ISANG buwan na ang lumipas simula nang operahan si Rachelle sa kaniyang mga mata. Nabulag kasi siya nang maaksidente ang sasakyan na minamaneho niya. Ngayong araw na ito ay kukunin na ang benda na nakatakip sa kaniyang mga mata. Alam niyang gagawin ng papa niyang doktor ang lahat ng makakaya nito para lamang makakita siyang muli! Imbes na maging masaya na si Rachelle sa araw na iyon ay tila naging isang bangungot ang muli niyang pagkakita dahil gabi-gabi na lang kung magpakita sa paanan ng kaniyang kama ang babaeng walang mata na nabangga niya noong araw na maaksidente siya!