Chapter 4

5.7K 138 4
                                    

One, two, three.

I count in mind as we did the box step.

It was easy. Waltz is easy, or that what was I thought.

"Sorry." hingi niya ng paumanhin nang maapakan na naman niya ang paa ko habang nililibot namin ang hall sa pag-sayaw ng waltz. And since it's a traveling dance, naging magkaiba ang direksyong gusto naming tahakin kaya ang nangyari ay naapakan na naman niya ang paa ko.

"Bobo." I murmured. I intended to utter that one word for my ears only. Nang bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin ay umangat ang tingin ko sa kanya na kanina pa sa baba nakatingin.

He held his chest and massaged it lightly.

"Ano?"

"Ano?" I mocked.

He took a step forward and put his hands on his waist.

"Anong sabi mo?"

"Anong sabi ko?" I mocked him again.

Tingnan natin kung sino ang uuwing pikon, Almendarez.

"Bobo ako?" hindi makapaniwala niyang tanong habang tinuturo ang sarili.

My eyes exaggeratedly widen as I feigned my shock reaction.

"Narinig mo?"

"Ano akala mo sa'kin, bingi?

I smirked. "Sorry, akala ko kasama na sa pagiging bobo ang bingi."

He let out an audible gasp. Mukhang nagulat sa pamimikon ko.

"Tang ina." He breathed.

I laughed.

"Ano? Pikon ka na?" I teased and laughed.

He laughed with me as well. Tumigil ako sa pagtawa at kumunot ang noo ko. Akala ko ay magagalit ito o maiinis pero mukhang mas masaya pa siya sa'kin ngayon.

"Saldiviar! Almendarez!" malutong na sigaw sa apelyido naming dalawa. Tumigil ang tugtog at ang pag-sayaw. Pumupuyos sa galit na lumapit sa'min si Rene, iyong choreographer. Namaywang ito sa harap naming dalawa.

"You should never back lead, Saldiviar. Wait for the leader to navigate the dance floor!" bulyaw nito sa'kin.

Muntik na akong mapairap sa harapan niya kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. He kept on scolding me pero hindi ang partner ko. This is why I hate meeting gays in circumstances as this. They usually favor men over women. Kahit pa pareho naman kaming nagkamali.

Lumambot ang expression niya nang balingan niya ng tingin ang katabi ko. I almost snorted. Ang isang 'to naman ay gustong-gusto rin ang nakukuhang treatment. I cringed when I thought of bad things.

I know Kai is a bewitching playboy in nature pero hindi ko pa rin maiwasang isipin na nilalandi niya itong si Rene para huwag siyang masinghalan. O kung sabagay, hindi na niya kailangang landiin ito para maakit. Mukhang handa na nga itong lumuhod sa harapan niya at boluntaryong magpaka-alila kahit hindi niya hingiin.

Rene clapped his hands to catch the attention of everyone.

"Okay. Water break!"

Iniwan ko ang dalawa na masaya nang nag-uusap. Lumapit at umupo ako sa bleacher. I removed my heels and dug my hydro flask from my bag. Nasamid pa 'ko nang makitang papalapit sa'kin si Kai.

Shit. Kaagad kong pinunasan ang gilid ng labi gamit ang likod ng palad at marahas na sinara ang flask.

"Painom."

I faced sideways and pretended that I didn't hear anything from him.

He chuckled and sat beside me.

"Grabe, ang damot." pagpaparinig nito at yumuko, ang magkabilang siko ay nakapatong sa kanyang mga hita. He shook his head and ran his fingers through his hair. His curled and brown locks was a bit damp because of his own sweat.

Tinapon ko sa kanya ang 'di pa nagagamit na puting baby towel dahil nawiwisikan ako ng pawis niya. Kadiri.

He curved his lips in a smile. Bago pa magtama ang tingin naming dalawa ay iniwas ko na ang tingin sa kanya at lumayo sa kanya.

"Ayaw mo na 'kong katabi?" Namamangha niyang tanong.

"Noon, halos itulak-"

Itinapon ko sa kanya ang flask. He groaned in pain when it hit his chest hard. I arched my brow and hid my concern towards his chest. Hindi ko naman talaga dapat ibabato sa kanya 'yon but he provoked me anyway. Kaya kasalanan din niya.

"Nauuhaw ka 'di ba?" sabi ko na lang para matahimik na siya.

