ang sariling mabulag sa nararamdaman na maling-mali. Kailangan ko pang magkasala nang labis para mapagtanto ang lahat ng mga ito.
"The bride is here!" sigaw ng isa na siyang umudyok sa'kin para lumingon sa labas ng matayog na simbahan.
A white car tailed by four to six black cars gets into line. People flock at the entrance of the church to welcome the bride and her company. Karamihan ay mga media rin lang na nakikiusyuso. The security is trying to clear the way for the bride.
Rain elbowed me. "'Tamo iiyak 'yan mamaya." tukoy niya kay Harvey na nasa unahan na't karga-karga ang anak. Katulad niya ay nakasuot din ng itim na tuxedo. I smirked as I watch him baby talk to his son. Walang duda.
Sa likod naman nila ay ang tatlo. Sinusubukang mag-seryoso ni Ry at France pero may kung anong kinukuwentong nakakatawa si Alric kaya sa huli ay tumatawa na rin ang dalawa.
The wedding organizer alerted us to be ready kaya nagkahiwa-hiwalay na kaming tatlo. I saw Ace and Aesthrielle nearing Rain. Their daughter is holding a basket full of white roses. Like Raniyah, she's wearing an ember colored gown. They almost have the same outfit and looks except the flower crown on Aesthrielle's head.
I glanced at the entrance and caught Kai's eyes on me. Humugot ako nang malalim na hininga nang walang pag-aalangan niyang tinahak ang daan patungo sa akin sa kabila ng mga taong makakabangga. Bumunggo ang balikat niya nang umikot siya't tumabi sa'kin. Sabay ang pagtalon ng puso ko.
"Kanina ka pa?" he casually asked that surprised me.
I looked at him with parted lips. Kaagad ko ring itinikom nang suklian niya kaagad ang paninitig ko.
"Huh? Ah, o-oo." natataranta kong sagot.
After the earthquake incident, I can feel that something in him has changed. That kind of change that can't be seen but felt. Hindi ko alam. Hindi ko rin maintindihan ang mga pinagsasabi ko. Hindi rin naman kami nag-iimikan masyado pero alam kong sa ilalim ng mga tingin niya sa'kin ay may nagbago. I can't pinpoint what exactly it was.
When the wind blows, my eyes catch the earcuffs I gave him. He's wearing it again. Mabilis akong umiwas ng tingin nang mabingi ako sa ingay ng aking dibdib.
Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang kanina pa abala sa pag-ayos ng manggas ng dress shirt niya. It distracted me. Kanina habang naglalakad siya palapit sa akin ay iyon na kaagad ang pinagkakaabalahan ng kamay niya.
"Uh, wala kang cufflinks?" tanong ko nang mapansing kulang siya no'n. Ang mga kasama niyang groomsmen ay may suot na customized cufflinks kung saan nakaukit ang pangalan ni Harvey at Hope kaya napansin ko na wala ang sa kanya.
My eyes drifted at him when I got no answer from him.
"Nakalimutan ko." he answered, pursing his lips as he prolonged the [o] sound. Ang labas tuloy ay tunog nagsusumbong ang kanyang boses.
My lips formed in a thin line, wanting to suppress my smile until it dies down. Tumango ako, tinutulungan ang sariling makamit ang layunin.
Nagtagal ang tingin ko sa dulo ng kanyang manggas. Nang makaisip ng posibleng solusyon ay kaagad kong itinaas ang mga kamay at inalis sa tenga ang diamond earrings na suot.
"I think this will do." sabi ko at nag-angat ng tingin sa kanya. Ngiti ang sinukli ko sa kunot niyang noo.
"Give me your hand." paghingi ko sa kanyang kamay na binigay naman niya agad.
I fastened the cuffs of his white dress shirts using my earrings. I smiled when it worked. Maliban doon ay hindi halatang hikaw. I touched the diamond with my thumb and glanced at him.
He arched his brow as if he's waiting for something to happen.
"Ta-tapos na." sabi ko at umiwas ng tingin. I realized now that I'm still holding his wrist kaya kaagad ko iyong binitawan.
"Kailan ka pa nauutal?" he asked.
Mabuti na lang at dumating ang wedding organizer, nagpaalala na magsisimula na ang bridal procession kaya nabitin ang mga tanong niyang paniguradong maghahatid sa'kin ng kahihiyan.
Pumila na kami. Makalipas lang ang ilang segundo ay pumailanlang na ang awit pang-kasal. Habang naghihintay sa pila, si Rain na nasa likod ko ay panay ang sundot sa tagiliran ko, tinutukso ako kay Kai. Lantaran na ang panunukso kaya hindi ko alam ang unang gagawin. Ang pigilan siya o humingi ng paumanhin kay Kai. Alam kong ayaw niya nang ganito.
Nang makalayo ng ilang metro si Eve at Miko ay tiningnan ko ang wedding organizer. He gave me cue to go and so I looked at Kai and mumbled, "Tara."
He then immediately offered his arm to me. We stared at each other as I slid my hand in the space between his arm and body. I glanced at the diamond on his cuffs again before I held onto his arm.
He rolled the tip of his tongue on his lips. "Kapag maapakan mo pa ako..."
I smiled and shook my head. "Not gonna happen." I confidently said that made him laugh a bit.
We both faced the altar with genuine smiles on our faces and took our first steps. I almost stumbled when his warm hand covered mine holding on his arm. Humigpit ang kapit ko sa kanyang braso nang higpitan niya ang hawak sa kamay ko. Bumaling ako sa kanya pero ang mga mata niya ay nakatutok sa harapan.
A big part of me was confused with the sudden change of his behavior towards me. It feels so surreal. Lalo pa't ibinibigay niya sa'kin ito nang hindi ko pinaghihirapan.
We parted ways as we took different columns of seats. Siya sa kaliwa habang ako naman ay sa kanan kung nasaan ang groom. Sa likod ko nakaupo ang ama at mga kapatid ni Harvey kasama ang kani-kanilang pamilya.
Pinagmasdan ko ang bawat pares na dumadaan sa aisle hanggang sa magsara ang malaking pintuan ng simbahan hudyat na ang bride na ang susunod.
My eyes widen upon seeing Kai's parents standing at the middle of the aisle. Nakatayo sa magkabilang gilid, hinihintay ang anak na pumasok para maihatid nila sa mapapangasawa.
Ang sabi ni Harvey ay hindi sila pupunta. Nagsinungaling siya?
Bumaling ako sa kaibigan para kumpirmahin ang iniisip pero maging siya ay gulat din ang ekspresyong ipinapakita habang nakatingin sa mag-asawang Almendarez. Neither did he expect their appearance today.
Madali kong nahanap ang mga tingin ni Kai dahil tuwing nagagawi ang tingin ko sa kanya ay palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa'kin. Bumaling muli ako sa kinaroroonan ng kanyang mga magulang saka tumingin sa kanya.
He casted a glance at his parents before his eyes drifted back at me. "What?" he mouthed.
I shook my head and smiled at him, a bit hesitant. Sinubukan kong ituon ang buong atensyon sa kasal kahit pa alam ko sa sarili na hindi ko maisasantabi ang presensya ng mga magulang niya ngayon dito.
The wedding march was replaced by a playing piano. The wooden door parted as the male voice resonated through the church. Curtains dance in the wind which gives such a mystical vibe in the entrance of the bride.
Hope in her white wedding gown appeared. Sandali akong napatigil sa ayos niya. She is definitely beautiful. Her natural brown curls cascading down around her shoulders is really her asset since then.
Tiningnan ko ang gawi ng groom nang marinig ang kantiyaw ni Alric. I smirked when I saw redness in the groom's eyes. Rain covered her mouth when she couldn't contain her laugh anymore.
Sa huli ay nakisama rin ako kay Rain at Alric sa pang-aasar sa kaibigan. Tumigil lang ako nang mahuling nakatingin sa akin si Kai. I looked away and pinched my palm when I remember how I laughed so wide earlier. He's probably seen the roof of my mouth! Nakakahiya!
"Mum! Mum!" Joss said, wiggling his body in his father's arms. He's clapping his hand while watching her mother near them. He's pointing at Hope then made a giggle. May binulong si Harvey sa anak na nagpatawa sa kanila pareho. Ngumiti ako sa natunghayan pero kaagad ding napawi nang makitang papalapit si Hope at ang mga magulang niya. Yumuko ako, sinadyang takpan ang mukha ng aking mga buhok. Hinintay ko silang makalayo't makaupo sa kanilang puwesto sa kabilang banda saka ako umangat ng tingin.
I watched Hope and Harvey stood before the altar and listen to them as they exchange vows to each other.
"... Hindi ako intelihenteng tao pero gusto kong baliin ang paniniwalang pinagtagpo pero hindi tinadhana. Dahil noong naghiwalay tayo, iyon ang palagi kong naririnig. Na baka isa raw tayo sa biktima ng dalawang tamang tao na nagkita sa maling pagkakataon. But I don't buy that reason because in my mind, the right person will always be timeless."
"Kesyo gumuguho ang mundo noong una kitang makita, kung ikaw talaga, ikaw na at ikaw lang. Walang rason. Walang maling oras. Walang maling lugar. Ang tanging nagkamali ay ako kaya tayo naghiwalay pero ikaw, mananatali kang tama sa akin sa kahit anong panahon at lugar pa 'yan."
My lips quivered, deeply affected by Harvey's sincerity hindi ko na napigilan ang mapasinghot. I glanced at my two girl best friends beside me who are now wiping their streaming tears.
Ngumiti ako at dumako ang tingin sa katapat naming upuan kung saan nakaupo si Ace, Kai at ang iba pang groomsmen. The two are looking at our direction, brows were furrowed. Seeing us crying probably weirded them out.
"...Sabi ng MVP player kong kaibigan, kung hindi mo kailangan ay hindi Niya ibibigay sa'yo. Ngayon na nandito ka na sa harapan ko, tama nga siya sa parteng 'yon. Kailangan na kailangan nga talaga kita."
The ceremony goes on. We all cheered when it's already the kissing the bride moment. Harvey removed her veil and mumbled something to her that makes Hope laugh. And without ado, he pulled her wife by her waist, cupped her chin and kissed her lips wholeheartedly. Hope rested her hands on his husband's nape and accepted him all.
I clapped my hands so hard and put my hands around my mouth, shouting and cheering together with the crowd. We took pictures with the groom and bride, mayroong pito kami at mayroon ding solo kasama ang bride at groom. Limited nga lang ang kuha dahil marami ang nakapila na nais magpakuha ng larawan kasama ang bagong kasal.
"Ang corny mo." sabi ko nang makalapit kay Harvey nang kaming dalawa lang ang kukunan.
"Corny. Umiyak ka nga kanina." ganti niya na ikinaismid ko lamang. Hinayaan ko siyang hilain ako palapit sa kanya. He placed his hand on my back while my hands remain on my clutch. We smiled at the camera when the photographer made a countdown.
Nang ilibot ko ang tingin sa mga nakatingin sa amin habang kinukunan kami ay nahuli ko si Kai na kinukunan din kami. He didn't falter upon catching him taking pictures of us. Marami pa ang sumunod sa akin hanggang sa groomsmen at bridesmaid naman.
"By pair, by pair naman!" Rain suggested. Tinulak agad ako ni Eve at tinawag si Kai na pumuntang altar. I heard coughs and whistles from Arthie and Julian. Ngingiti na sana ako sa kagaguhan nila nang mahagip ko ang taong nasa tabi nila.
Beside them is Tita Geneva who is staring at me with distaste. Katabi niya si Tito Nick, karga-karga ang apo. Kung may panahon pa para pigilan si Kai na lumapit sa'kin ay maaaring ginawa na niya. Bakas sa mukha niya na gustong-gusto niyang hatakin si Kai palayo sa'kin.
"Smile!" the photographer said. Pilit ang ngiting binigay ko sa camera. Maging sa group picture ng mga bridesmaids at groomsmen ay hindi ako komportable.
"Ang mga magulang naman po!" said the photographer.
Naipit ako sa grupo nang isa-isa silang nagmano sa mag-asawang Almendarez. Napalunok ako nang kinailangan ko silang makasalubong. I saw Kai getting his niece from Tito Nick.
I am sweating bullets and my knees are trembling miserably as I near them. Habang kumakaunti ang pumipila para magmano sa mag-asawa ay nadagdagan ang pawis at panginginig ng tuhod ko.
Ang kaibigang babae ni Hope ang nasa unahan ko kaya nang magmano ito sa mag-asawa ay nakipagbiruan pa ito sa kanila. Hindi ko mapigilang maalala ang nakaraan kung saan malaya ko ring nagagawa ang natutunghayan ng mga mata at naririnig ko ngayon.
I gritted my teeth and filled my heart with all of the courage that I have. Soon as I lifted my head, my eyes met hers. Nasa kanyang likuran si Tito Nick na nakatingin din sa akin.Inilahad ko ang kamay para sana magmano sa ginang, "Tita-" ngunit nabitin sa ere ang kamay ko nang lagpasan niya lang ako at nagpatuloy sa altar.
Maraming tao ang nakakita sa ginawa ng ginang kaya hiyang-hiya ako. Yumuko ako at mabilis na lumabas ng simbahan nang hindi na makayanan ang pagkapahiya.
BINABASA MO ANG
Watch my Step (Friend Series #4)
RomantizmStatus: Completed Step, a stone-cold playgirl, had finally met her match when she intended to stomp her feet on the notorious playboy of St. Joseph. Never in her wildest dream had she ever dreamt that a match she started to play with will only burn...