Story#12- Milktea

49 4 0
                                    

Mahilig si Lean uminom ng favorite niyang milktea. Halos lahat na yata ng tindahan ng mga milktea ay napuntahan na niya. Nakuha ng atensiyon niya ang isang bagong bukas na cafe sa kabilang kanto. Dinadagsa ng mga tao iyon dahil masarap daw. Agad naman niyang sinubukan iyon at masarap nga! Hanggang sa parang na-adik na siyang uminom niyon. Nalalasahan niya ang nag-aagaw na tamis at alat nito at my konting lansa. Ewan niya pero habang tumatagal ay parang ayaw na niya itong tigilan. Hanggang sa isang araw gumawa na rin siya ng kaniya gamit ang dugo ng tao.

Hundred Words Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon