Story#24- Manika

31 3 0
                                    

BATA pa lang si Monica ay gustong-gusto na niya talagang magkaroon ng sariling manika. Pero hindi iyon nabigay sa kaniya ng mga magulang niya dahil sa kahirapan. Saka na lang daw siya bibilhan niyon kapag nakaluwag-luwag na sila. Hanggang sa lumaki na lang siya ay hindi pa rin siya nagkaroon ng manika. Kung noon ay manika lang ang gusto niyang magkaroon ay ngayon gusto na rin niyang magkaroon ng nobyo. Sinabi niya iyon sa nanay niyang mangkukulam. Dahil doon ay may inabot sa kaniya ang nanay niya na isang pulang likidong nasa bote at isang itim na manika!

Hundred Words Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon