FIRST day ni Josefa sa trabaho niya bilang sekyu sa isang pribadong sementeryo. Night shift ang trabaho niya. Ilang taon na rin siyang sekyu pero first time pa lamang niyang maging bantay sa sementeryo. Pagkarating niya ay agad namang umalis ang pinalitan niya. Habang nakabantay ay nagulat na lamang siya nang biglang nagsitayuan ang balahibo niya. Ilang sandali lang ay nakarinig naman siya nang pagsitsit hanggang sa ibat-ibang tunog na ang naririnig niya. Parang hihimatayin na siya sa sobrang takot! Hiling niya ay sana matapos na ang gabi nang paghihirap niya dahil bukas ay magre-resign na agad siya!