KAHIT ano’ng gawing paglayo ni Roma kay Genesis ay hindi pa rin siya nito tinatantanan. Oo, Mahal niya ito pero mas nangingibabaw sa kaniya ang pagkakaibigan nila ni Keziah. Kaya niyang magparaya para 'wag lamang masira ang pagkakaibigan nila ni Keziah. Isang beses ay gustong makipagkita ni Keziah sa kaniya sa isang lumang balon. Nagulat na lamang siya nang itulak siya ni Keziah sa balon. Nahulog siya roon at isang malaking nilalang ang pumaibabaw galing sa kailaliman ng balon at hinila siya nito paibaba. Ang nakakalukong pagngiti na lamang ni Keziah ang siyang nakita niya bago siya nawalan ng hininga!