EXCITED na si Sally na dalhin ang kaibigan niyang si Ruby sa probinsiya nila. Niyaya niya kasi ito na magbakasiyon ito roon. Pumayag naman ito at sa katunayan nga ay nag-leave pa silang dalawa sa trabaho. Manghang-mangha ito sa mga tanawin at pasyalan sa probinsiya nila. Wala itong kaalam-alam na isa siyang aswang! Bago pa man sila umuwi sa Maynila ay hahawaan na niya ito. Magiging katulad siya nito! Magtatakam sa dugo at laman ng hayop at tao! Sa pamamagitan ng laway ay pasimple niya itong nahawaan! Sa wakas ay dadami na rin ang mga kagaya niya!