WHITE LADY. Iyon ang costume ni Akhynna sa halloween party sa kanilang opisina. Pagpasok niya sa gaganapan ng event ay bumungad sa kaniya ang mga kasamahan niya sa trabaho na nakasuot ng kani-kanilang nakakatakot na costume. Nagulat na lamang siya nang may maramdaman siya na parang may sumaksak sa kaniya. Nahihintakutan na tinignan niya ang nakatusok na kutsilyo. Napadako ang tingin niya sa taong sumaksak sa kaniya. Nakabihis ito na Kamatayan. Natumba siya. Humingi siya ng tulong pero walang may pumapansin sa kaniya! Oo nga pala, nasa halloween party siya! Sino ba naman ang maniniwala na totoong sinaksak siya?