Story#04- Lamig

80 3 0
                                    

NAPABALIKWAS ng bangon si Rona nang maramdaman niya ang malamig na buga ng aircon ng kwarto niya. Kahit inaantok pa ay tumayo pa rin siya para pahinaan iyon o di kaya ay patayin na lang. Nang nasa tapat na siya ng aircon ay natigilan siya at tila nawala ang antok nang maalala niya na sira pala ang aircon ng kwarto niya. Napadako ang paningin niya sa kaniyang repliksiyon sa may salamin. Agad siyang natakot nang makitang mahigpit na nakayakap sa kaniya ang kaniyang isang taong gulang na anak na tatlong buwan nang patay nang makulong ito sa loob ng refrigerator!

Hundred Words Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon