Story#03- Paralisado

95 4 1
                                    

TILA ang bibigat ng mga talukap ng mga mata ni Jason dahil kahit ano'ng gawin niya ay hindi niya maidilat iyon. Gusto niya ring igalaw ang katawan niya pero hindi niya iyon magawa. Parang naging paralisado na ang mga iyon. Medyo nakakaramdam na rin siya ng takot ng mga sandaling iyon. Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Maya-maya pa ay nakakarinig na siya ng mga nagsasalita sa paligid niya habang nag-iiyakan. Tila familiar sa kaniya ang mga boses na iyon! Ilang sandali pa ay may narinig siyang may nagsalita na kailangan na siyang ibaba sa kaniyang sariling hukay!

Hundred Words Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon