Chapter 9

4.8K 147 6
                                    

I was kneeling on the cold tiled floor over the fluorescent light while trying to stitch my damaged dress. I have found a sewing kit but I don't know how to stitch. I groaned when I pricked my finger with needle again.

Ako na lang ang tanging natitira sa silid at ang lahat ay lumabas na para maghintay sa bukana ng bulwagan. Mabuti nga iyon dahil mas komportable akong ayusin ang damit kung mag-isa ako rito. Besides, I don't want anyone to see me like this. I really looked like a pathetic weakling right now.

I tried to widen my eyes as I tried my very best to produce a good stitch on my dress. The stitch was noticeable dahil pula ang sinulid. Wala akong pagpipilian dahil ito lang ang mayroon sa sewing kit.

I'm almost halfway done and I can already see the result. Fuck. I don't think I can wear this.

The doorknob clicked. I stopped from stitching and lifted my head.

At the doorway is Kai in his white long sleeves and black slacks. Nakasampay sa isang balikat niya ang coat na suot kanina.

He only removed his coat and tie. Ganoon lang kadali para sa kanya samantalang sa akin ay kailangan pang magpalit ng damit at heels, at magtahi na rin. Putang ina talaga. Kung hindi ko lang mahal si France ay hinding-hindi ko ito gagawin.

"Nandito ka lang pala," he obviously said the obvious thing and walked to me. Ibinalik ko ang tingin sa tinatahi. Wala akong panahon sa kanya ngayon.

Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap. Marahil ay baka ako na lang ang wala roon. Ang isiping iyon ay mas nagpataranta sa'kin dahilan nang pagkakatusok ko ulit sa karayom. I tried not to produce any sound because of him.

"Bakit hindi ka pa nagbibihis?" tanong nito na nakatayo na sa aking harapan.

Gusto ko siyang singhalan. Why is he asking me the obvious things? Nakikita naman niya siguro ang ginagawa ko. Para saan pa ang kanyang mga mata niya kung hindi rin niya ginagamit? Tss. Hindi ko ito sinagot at pinagpatuloy lang ang pagtatahi na walang direksyon.

"Ano'ng ginagawa mo?"

I shut my eyes tight and exhaled deeply. Calm your nerves, Step. Arguing with him is a waste of time. I moved my head side by side before I continued stitching. But before I could prick the needle into the fabric,

"Bakit ka nagtatahi?"

"Tang ina." mura ko kasunod ng malakas na pagtawa niya. Itinapon ko ang damit at masama ang tingin na hinarap siya. His laugh reverberated around the room.

Katulad ko ay lumuhod din ito sa sahig sa aking harapan at pinulot ang tinapon kung damit kasabay nang pasimpleng pagpatong niya ng kanyang coat sa lantad kong hita dahil sa slit ng gown ko.

"Binubully ka pala, kawawa ka naman. Tsk tsk tsk." Insultingly he said. Kaagad na nawala sa isip ko ang kanyang ginawa dahil sa kanyang sinabi.

"I'm not!" galit kong sigaw. That was an insult to me.

"This is bullying." sabi niya at tinuro ang sira kong damit. I rolled my eyes. I know someone sabotaged my dress. Sa sobrang dami kong kaaway at mga hindi totoong tao na nakapaligid sa akin ay imposibleng mapapangalanan ko pa kung sino. Ipagdadasal ko na lang siya.

"What are you doing?" inis kong tanong nang sinira niya ang stitch ko.

"Susuot ka ng ganito?" sarkastiko niyang tanong na ikinatigil ko. I bit my bottom lip and looked away. Ang pangit nga ng stitch ko. Masyado pang halata.

"If you're stitching like this, you should have done it here." turo niya sa likod ng dress.

Now, that made me realize how dumb was I. Bakit hindi ko naisip 'yon? Bobo ka rin Step e. Tumingin ako sa kanya nang makita kong inabot niya ang pulang sinulid at mabilis na naituhog ito sa butas ng karayom.

"Sharp shooter ka pala." I murmured out of nowhere.

Ngumiwi ako nang pumailanlang ang malakas nitong tawa.

"Huwag ka munang magpatawa baka mawala abilidad ko."

I arched my brow. "Marunong ka? I doubt."

"95 grade ko sa stitching at embroidering." he bragged that made me laugh. He sounded so proud like it was a big thing. Okay, that was a big thing because we're in this situation. Pero kung wala kami sa sitwasyong ito ay hindi ko rin mare realize ang importansya ng pagtatahi. Like, what the fuck?! Hindi ako pinanganak para magtahi.

"And you're proud because?"

"Siyempre, doon ko lang nalamangan si Ace." he said and I only answered it with a scowl. Umiling siya saka nagsimula nang magtahi.

I observed him. Mabilis nga ang kamay niya. Pero hindi ko pa alam kung maganda nga ang kakalabasan. Baka ginagagago lang ako ng isang 'to.

He was so focused on what he's doing. The tip of his tongue was stuck out between his lips. I admit, he looked hot doing that. Damn it. I pinched my palm and looked at my dress instead.

"Buburdahan ko 'to. Ano'ng gusto mo?" he suddenly asked.

"Ang yabang mo. Just stitch it up. We don't have much time left." sabi ko at tumingin sa wall clock. May sampung minuto pa kami.

"Lagyan ko 'to ng bahay, gusto mo?"

Nakakainis. Ang dami niyang oras para sa kalokohan.

"For once, tumigil ka nga muna sa kalokohan mo? If we didn't make it, we might get suspension or- "

"You have to relax. You're just overthinking." he calmly said, unbothered of me being paranoid.

I hissed and looked at what he's doing. This playboy really has the time to embroider a flower on it. He's halfway done when I realized that it's a rose. I pursed my lips when I assessed how beautiful his work is.

Nang matapos ay umangat siya ng tingin sa'kin. He smiled at me. He looked so proud like he saved something so big.

"When you're getting a boyfriend, get the artsy type."

"Artsy kaya ang daming arte." sabi ko at tumayo. I heard him chuckle.

Tumalikod ako sa kanya at pinabuksan ang zipper sa likod. Nang mabuksan niya ay mabilis kong hinubad ang gown. I'm wearing my underwear. Wala mang bra ay nakatalikod din naman ako sa kanya. Wala na akong oras pa para pumunta sa fitting area. Nakita niya rin naman akong hubad. Hindi man niya alam na ako iyon, ako pa rin iyon. I heard him muttered curses.

"What?" natatawa kong tanong. He's acting like he has never seen a naked woman. I heard his footsteps. Mukhang lumayo sa akin. I shrugged and continued removing my gown. I was surprised when he turned the lights off.

Nakangiti ako habang sinusuot ang sweetheart dress.

"Hoy." tawag ko sa kanya nang matapos ako.

"What?!" he spat.

"I'm done. Let's go." sabi ko at tumakbo na palabas ng silid habang nahihirapang abutin ang zipper sa likod para i-zip ang damit.

"You can't call me to zip your dress up but you can strip naked in front of me in a blink of an eye." sabi niya sa likuran ko at siya na ang nag-zip ng damit ko.

Hindi ko ito sinagot dahil naririnig ko na ang sinasabi ng host na susunod na ang waltz kaya mas binilisan ko ang takbo ko.

"Saan kayo galing?" bungad sa amin ni Rene nang pareho kaming hinihingal ni Kai nang makalapit sa kanila.

"Nag quickie 'yan, Sir! Este Ma'am!" someone shouted followed by cheers.

Pilit kong hinanap kung sino ang sumigaw noon para masingil ko pagkatapos naming sumayaw. Ang tabil ng dila e.

Nilingon ko si Kai na nasa likod ko. I found him smirking.

"What?"

Hindi ito sumagot dahil tinawag na kami. The door widely opened. Bawat pares ang pasok at pang-lima kami sa pinakahuli. Susunod na sana ako sa hakbang ng nasa aking unahan nang hilain bigla ni Kai ang tali ng buhok ko. My hair slowly disentangled from my ponytail.

I gasped and turned around. I sent him daggers through my stares but he only gave me a smile.

"Much better." he said and even took a step to me. Nagugulat talaga ako sa lahat ng ginagawa niya ngayon

"You're too mature with your look tonight." he said as he combed my hair with his fingers. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang isang 'to.

If not for Rene's warning eyes, I wouldn't have entered the hall. Gulat pa rin ako sa ginawa niya at ginagawa niya. I grunted when he pulled me closer to him by my waist. I leered at him and he was just looking in front with a bright smile on his face.

Now that we're in a square position, I have got the chance to look at the other pairs. We were all in white dresses, magkaiba lang sa desinyo ng top. Some are wearing halter, off-the-shoulder, one shoulder, scoop, v neck or sweetheart like me. Our color white glittery strappy heels complimented our dress well.

Bumaba ang mga mata ko sa laylayan ng bestida na suot. I was the only one who has red stain on my white dress. May mga nakakapansin at tumatagal pa minsan ang tingin sa rosas sa aking damit. Umangat ang tingin ko at nahuli kong nakatingin din siya roon.

I was about to call him when the violin starts playing. We looked at each other as we did our first step. He rested his hand at my back as I put mine on his shoulder and let my arm rested on his. Inilahad niya ang isa pang kamay at hinawakan ko 'yon.

"Kapag nagkamali ka, aapakan talaga kita." I warned as we started dancing.

"Pa'no, kapag ikaw ang nagkamali, aapakan ko rin paa mo?" tanong nito at tumingin sa sahig.

"That won't happen." I smirked as I made my first turn. I laughed when my hair hit his face. Hindi ko naman sinasadya. Hindi lang ako nasanay dahil hindi ko naman inilulugay ang buhok tuwing rehearsal namin.

Mas lalo lang lumawak ang ngiti ko nang makita ang busangot nitong mukha.

I pursed my lips. "Kasalanan mo."

As we traveled the dance floor dancing, I caught my brother filming me when we past him. Ibinaba nito ang camera nang mapansing nahuli ko siya. I chuckled and gave him a wink.

I heard my partner cough so I returned my gaze to him.

"Ang dami mo talagang lalaki 'no?"

"That's Luke." I said and put my hands on his shoulder as I ready myself for the lifting. We're both staring at each other when he lifted me up.

Hindi ko namalayan na tapos na ang kanta at sayaw pero magkasama pa rin kami ni Kai. I glanced at the other pairs. Karamihan ay wala na sa kanilang kasayaw at nasa tunay na pares na ang kasama. Kung may nanatili man sa kasayaw, iyon ay ang magkakarelasyon din.

Kai got the title of the "Face of the Night." I was smiling as I looked at him walk towards the stage with such confidence. Then I just realized that I was clapping all along when I looked at my hands.

Mabilis akong tumigil sa pagpalakpak at itinikom ang bibig para makinig sa kanyang sasabihin. There's no need to speak but the crowd requested, I mean the girls.

"Uh, I really don't know what to say..."

I rolled my eyes with his first sentence. Nagsisimula na naman siya sa mga kagaguhan niya.

So humble, Almendarez. Hindi bagay.

"What?" He asked supressing his laugh. Hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya dahil sa akin siya nakatingin. He flashed his smile and girls went wild. His eye smile is such a killer. I'd admit that.

"But anyway, thank you for giving me this award though I-"

"Ang guwapo mo Kai!" someone shouted from the crowd.

"I know. As I was saying, I don't think I have all the characteristics of..."

He continued with his speech while we're all laughing with his bold mouth. What a confidence he has. May iilan pang tumigil sa paglakad at pagkausap sa mga katabi dahil sa kanilang narinig.

Even I, I literally dropped my jaw. Maging ang host na kanyang katabi ay laglag din ang panga sa pinakitang kompiyansa sa sarili ng nagsasalita.

I was still listening to his speech when Luke poked my shoulder. Kunot-noo ko siyang tiningnan. He gave me a sign that we have to go home. Kaya kahit ayaw ko pa sanang umalis dahil gusto ko pang malaman kung sino ang mga mananalo sa iba pang award ay sumama na lang ako.