"Lahat na lang ba ng hihingiin ko sa'yo, ibibigay mo sa'kin na may kasamang-"

We were disturbed by the ding of my phone. Dalawa kaming napatingin sa cellphone ko na nasa ibabaw lang ng bag ko. It was a notification from Fifth. Mabilis kong kinuha ang cellphone at binuksan ang mensahe. Hindi dahil sa excited akong makatanggap ng mensahe galing kay Fifth kung hindi ayaw ko lang magtagal ang mga mata niya sa cellphone ko, sa pangalan ni Fifth. It feels like an invasion of my privacy.

"Lima ang boyfriend mo?" Dewy-eyed, he asked.

Ang bobo talaga. Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa pagiging bobo niya kaya nagtanong siyang muli.

"O mayroon pang iba?" Surprisingly, he asked.

I looked ahead and snorted. He must've misunderstood it. Sa huli ay 'di rin naitago ang tawa saka siya nilingon.

"What's with that face? Parang 'di mo gawain."

"I don't two-time." he saved.

Talaga lang ha? Ngumisi ako at nagkibit-balikat na lamang. Ibinalik ko ang atensyon sa cellphone na hawak-hawak nang tumunog itong muli.

"Neither do I." I said as I made my reply message to Fifth.

He forced air through his nose. "Halata naman na gawain mo. Mukhang sanay na sanay ka na nga. You're talking to me while replying to your fifth-"

"Is it still a news to you?" tanong ko at nilingon siya. Everyone knows me as a playgirl. Kahit mali ang iniisip niya ngayon at wala rin naman akong balak itama iyon ay hindi rin nalalayo iyon sa reputasyon mayroon ako sa mga lalaki. Kaya ano'ng nakakagulat Kai?

"And so what if I'm talking to you while replying to my fifth boyfriend? Does it concern you? It's not like you're one of my boyfriends."

I stopped from typing and glanced at him when I don't hear another word from him. After the short break, we went on with the rehearsal. Alas-sais na nang matapos kami. Sinulit dahil minsan lang kung magka-vacant ang lahat ng sabay-sabay kaya.

Fifth is already waiting for me outside the gym. We went to the nearest coffee shop and talked for a bit. Hindi nga lang natuloy ang plano namin na dumiretso sa bar dahil nakita ako ng kapatid ko.

"Next time then." Fifth sighed.

I squeezed his hand and stood up. Tiningnan ko ang kapatid na naghihintay na sa labas at masama ang tingin sa'min.

"Hey brother." bati ko nang makapasok sa loob ng kotse niya. Ikinakabit ko ang seatbelt nang magsimula ito sa sermon niya.

"Fifth, really Step?" he asked and faced me instead.

"Fifth's... nice." I said the last word like I was short of words, like I couldn't find the right word to define him.

"He's not. You know too well his reputation with girls. He's only toying you, Estefania."

So am I kaya hindi ko alam kung bakit ayaw niya sa mga tipo ko e katulad din naman nila ako. It's not like I would get hurt if I find out that my boyfriend is toying me. Kaya hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya akong pagsabihan at protektahan.

Bumuntong-hininga ako nang makauwi kami at nalamang hindi pa nakakauwi ang mga magulang namin. Ang alam ko ay nasa Visayas sila para sa isang business trip. Would it make me a bad child if I wish to prolong their trip there for a few days? Or week?

"You're not heading in?"

"Huh?"

Saka ko lang napagtanto na kanina pa ako nakatayo sa hamba ng pintuan. Nakasuot na ng slippers si Luke. Kaagad kong hinubad ang sapatos at isinuot ang slippers para sa akin.

Habang paakyat ay abala ako sa pagtipa ng mensahe para kay Fifth. He's asking if he can call.

"Did you already get your grades?"

"Oo."

"And?" he curiously asked. Bumaling ako sa kapatid at ngumisi. Alam ko naman na hindi ito interesado sa grades ko. May kailangan lang malaman.

"I'm all ready." I coolly said and stared at my phone.

I heard him heave a deep sigh. "You can do an overnight stay at Alric's house." suhestiyon niya na ikinatawa ko.

"I'll be gone for a week."

"Ingat?"

"I'm serious, Step."

Ngumiti ako at tinapik ang kanyang pisngi. "Oo na." sabi ko na lamang saka umakyat na. Iyon naman talaga ang gagawin ko.

Watch my Step (Friend Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon