KAGAGALING lang ni Daniel at nang tatlo niya pang kaibigan sa lamay ng kaibigan nilang si Jason na namatay sa bangungot. Ito na kasi ang huling gabi nito at ililibing na ito bukas. Mami-miss talaga nila si Jason. Napakabait kasi nitong kaibigan. Nahihinangayan nga siya dahil napaka-bata pa nito para mamatay! Marami pa naman itong pangarap! Habang naglalakad sila pauwi ay nakikita nila ang mga anino nila sa kanilang harapan dahil sa liwanag ng poste ng ilaw sa daan. Nagulat si Daniel dahil sa pagkakaalam niya ay apat lamang sila pero bakit naging lima na ang anino nila?