"Step." Pagtawag sa'kin ng kapatid nang mapansing tumigil na ako sa paglalakad, ang mga mata at atensyon ay nakatutok pa rin sa nagsasalita sa harap.

"Oo, heto na." sabi ko saka tumalikod sa hall at sinundan ang kapatid.

Luke gave me his coat when we were already out of the building. I put it over my shoulder as I followed him to the parking area.

Hindi ko inaasahan na makikita ko si Harvey sa carpark at may kasama pa. Kaya pala hindi ko mahagilap sa loob. I smirked when our eyes met.

Hope looked cute with her pastel in pink high neck ball gown. We have the same top with my gown. Her curly hair was in a messy yet subtle bun. She let some cascades of her curls fall. She's really good-looking in a juvenile way.

"Ayos ah? Nasa loob ang party at nandito kayo. Bakit kayo nandito at anong ginagawa niyo sa dilim?"

"What is it to you?" mabilis nitong bato sa'kin.

I arched my brow when I heard her voice. She was so soft-spoken and yet her language was feisty.

Tiningnan ko ang kaibigan na ngayon ay malawak ang ngisi sa akin. Mukhang proud pa na sinasagot-sagot ako ng girlfriend niya. Sumbong ko sila sa kuya niya e.

"Tep, kunan mo kami ng picture." Harvey neared me and gave me his phone.

Wala akong nagawa kung hindi ang kunan sila.

"Jo, naalala mo? Ako rin kumuha ng larawan kay Rain at sa ex niya. Baka kayo na ang sunod." biro ko at tumawa ng malakas nang makita ang busangot na mukha ni Hope.

Magkakaroon pa sana ako ng bagong kaaway nang businahan na ako ng kapatid. Iritado kong binalingan ang kotse niya.

Bakit ba ang apurado ng lalaking 'to? He should have been enjoying this night since it's already his last. Ilang linggo na lang at ga graduate na siya.

Sumampa ako sa kotse niya at kaagad niya itong minaniubra palabas ng parking area. Nasa main gate na kami nang hinarangan kami ng guwardiya. Napansin ko na iyon din ang ginagawa nila sa mga naunang sasakyan. All vehicles heading out the university were inspected. Kumunot ang noo ko.

"Anong mayro'n?" tanong ko sa kapatid na ngayon ay ibinababa ang bintana sa kanyang gilid para makausap ang guard. Sinubukan kong makinig sa pinaguusapan nila mula rito sa backseat nang mahagip ko si Kai sa labas.

I rolled the window down on my side and saw him talking to the guard.

"Salamat, boss!" he saluted at the guard and jogged towards me. Nang makalapit ay pansin ko ang mabigat nitong paghinga at iilang butil ng pawis sa noo. Isinandal pa nito ang braso sa bintana na animo'y magiging matagal ang pag-uusap namin.

"Bakit?"

"Grabe. Iniwan mo-"

"Estefania." my brother called. I looked at him in the rearview mirror. His irritations doubled. Kanina pa atat na atat umuwi at ang daming interventions dahil sa'kin. Binalik ko ang tingin kay Kai na nakatingin din sa kapatid ko. Sumulyap ito sa'kin pagkatapos makipagtitigan sa kapatid ko sa rearview mirror.

"Iniwan mo 'to." he showed me the paper bag. Kinuha ko 'yon sa kanya at sinilip ang laman. It's my gown and heels. Naiwan ko sa room kung saan ako nagpalit kanina at nakalimutan ko ng kunin.

Binalik ko ang tingin sa kanya. Wala pa ba itong balak umalis? We're already causing traffic here.

"Uuwi na kami." sabi ko at muling tiningnan ang kapatid sa rearview mirror. Nakaangat na ang isang kilay nito habang tinitingnan kami.

"Okay." he said and smiled. Nang umatras siya ay saka ko itinaas ang bintana. My brother took that cue to drive. Hindi nga nito pinatay ang makina dahil ayaw talagang magtagal.

When we're on the road, I just realized that I have been holding my breath for seconds. I glanced at the rearview mirror and saw Kai, talking to the guards. Did he really ask the guards to do checkpoints just to find me?

Watch my Step (Friend Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon