MASASABING matagumpay ang napiling negosyo ni Kerbie. Iyon ay ang paggawa at pagbebenta ng uling. Sa negosyo niyang iyon ay nakapagpatayo na siya ng malaking bahay at may sariling mga sasakyan. Nagulat ang karamihan dahil sa mabilis na swerte na dumapo sa kaniya. Ang ilan nga ay humihingi pa ng advice sa kaniya kung paano mapapalago ang isang negosyo. Sinasabi lang niya na dapat may tiyaga pero napapangiti na lang siya sa isip niya dahil hindi naman talaga niya ibenebenta ang uling na ginagawa niya dahil ipinapakain niya iyon sa mga alaga niyang sigbin na nagbibigay sa kaniya ng swerte.